KABANATA 4

1039 Words
Kabanata 4 Simple lang naman ang pamumuhay namin sa probinsiya, may sariling lupain kasi ang ama ko na bigay sa kanya ni lolo noong buhay pa ito. Hindi naman kami naghihirap dahil ang lupa namin ay ginawang sakahan. Hanggang sa nakapundar sila papa at mama ng isang malawak na farm. Kung saan ang mga alagang hayop namin ay mga baka, baboy, kalabaw at kung ano-ano pa. May mga niyogan din sa pinakadulong parte ng aming lupain. Kaya nga kahit na anong hingin ko sa kanila ni mama at papa ay naibibigay nila, lalo na at dalawa lang kaming magkakapatid. Pero hindi ko naman ugaling hingi nang hingi, humihingi lang ako kapag importanteng bagay lang ang paggagastosan. Kagaya ng mga bayarin sa eskwelahan. Mga gamit sa paaralan. Average lang ang lebel ng kakayahan ko sa klase, hindi naman ako iyong sobrang talino, pero siyempre kahit papaano ay naiintindihan ko rin naman ang mga leksiyon namin. Kaya nga ang ipinagtataka ko, kung bakit sila sa akin nangongopya, kung may mas pinakamatalino naman sa buong klase namin. Baka sadyang sa akin lang sila nangongopya dahil nga sa duwag ako. "Tulala ka na naman, Deeve! Ano? Tapos na ba iyang mga pinapaggawa ko sa iyong essay namin? Ayos-ayosin mo ang ginagawa mo, baka bumagsak ako ng dahil sa iyo." binatokan pa niya ako at iniwan. Nasa library ako ngayon, wala naman akong mga kaibigan na laging nakakasama, ako lang talaga palagi ang nag-iisa sa kung saan ako pupunta. Wala rin namang naglalakas-loob na lapitan ako para makipagkaibigan, ano ba ang ayaw nila sa akin? Mabait naman ako, hindi mahilig sa away, pero bakit ganoon? Binilisan ko na ang paggawa ng limang essay para sa mga kaklaseng palagi akong binubully. Kailan kaya nila ako titigilan? Darating pa kaya ang panahong iyon? Paano kung hindi? 'Di ko namalayang bahagya ko na palang nilulukot ang papel, mabuti na lang talaga at naagapan ko kaagad at baka kung ano pa ang gawin na naman nila sa akin. ... "Mikel, tapos na itong essay niyo," inabot ko sa kanya ang limang papel. "Very good! Pero next time naman, ayusin mo ang sulat-kamay mo, hindi ko kasi gaanong maintindihan ang mga salitang mga naisusulat mo." napapaisip ako, maayos naman ang sulat-kamay ko ah. Nang dumating ang guro namin sa Filipino at ipinasa na namin ang activity nito na gumawa ng essay patungkol sa Edukasyon. Nang inisa-isang tignan ni ma'am ang mga papel. Kita ko ang gumuhit na kunot sa kanyang noo. "Mikel, Ramon, Pepito, Manuel at saka Brandon. Bakit magkakapareho ang mga sulat-kamay ninyo?" kinabahan naman ako sa maaari nilang isagot. Sigurado akong ako na naman ang madidiin nito. "Ma'am, opo, nagpasulat lang kasi kami ng essay namin sa kaklase naming si Deeve, dahil maganda ang sulat-kamay niya, pero, ma'am, sa amin naman po ang laman ng essay, pinalipat lang talaga namin ng sulat. Baka kasi mahirapan kayong basahin ang sulat kamay namin. 'Di ba, Deeve?" naitaas ko kaagad ang aking ulo. At walang pagdadalawang-isip na tumango. "A-Ah...o-opo, ma'am," sabay baba ulit ng ulo. Lahat ng mga mata nila ay nasa akin na ngayon. "Sa susunod, kahit na mahirap basahin ang sulat-kamay ninyo, kayo mismo ang dapat na magsulat, dahil may sarili kayong kamay. Maliwanag ba?" bahagyang sermon ni ma'am sa kanila. "Yes po, ma'am. Saka, ma'am, 'wag ka na pong ma-stress, nakakabilis ng pagtanda iyan." pambobola pa ni Mikel sa guro naming matanda na naman talaga. "Okay, class---." wala na sa guro namin ang atensiyon ko, dahil sa matalim na tingin ang pinupukol ni Mikel sa akin, pati ang mga kaibigan nito. ... "Hoy, Deeve! Anong akala mo? Palalagpasin namin iyong ginawa mong pamamahiya sa amin?" "Ha? Wala naman akong ginawang masama sa inyo, ah." hindi ko na maitago pa ang bigat ng bawat pagbigkas ko ng aking mga salita. "Anong wala? Alam na alam namin iyang ganyang teknik! Sinadya mong ipareho ang sulat-kamay namin 'di ba? Para pag-initan kami ni ma'am? Ulol! Kahit anong gawin mo, hindi ka mananalo sa amin." "Hindi ko alam ang pinagsasabi niyo, saka natural lang naman na magkakapareho ang sulat-kamay ng mga essay ninyo, kasi ako lang naman talaga ang nagsulat ng mga iyon." nilakasan ko talaga ang loob ko para makasagot sa kanila, alangan namang hayaan ko silang ipagtulakan na sinadya ko iyon, gayong hindi ko naman talaga iyon ginawa. "Aba't sumasagot ka na ngayon? Mga, pre! Mukhang nagkakalakas na ng loob itong tuta natin." nagtawanan naman sila, pinagtitinginan lang naman kami ng mga dumadaang estudyante, walang niisang nagtangkang awatin ang pam-bu-bully. Sa puntong ito, gusto kong manapak, pero mas matapang pa ang isipan ko kaysa sa mismong katawan ko. Ano ba ang nangyayari sa akin at sobrang duwag ko! Yuko lang ang tanging nagawa ko, ayaw kong makagawa ng eskandalo. "Huwag kang bastos! Kinakausap ka pa namin!" marahas na iniangat ang aking ulo sa pamamagitan ng paghila ng aking buhok. Nalukot ang mukha ko sa kirot ng pagsabunot ni Mikel sa aking bunbunan. Nakakainis! "Anong nangyayari rito?" baritonong boses ang umawat sa ginagawang karahasan nila Mikel sa akin. "Sir, ikaw po pala, wala po. Kinakausap lang po namin itong si Deeve," "May kinakausap bang hinihila ang buhok." "Ha? Hindi ko po hinila, sir. Sadyang ang ganda lang ng buhok ni Deeve, nagtatanong lang naman ako kung ano ang gamit niyang shampoo." Binaling sa akin ni sir ang kanyang atensiyon. "Totoo ba iyon, Deeve?" matagal bago ako nakasagot, naramdaman ko namang may kumurot sa tagiliran ko, si Mikel siguro. "Ahh---o-opo, opo." binitiwan nito ang aking tagiliran. Ramdam na ramdam ko ang kirot sa banda roon. "Okay, kung ganoon, maiiwan ko na muna kayo, kung may problema man, Deeve. Nasa office lang ako, you can approach me any free time." tango lang ako nang tango. Nakaalis na nga si sir, napuno na naman ako ng kutos at pitik sa aking tainga at ulo. "Sa susunod! Kapag tinatanong ka, sumagot ka kaagad! Napapahamak kami ng dahil sa iyo! Tara na, guys," iniwan na nila akong nakatayo sa gilid ng pader. Naiiyak at nagsisimula na ngang manubig ang aking mga mata. Hanggang kailan ko ba kakayanin ang kanilang mga pam-bu-bully sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD