Kabanata 3
Pangalawang linggo na akong pumapasok sa paaralang ito, nasa panghuling lebel na ako sa pag-aaral bilang isang Senior highschool student. TVL ang kinuha ko dahil nga mas prefer ko ang computers. Saka na ako mag-focus sa kukunin kong kurso sa college, iniisip ko talaga kasi ng mabuti kung ano ang kukunin kong kurso, gayong hinahayaan lang naman ako nila mama at papa na pumili ng gusto ko, alam na alam ko sa sarili ko kung ano ang isinisigaw ng aking puso.
Gusto ko talaga maging isang magaling na manunulat, kaya balak kong pasukan na kurso ay iyong may related sa gusto kong maging. Naghahanap pa nga ako ng mga paaralan na nag-o-offer ng mga kaparehong course na gusto ko, at sana nga mayroon.
Habang papalapit ako nang papalapit sa aming silid-aralan, ganoon naman kalakas ang kalabog ng aking puso, sino ba naman ang hindi kakabahan, maiisip mo na naman ang maaaring gawin na kalokohan ng mga kaklase mo sa iyo. At sa kamalas-malasan pa, ako ang gusto nilang mapagtripan palagi.
Nakayuko lang akong naglalakad sa pasilyo, dahil sa naka-focus lang ako sa aking dinadaanan, may paa pala na nakaharang o sabihin nating pasadyang hinarang sa daraanan ko para mapatid ako.
Umagang-umaga, ganito na ang mangyayari sa akin, mabuti na lang at naagapan ko kaagad ang aking balanse at kaagad rin namang nakapaglakad ng maayos papasok ng aming silid.
Ganito na lang talaga palagi, nakakainis at nakakaumay na rin, paulit-ulit na nilang ginagawa sa akin. Parang pinagkaitan ng pagmamahal sa kanila at gusto palaging may naaagrabyado na kapwa. Bilang isang estudyante na may mas malawak na kaisipan, ayaw kong gumawa ng gulo, saka ayaw ko ring maging isang masamang ihimplo sa iba na kapag may nam-bully, nakikipagsuntukan na agad.
“I’m sorry,” mahinang salita ko nang may bumangga sa likurang bahagi ng aking balikat.
Napuno ng tawanan ang buong silid, wala pa naman ang aming guro sa mga oras na ito.
“Nananadya ka ba, Deeve?” hinarap ako ng bumangga sa balikat ko na kanina ring nagpatid sa akin sa labas ng silid.
“Hindi,” maikling tugon ko naman na hindi nakatingin sa kanya. Nabigla ako nang bigla-bigla niyang hinawakan ang aking magkabilang panga saka marahas na iniharap sa akin. Labis na ang pagkainis ko, kaso wala akong lakas ng loob para lumaban. Pinandilatan ko lang siya dahil iyon lang ang kaya kong gawin.
“Aba! Matapang ka na pala ngayon, Deeve? Guys, mukhang matapang na itong tanga nating kaklase, pinandidilatan na ako ng mata niya.” Malakas na tawa ang pinakawalan nito, at mas lalong hinigpitan ang hawak sa aking baba.
“A-Ang s-sakit.” Utal kong usal, hindi ko magawang makapagsalita ng maayos dahil sa kanyang mahigpit na hawak.
“Masakit? Oh! Alam mo namang masakit, pero bakit ka lumalaban? Saka ka na lumaban kung hindi ka na duwag!” inilapit pa nito ang kanyang mukha saka nanlilisik ang mata na sinusuri ang kabuoan ng aking mata.
“Mikel! Nandiyan na si ma’am.” Tawag sa pansin ng isa sa mga kaklase namin, marahas niyang binitiwan ang aking panga, pinakitaan pa niya ako ng kanyang pangmalakasang gitnang daliri bago tumungo sa kanyang upuan.
Sa iyo pa ang araw na ito, sa susunod, hindi na ako magpapaapi, lalaban na ako.
“Mr. Armania?”
“Hey, Mr. Armania?”
May tumapik sa aking balikat kaya naagaw na nito ang aking pansin, nanlaki ang mata ko nang nakita ko sa harap ko an gaming guro, shocks! Nakakahiya!
Nagyukod ako saka humingi ng tawad at bumati na rin. Dalidali akong bumalik ng aking upuan, kinain na ako ng hiya. Kasalanan talaga ito nang Mikel na iyon na walang ibang nakikita kung ‘di ako.
“Okay ka lang ba, Mr. Armania?” usisa sa akin ni ma’am.
“Y-Yes po,” napuno ulit ng tawanan ang buong klase, pinatahimik naman sila ni ma’am, kaya ngayon ay nagsimula na nga kami sa aming unang lesson.
…
Recess time, hindi ako iyong tipong pumunta ng canteen para mag-snack, mas gusto kong sa library magpapalipas ng oras. Kasi kung ‘dito ako sa silid namin, may mangyayari at mangyayari na naman sa akin dahil sa kagagawan na naman ni Mikel na mukha namang paa.
Gusto ko talaga siyang murajhin, pero tumitiklop ang aking dila at hindi makapagsalita. Duwag ba talaga ako? O ayaw ko lang talaga sa mga ganitong klase ng gulo.
“Peace offering ko nga pala,” inilapag nito ang isang plastic ng cookies at isang mineral water. Napataas ako ng aking ulo at mataman lang silang tinitignan, kasama niya kasi ngayon ang dalawa niyang alalay.
Kukunin ko na sana ang bottled water nang sinadya na naman nitong sagihin, kaya basang-basa ang polo ko ngayon, mabuti na nga lang at hindu gaanong basa ang aking polo at sa laylayan lang nabasa, pero hindi pa rin nakaligtas sa akin ang pantalon ko, basang-basa kasi ang ibabang parte ko, kaya mukha na akong naihi sa pantalon.
Sakto naman na nag-ring ang bell, kaya unti-unti na ring nagsibalikan ang iba naming kaklase.
“Tignan niyong lahat si Deeve, naabutan naming naihi sa kanyang pantalon.” Tawanan na naman nilang lahat ang sumakop sa aking tainga.
Sobra-sobra na ang pamamahiya nitong Mikel sa akin, pero kinalma ko pa rin ang aking sarili, ibinalik ang sarili ko sa pag-upo. Sa ngayon, ang isang panlaban ko lang sa kanya ay ang umaktong balewala lang sa akin ang kanilang pangungutya at pang-aapi.
Mas lalo ko pang patatatagin ang aking loob. Kakayanin ko ito, iisipin ko na lang na ilang buwan na lang namana ng gugugulin ko at makakalayas na ako sa paaralang ito, actually…para sa akin, wala namang problema sa paaralan, sadyang nadamay lang dahil sa sobrang toxic ng mga tao rito.
Kalahating araw pa lang, pero ito na ang mga natamo ko, paano pa kaya kung whole day? Naiiyak na nga lang ako habang naglalaba ng aking mantsadong uniporme, minsan natutulala na lang dahil sa lala ng aking mga natatamong pang-aapi. Ano ba ang naging kasalanan ko sa kanila at ganito sila sa akin?
Kada uwi ko ng bahay, idinadaan ko na lang sa pagsusulat ang lahat ng aking hinanakit sa buong araw ko, kaya ang aking kwento ay replika ng isang Deeve Armania. Humugot ako ng napakalalim na hininga saka marahas naman itong ibinuga.
“Someday, matututunan ko ring patatagin ang aking loob.” Usal ko sa sarili, sabay idlip saglit.