CHAPTER NINE

1159 Words

HINDI MAPIGILANG hindi mainis ni Jace sa kanyang sarili. Tama nga siya, hindi naman makipag-usap sa kanya ng maayos ang lalaki. Kaaway na ang turing nila sa isat-isa pero ganun pa naman ay umasa siya na baka sakali na pag-isipan nito ang kanyang proposal. Ang totoo ay wala naman siyang pera para bumili ng shares. Sa bisyo pa lang ng ama ay ubos na ang kanyang pera. Ang gusto niya lang naman sabihin kay Cameron ay baka gusto nitong kunin ang serbisyo niya bilang abogado ng kumpanya nito kapalit ng shares na kanyang mababawi. Hindi niya na iyon dahil sa naging takbo ng kanilang pag-uusap. Baka pagtawanan lamang siya nito kapag nagkataon. Sumasakit na ang kanyang ulo. Hindi niya alam kung bakit pilit na ipinipilit ng kanyang ama na bumalik sa C&B Corporation samantalang wala na silang shares

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD