Kabanata 37
Kanina pa akong madaling araw nagkakamot ng aking buong katawan, ngayon naman may mga mistulang insektong gumagapang sa aking ulohan. Panay lang ang paikot-ikot ko sa higaan, katabi ko ngayon si Aztar, pansin ko naman na mahimbing ang tulog ng mga kasamahan ko, ako lang yata ang pinuputakte ng mga insektong hindi ko alam kung saan galing. Nang maalala kong nandito na nga pala kami sa kalagitnaan ng masukal na kagubatan. Napabangon ako nang maalalang nasa ganitong lugar pala kami.
Nalaglag ang panga ko saka dalidaling niyugyog si Aztar, panay na rin ang tawag ko sa iba, mabuti na lang at narinig nila ako, pati si Aztar ay napabangon na rin. Hindi pa nila pansin nang una. Marahan kong itinuro ang daliri ko sa mga insektong nakapalibot sa amin, hindi lang ordinaryong mga insekto, kung ‘di mga malalaking insekto na hindi ko nga alam kung paano nakapasok sa tent namin.
Saradong-sarado ang tent namin kaya imposibleng makapasok ito. Kaagad kong sinuri ang paligid nang makitang may malaking butas sa bandang gilid-gilid ng tent. Doon pala sila dumaan. May malalaking pangil ang mga langgam, kitang-kita talaga kasi nga sa kalakihan ng mga ito na parang kasinlaki ng mga bagong panganak na mga pusa.
“Bakit? Ang aga niyo namang manggising na dala---oh my gosh! What is that thing?” hindi maitago ni Kith ang kanyang takot, kaya napaatras siya palapit sa amin, pati si Hamina ay hindi na rin nakaimik.
“Anong gagawin natin sa kanila, Deeve?” tanong sa akin ni Aztar, nag-isip naman ako ng paraan. Bubuksan na sana ni Ave ang tent nang biglang may gumalaw sa labas at may kaluskos na kami ngayong naririnig. Malakas na ang kalabog ng aking puso. Naalala ko ang unang lebel ng aming misyon, ang makahaharap namin ay mga insektong may mga hindi ordinaryong kakayahan, pero akala ko ba maliliit lamang na insekto ang makalalaban namin? Saka mga ligaw na hayop? Teka, baka ang mga kaluskos na naririnig din namin sa labas ay ang mga ligaw na hayop na sinasabi ni Vee at Eon sa amin. Ibig sabihin ba, ito ang mga kailangan naming lagpasan sa unang pagsubok?
“Makinig kayo, naalala niyo bang unang lebel ng ating paglalakbay? Baka ito na iyon, baka ito na kaagad ang makalaban natin. Kaya dapat ihanda na natin an gating mga sarili sa paglabas natin dito sa tent. Dahil hindi natin alam kung may mga ligaw na hayop na nag-aabang sa atin diyan sa labas.” Pagpapaalala ko sa kanila. Nag-ayos naman sila ng kanilang mga sarili, kalmado na sila ngayon, hindi kagaya kaninang bagong gising na hindi nila alam kung ano ang gagawin.
“Ako na lang siguro ang mauunang lalabas ng tent,” nagpresenta si Kith na siya na ang maunang lumabas, mukhang alam ko na kung bakit niya mas piniling maunang lumabas.
“Gamitin moa ng kapangyarihan mo, para hindi ka nila makita,” suhestiyon pa ni Ave sa kaibigan.
Nag-approve sign lang si Kith, saka nagpatuloy na sa pagbukas ng zipper. Dahandahan pa nitong binubuksan ang takip, nang makagawa ng ingay, huminto muna siya saglit.
“Huwag kang mag-alala, Kith. Dito lang ako sa likod mo, ako ang bahala.” Agarang lumipat ng pwesto si Hamina sa likod ni Kith. Mukhang alam na alam na talaga nila ang silbi nila sa mga oras na ganito. Nakatutuwang pagmasdan ang aking mga kasama, dahil grupo talaga kami kung lumaban.
“Sige,” kaagad na ngang ginamit ni Kith ang kanyang pagiging invisible, pati kami ay hindi na rin siya nakikita, pero maliban sa relo na bigay sa amin ni Vee, may isa pa siyang ipinabot na bagay, mga vernacular glasses na ipasusuot sa amin ni Vee kung sakaling makikipaglaban na kami para raw makakita kami sa madilim at para makita namin si Kith o ako habang gumagamit ng kapangyarihang hindi nakikita ng aming mga mata.
“Mag-ingat ka.” Pahabol ko kay Kith.
Nang sa wakas ay nakalabas na siya, isinuot na namin ang aming mga glasses, samantalang ipinalabas na rin ng iba ang kanilang mga kakayahan, ngayon naisipan kong gayahin muna ang kakayahan nina Hamina at Kith, para naman kahit na hindi ako makita ng kalaban, pero nagagawa ko pa ring tirahin sila ng lazer na hindi nila ako napapansin.
“Nasaan si Deeve?” wala kasi akong pasabi na lalabas na ako, sinundan ko si Kith, pero nang nag-iba naman siya ng pwesto, hindi ko na siya sinundan pa. Naghihintay lang kami ng mga ligaw na hayop na lalabas na lang bigla.
Ilang saglit lang na paghihintay, nakita kong nagsilabasan na rin ang ibang mga kasamahan namin, nang biglang may malaking baboy ramo ang nagpakita, hindi lang isa kung ‘di apat na baboy ramo na kasinlaki lang ng tao.
Hindi pa man sila nakapwesto, kaagad ko nang tinirahan ang mga ito, baka ambahan na silang tatlo roon. Isa lang ang tinira ko dahil nga mas nauna sina Aztar at Ave na sugatan ang mga baboy ramo, pero laking gulat ko nang kay hirap patayin ng mga ito, kahit na sugat-sugat na ang mga hayop na ito, pilit pa rin silang bumabangon at sumusugod. Hanggang sa nirakrak na nga ng baril ni Aztar ang mga hayop. Hindi na sila nakaramdam pa ng awa.
Naaliw na ako sa katitingin sa kanilang pagbabarilin ang mga kalaban, nang may naririnig akong tunog na iisipin mo talagang wala ka nang ligtas, kasi nga sa isang pag-hiss lang ng hayop na ito, alam ko na talagang ahas na ang naririnig ko.
Lumingon ako sa likod ko, pero wala namang ahas sa likod ko, nang may tumulong likido sa aking ulo, hinawakan koi yon gamit ang aking kanang kamay, saka tinignan ito. Maingat kong inangat ang aking ulo nang nagtagpo ang aming mga mata saka saktong pagbuka ng kanyang bibig, parang nakita ako ng ahas, kaya nawala ako sa aking sarili bigla, hindi ko alam ang susunod na gagawin, nang hindi pa rin ako pinabayaan ng mga kasamahan ko, lalong lalo na ni Aztar at Hamina, dahil sila ang panay tira sa ahas na malapit na malapit na sa aking mukha.
Naibalik ko ang sarili dahil sa napakahabang pagkawala nito. Sa kahuli-hulihang pagkakataon, ibinuhos ko ang naipong lazer sa mga mata ko roon sa ahas na muntikan nan gang tumapos sa buhay ko.
Nasabayan ko nga ng sigaw ang pagtira ko sa kanya ng aking kapangyarihan.
Nang sa wakas ay natalo na nga namin ang iilan sa mga insekto at hayop na aming nakaengkwentro ngayon. Pinagsawalang-bisa na namin ni Kith ang aming pagiging invisible nang akala naming tapos na ang lahat.
Bigla kaming tinangay na dalawa ng isang lumilipad na hayop.
“Deeve! Kith!” rinig pa naming sigaw ng mga kasama namin.
Habang kami ni Kith ay nag-isip ng paraan kung paano kami makakawala sa pagbihag sa amin ng malaking ibon na ito.
Nagtanguan na lang kaming dalawa, nang may maisip akong paraan. Nag-isip ako ng kapangyarihang maaaring gamitin sa ibon. Nag-invisible muna ako, sabay marahang kumawala sa mahigpit nitong kapit sa aking katawan, hindi napansin ng ibon na malapit na ako sa kanyang uluhan, ang plano ko talaga ay gamitin ang abilidad na mahipnotismo ang malaking ibon na ito at maibalik kami sa kaninang lokasyon kasama ang mga kaibigan namin. Nang nasa tuktok na ako ngayon ng kaniyang katawan, malapit sa kanyang ulo, una kong ginawa ay ang palabutin ang katawan ko na katulad ng goma na nauunat ang katawan, pinaunat ko ang ulo ko, habang nakasakay sa likod ng ibon, nang napwesto ko na ang sarili, dahil nga sa hindi ako nakikita ng ibon, hindi niya alam na tinitigan ko na ito sa kanyang mata para gamitan ng hipnotismo, pero naisip kong hindi tatalab ito kung hindi niya ako makikita, kaya hinigpitan ko ang kapit sa likod niya at winala ang pagiging invisible at kaagad na tinitigan ang mga mata ng ibon.
Sakto namang nakatingin na siya sa akin, kaya huli na siyang nag-iwas ng tingin dahil nakuha ko na ang pansin niya. Kaya ngayon naman ay nag-approve sign na ako kay Kith ngayon na muntikan nang mahulog dahil sa pagluwag ng hawak ng ibon sa bihag na kaibigan.
Inabot ko si Kith at pinasakay rin dito sa likod ng ibon, binulongan ko ang ibon na ibalik kami sa kaninang lokasyon at pakawalan na kaming dalawa,
“Deeve, Kith!” muling tawag sa amin ng mga kasamahan, nang nakababa na nga kami sa mismong pagsakay sa ibon, binulongan ko na rin ang ibon na umalis na dito at bumalik na sa pinakamalayong pinaggalingan. Saka ko na pinasawalangbisa ang paghipnotisa ko sa ibon hanggang sa maghapon na.
…
“Nasaan pala ang mga langgam dito sa loob ng tent?” kaagad na bungad ko sa kanila. Wala na kasi akong nakita rito sa loob nang dumating kami ni Kith.
“Bigla na lang nawala, hindi nga namin alam kung saan nagpunta.” Si Aztar na mismo ang tumugon.
Nakinig lang kami sa napakahabang katahimikan, nang nagsalita si Ave.
“Sa tingin niyo, guys. Iyon na ba ang simula ng lebel na nakalaban natin kanina?” napaisip na rin ako sa naging turan ng kaibigan.
“Para sa akin, mukhang hindi pa. Ewan,” hindi ako sigurado. Kasi nga mukhang ang bilis naman yata nilang matalo. Oh, baka iyon lang talaga ang hangganan ng kanilang mga kakayahan, mga malalaki at maliliit lang silang mga insekto at hayop, pero still sila ay mga wala gaanong espesyal na kakayahan.
“Wala rin akong masabi, ang sa akin lang naman na naging masaya ako sa naging resulta ng unang laban natin dito sa masukal na kakahoyan na magkasama tayong lima, dahil may tinatawag talaga tayong teamwork.
Nakangiti naming bungad ngayon sa isa’t isa. Hindi na lang namin dinala ang tent na bigay sa amin ni Vee, dahil nga butas na naman ito, kaya malabong magamit pa namin iyon. Niligpit na lang namin saka nilagay sa isang tabi. Sa puno na malapit doon.
“Sa tingin niyo ba, may kasunod pa ba tayong makakalaban?” ani Hamina.
“Oo naman, hanggang hindi pa tayo nakarating sa mismong palasyo ng mangkukulam na iyon, hinding-hindi natin iwawala sa ating isipan na may mga kailangan pa tayong kalabanin. Huwag tayong magpakampante, dahil hindi natin alam, baka pagsubok lang pala iyon kanina at hindi pa iyon ang unang lebel na inaasahan natin.” Malaki ang punto ngayon ni Ave.
“Tama si Ave, kaya sa ngayon, dapat nating magpatuloy sa paglalakbay, at maging handa palagi sa mga kahaharaping mga kalaban.” Dagdag paglilinaw ko sa kanila.
Kinuha ko ang kwentas na nasa ilalim ng aking damit, saka tinignan kung saan kami ngayong parte ngkagubatan.
“Nasaan na tayo ngayon, Deeve?” ani Aztar.
“Papunta tayong kanluran.” Iyon kasi ang nakalagay kung saan kami papunta. Inaalala ko kung ano nga iyong mga naroon sa kanluran na sabi ni Vee sa amin, pero hindi ko maalala.
“Kanluran,” pag-uulit ni Aztar.
May nakalaban nga kami kanina pero bakit parang sa tingin ko ay hindi pa iyon ang makalalaban namin sa unang lebel. Kasi nga may nabanggit si Vee noon na ang makalaban namin sa unang lebel ay mga maliliit na insekto saka ligaw na hayop na may mga kapangyarihan din. Pero bakit ang kaninang nakalaban namin ay mga ordinary lamang, wala namang mga angking kakaiba. Baka nga talagang mga pagsubok lang talaga ang mga iyon, o, baka mga hayop na naninibago sa nakikita nilang mga ibang nilalang kagaya namin.
Hindi ko na lang sinabi sa kanila ang nasa isipan ko ngayon, baka kasi sabihin nila na nag-iisip pa ako ng bagay na ganoon. Ang mainam lang sa ngayon ay kalmado kaming haharap sa kahit na anong nilalang na makakaharap namin sa ngayon.
“Hindi pa ba kayo nagugutom?” tinignan ko naman si Hamina na ngayon ay pansin kong hawak-hawak na niya ang kanyang tiyan.
Nilinga-linga ko ang paligid, nang saktong may naririnig akong ragasa ng tubig, saktong-sakto! May naisip ako, baka nasa malapit na ilog na kami.
Patuloy lang akong naglalakad, hanggang sa nakalabas na kami ng kakahoyan, nakita ko ngayon ang napakahaba, at napakalinaw na ilog, hindi naman malakas ang agos ng tubig, saka hindi rin malalim, katamtaman lang na agos ng tubig.
“Ang linaw ng tubig!” sabay-sabay na turan ng apat. Nagmuwestra ako sa kanilang huwag maingay at baka makapukaw kami ng mga nilalang na nagbabantay sa mismong ilog.
“Sorry po.” Pagbibigay paumanhin nila sa paligid, nang sa wakas ay nakakita ako ng mataas na kahoy na parang sinadya talagang magpakita para may magamit akong panibat ng isda sa ilog.
“Hindi ako marunong, pero susubukan ko lang, para makahuli ng isda at maulam natin.” Hindi ko sinabing para ito kay Hamina, kahit naman hindi sabihin ni Hamina na gutom siya, ramdam ko na ang pangangalam ng kanyang tiyan, dahil sa kanyang pasimpleng paghawak ng kanyang sikmura.
“Ako rin! Gusto kong subukan ang pagsibat ng isda.” Naghahanap na rin sila ng mga kahoy na pwede nilang magamit, habang naghahanap sila, ako naman ay inabala na rin ang sarili sa pagsisibat ng mga isda. Hanggang sa nakahuli rin ako ng isa, at nagsunod-sunod na nga ang huli ko. Sobrang saya ko dahil nakahuli ako ng isda.
Nang sumulong na rin sila sa ilog at nanibat ng isda. Nauna akong umahon sa kanila at sinimulan na ngang mag-ihaw. Sinubukan ko ang kapangyarihang apoy na ipalabas sa kamay ko, sa pamamagitan lang ng paghiling sa aking isipan na bigyan ako ng ganoong kakayahan, para masindihan ang mga nalikom na mga sanga ngayon na nasa aking harapan, at maihaw na ang mga isdang nahuli ko sa ilog.
Iniharap ko ang mga palad sa mismong kumpol ng sanga, saka pinikit ang mga mata, bumulong sa hangin.
“Apoy sa kamay ko’y padaluyin, para magbigay ng init sa akin.” Inulit ko ng tatlong beses ang bulong na iyon, hanggang sa labis akong natuwa nang nakapagpalabas nga ako ng apoy sa aking mga kamay, pero hindi pa ganoong kalakas ang apoy, tama lang para magsindi ng mga sanga na inipon ko.
Nang naihaw ko na ang mga isda, biglang sumagi sa isipan ko ang yelo na lumabas sa aking kamay noong niligtas ko si Aztar, paano kong ganoon din ang gawin ko? Bubulong ako sa hangin, para mailabas ko rin ang yelo sa aking mga palad.
“Wow! Ang galing naman! May paapoy.” Nakita pala ako ng mga kasamahan kong nagpalabas ng apoy, nahiya tuloy ako. Hindi kasi ako confident sa pagpapalabas ko ng abilidad kong iyon dahil hindi perpekto ang apoy, kaunti lang kasi ang lumabas.
“Ang mabuti pa, kayo naman ang mag-ihaw. Tapos na ako.” Pag-iiba ko sa kanilang mga usapan. Pasimple ko namang ibinigay kay Hamina ang inihaw kong isda.
“Sa iyo muna ito, saka iyang huli mo bigay mo na lang sa akin kapag naluto mo na, hindi pa naman ako gutom.” Iniabot ko sa kanya iyon, hindi ko na siya hinintay na makatugon. Umalis na kaagad ako at nagtungo sa gilid ng ilog, baka kasi tanggihan niya ang alok ko.