CHAPTER ONE
Cameron Collins, widow at age of thirty-three. A goal oriented man and a professional lawyer. He owned the Collins Law Firm. He came from a family of businessmen. They owned the Rice Cultivation and Farming in Zambales and Sugarcane Farming Production. They are looked up in the field of business. But his world is not in business. He took a different path because since childhood he wanted to be a lawyer. A protector.
Cameron has been a widower for two years. His wife died of a brain tumor. His childhood friend. Pinakasalan niya lang si Iya dahil ito lang ang makakatulong sa kanya upang mapabagsak ang mga Benicio.
Naging paraan niya rin iyon upang takasan ang sakit na binigay sa kanya ng dating kasintahan. His ex-girlfriend cheated on him.
Now that he is single he wants to get back to the woman who betrayed his heart.
Gusto niyang makaganti. Isa lang ang naisip niyang paraan. Ang magkaroon nang anak sa kanyang ex- girlfriend. Kay Jace Benicio.
Nakangiti si Cameron habang nakatingin sa larawan nila ni Jace seven years ago. Isang buwan bago nakipaghiwalay sa kanya si Jace.
He forced a smile while staring their picture. Ang lambing nito sa litrato. Nakayakap pa sa kanya si Jace.
Hindi lubos akalain ni Cameron na basta na lang siya hihiwalayan ni Jace. Until now the pain caused by Jace is still in his heart. Hindi niya kayang tanggapin. Hindi niya matanggap na basta nalang siya nito ipagpapalit.
Binaba ni Cameron ang larawang hawak. Muli niyang itinago ang larawan nila sa kanyang drawer. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hanggang ngayon ay tinatago niya pa rin ang mga alaala ni Jace. Its been seven years pero sa tuwing na sasaktan siya, Jace is the only reason. Because of Jace he lost his self confidence.
Binasa niya ang proposal na kanyang ginawa dalawang araw ang nakakalipas. Pinaghandaan niya ang araw na muling maghaharap sila ni Jace.
He is no longer the former Cameron who loved Jace so much. He wanted to make her look like he could not be defeated. This time he will play and spin it with his owns palms. He could hurt it too.
Seven years ago
Tumigil ang oras ni Cameron nang marinig niya ang sinabi ni Jace. Pinaulit niya pa ang sinabi ng kasintahan para lang makasiguro kung tama baa ng narining niya.
“Nakikipaghiwalay ka?” nagtatakang tanong ni Cameron kay Jace. Nakatitig lang siya kay Jace. Walang emosyon ang mukha nito. Tatlong taon silang mag-nobya. Abogado rin ang kanyang nobya. Maganda si Jace. Kaakit-akit ang mga mata nito. Natural ang pula ng mga labi na tila kay sarap hagkan palagi. Matangkad din ito. Sa tantiya ay 5’8 ang height ng nobya samantalang 6’2 naman siya. W ala ring tutol ang mga magulong nila sa kanilang relasyon dahil kasosyo nila sa negosyo ang pamilya ni Jace.
“Nasasakal na ako Cameron. Hindi ko kayang magpatali sayo. Hindi pa ako handa sa kasal na gusto mo,” sagot na kanya ni Jace. Nakayuko si Jace. Hindi ito makatingin ng deretso sa kanya.
Naalala niya pa nang magpropose siya kay Jace ng kasal. Tuwang-tuwa ito. Tulad niya ay napakasaya din ni Jace. Bakit ngayon ay tila nagbago ang lahat?
“Hindi naman kita pinilit Jace na pakasalan ako,” sagot ni Cameron sa babae. Nakikiusap ang kanyang tinig. Mahal na mahal niya si Jace. Sa babae lang umiikot ang kanyang buhay. Paano na siya kapag nawala si Jace? Paano na ang mga pangarap nila na binuo?
“Ayoko lang siraan ang araw na i’yon Cameron. Ayaw kitang saktan,” sagot pa ni Jace. Umiling siya sa sinabi ng babae.
“Ayaw mo akong saktan? Ngayon ba hindi ako nasasaktan?” hindi mapigilang sumbat ni Cameron kay Jace. Nilapitan ni Cameron si Jace. Hinawakan niya ito sa kamay. “Mahal na mahal kita Jace. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag nawala ka sa akin,” pagmamakaawa niya pa.
“I’m sorry Cameron pero buo na ang pasya ko. Kalimutan na natin ang isat-isa,” sagot pa sa kanya ni Jace. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib ng mga oras na iyon. Iniisip niya na sana ay panaginip lang ang lahat.
Binawi ni Jace ang kamay nito. Hindi niya mapigilang hindi maiyak. Tanging si Jace lang ang babaing iniyakan niya sa buong buhay niya. Kilala siyang matapang at walang inuurangan pero iba kay Jace. Mahal niya ito.
“Hindi ko maintindihan Jace. Ano ang dahilan at nakikipaghiwalay ka sa akin?” tanong niya.
“Ayoko na Cameron. Hindi na kita mahal,” sagot ni Jace. Pakiramdam niya ay parang sinaksak ang kanyang puso dahil sa sinabi ng babae.
Ganun na lang ba kadali ang sabihin na hindi na siya nito mahal? Tatlong taon ang kanilang pinagsamahan. Nagtayo pa sila ng Law Firm para sa mga pangarap nila. Paano na ang mga yun?
Nataranta si Cameron nang tumayo si Jace upang iwan siya.
“Wag mo akong iwan Jace, mahal na mahal kita,” pagmamakaawa niya. Lumuhod na siya sa harapan nito pero tila buo na ang pasya ni Jace. Ayaw na nito sa kanya.
Wala siyang nagawa nang tumayo si Jace at lumabas ng kanyang bahay.
Simula nang maging nobya niya si Jace ay dito na umiikot ang buhay niya. May mga pagkakataon na sa bahay niya natutulog ang nobya kapag hiniling niya. Masaya silang dalawa, kaya nagtataka siya kung bakit bigla nalang ito nakikipaghiwalay. Hindi niya ito maintindihan. Sa labis na galit niya ay sinipa niya ang babasaging center table niya. Nagkalat ang basag na bubog sa sala niya.
“Mahal kita Jace! Mahal kita!” paulit-ulit na sigaw niya. Hindi niya rin mapigilang hindi suntukin ang pader sa labis na galit.
Tumakbo siya upang habulin si Jace pero nakasakay na ito sa sarili nitong sasakyan. Agad siyang sumakay sa sariling sasakyan at hinabol ang nobya. Wala na siyang pakialam kung mabilis ang kanyang pagmamaneho. Ang nasa isip niya lang ngayon ay kailangan niya mahabol ang nobya. Galit na galit na nagmamaneho si Cameron. Hindi niya kayang tanggapin na mawala si Jace sa buhay niya.
Mabuti nalang at nakapreno si Jace dahil kung hindi ay nasagasaan siya nito nang salubungin niya ang sasakyan ng babae.
Bumaba si Jace nang sasakyan at nilapitan ang sasakyan niya. “What the hell you’re doing?” bulyaw ni Jace sa kanya.
Pagkababa niya ng sasakyan ay niyakap niya si Jace. Niyakap niya ito nang mahigpit.
“Please don’t do this. I need you, baby,” pagmamakaawa niya. Nagpumiglas si Jace pero hindi niya ito pinakawalan. “Mag-usap tayo,” wika niya. Hinaplos niya ang mukha ni Jace. “Wag naman ganito Jace,” dagdag pa na wika ni Cameron sa nobya.
“Wag mo nang ipilit ang gusto mo Cameron. Masasaktan ka lang,” sagot ni Jace sa kanya. Tiningnan niya ang babae. Napansin niyang umiiyak din ito.
“Is this really what you want? Ang saktan ako?” he asked.
“Masasaktan lang tayo kung hindi tayo maghihiwalay,” sagot ni Jace sa kanya.
“May iba ba?” tanong niya. Hindi niya alam kung bakit naisip niyang itanong iyon sa nobyo pero iyon lang ang naisip niyang dahilan.
Hindi magawang sumagot ni Jace sa tanong niya.
“May iba ba?” sigaw niya. Pinakawalan niya si Jace sa pagkakahawak. “Answer me!” sigaw niya.
“Y-es,” she answered.
Tila bomba iyon sa pandinig ni Cameron. Hindi niya inaasahan ang sasabihin nitong sagot.
“Niloko mo ako?” hindi makapaniwalang tanong ni Cameron. “Niloko mo ako?” tanong niya. Naningkit ang kanyang mga mata. Wala na siyang pakialam kung huminto ang mga sasakyan dahil nakaharang ang kanyang kotse sa kalsada. Narinig niya pang sumisigaw ang mga tao sa paligid dahil sa ginawa niya.
“Hindi ko sinasadya. Hindi na kita mahal Cameron,” sagot ni Jace. Tinulak siya ng Jace.
Napasabunot si Cameron sa mahaba niyang buhok.
“Tatanggapin ko kung nagkamali ka Jace, wag mo lang akong hiwalayan” wika niya nang mahimasmasan. Alam niyang ang tanga niya pero handa siyang magpaka-martir para kay Jace. Maging kanyang lamang ito ulit.
“Nababaliw ka na ba?” natatawang tanong ni Jace. Umiling si Jace.
“Yes,” he answered. “Mababaliw ako kung hindi ka babalik sa akin. Mahal na mahal kita Jace,” pagmamakaawa niya.
“Crazy,” sagot ni Jace. Napapailing ito sa sinabi niya.
“Baliw na kung baliw, iyon ay dahil mahal kita,” he answered.
“Look Cameron, I can’t imagine myself without him. Mahal na mahal ko na siya,” sagot pa ni Jace. Natigilan siya sa sinabi ni Jace. Tila sampal sa kanya ang sinabi nito. “Sana maintindihan mo na hanggang dito nalang tayo. Ayokong lokohin ang sarili ko at paniwalain na ikaw pa rin ang mahal. The truth is, naaawa nalang ako sayo,” mahabang wika ni Jace sa kanya bago siya tinalikuran.
Hanggang sa nakabalik sa sariling sasakyan si Jace ay hindi pa rin siya makakibo. Mabigat ang mga paa na bumalik siya sa sariling sasakyan. Pakiramdam niya ay sinaktan siya ng buong mundo.
Tumuloy si Cameron sa bahay ng mga magulang. Ayaw niyang mag-isa sa bahay niya kaya minabuti niyang sa bahay nalang ng mga magulang tumuloy. Sinalubong siya ng ina. Napansin nito ang bigat na kanyang dala-dala. Bagsak ang mga balikat na tinalikuran niya ang ina. Alam niyang gusto nitong magtanong pero umiwas siya. Gusto niyang mag-isa. Tumuloy siya sa sarili niyang silid. Pagbukas niya ng kanyang silid ay agad niyang hinagis ang lahat na mahawakan niya.
“Sino ka?” sigaw ni Cameron. “Sino ka para saktan ako ng ganito!” sigaw niya pa. “Babae ka lang!” parang baliw na sigaw niya. Nang mapagod ay humiga siya ng pabagsak sa kama niya.
Pakiramdam ni Cameron ay sasabog ang dibdib niya sa galit. Hindi niya lubos maisip na magagawa siyang lokohin ni Jace. Akala niya ay sapat na ang tatlong taon upang makilala niya ng lubos ang kasintahan. Akala niya ay pareho sila ng nararamdaman. Ang hindi kayang mabuhay na wala ang isat-isa.
“Pinaniwala mo akong ako lang Jace. Naniwala ako sayo, dahil mahal kita,” wika pa ni Cameron habang patuloy sa pagdaloy ang mga luha niya. Nang mapagod ay tumayo siya at kumuha ng alak. Binuhos niya ang lahat ng sakit sa pag-inom. Nang makaramdam ng pagkahilo ay pabuwal siyang humiga sa sahig ng kanyang silid.
“Jace!” tawag ni Cameron. Nararamdaman niyang may pumupunas sa kanyang katawan. Idinilat niya ang mga mata pero dahil sa sobrang kalasingan ay hindi niya magawa. “Diba hindi mo na ako mahal? Bakit nandito ka? Dun ka’na sa lalaki mo!” sabay tulak niya sa babaing pumupunas sa kanya.
“Stop it,” saway sa kanya ng babae. “Nandito lang ako palagi para sayo,” sagot sa kanya. Idinilat niya ulit ang mga mata. Si Iya ang kanyang nakita. Kaibigan niya ito mula pagkabata.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong niya. Tinabig niya ang kamay ng kaibigan pero mapilit ito at pinupunasan ang kanyang mukha.
“Tinawagan ako ng mama mo,” sagot ni Iya. Kung hindi siya nagkakamali ay dalawang taon lang ang agwat ng kanilang edad. Malapit na kaibigan niya si Iya. Hindi lang ito basta kaibigan niya dahil kahit alam ni Iya na may nobya na siya ay hindi pa rin ito nagsasawang ipakita ang tunay na nararamdaman para sa kanya. Mahal siya ni Iya, hindi bilang kaibigan kundi bilang isang lalaki. Hindi naman mahirap mahalin si Iya, nagkataon lang siguro na nakilala niya si Jace. Kay Jace umikot ang kanyang buhay.
“Niloko niya ako Iya,” sumbong niya sa babae.
“It’s okay, hindi pa ito ang katapusan ng mundo,” sagot ni Iya sa kanya.
Inalalayan siya nito para tumayo kaya kahit nahihilo siya ay pinilit niyang tumayo. Dinala siya ni Iya sa banyo at pinahiga sa bath tub. Hindi niya namalayan na naliligo na pala siya sa sarili niyang suka. Ipinikit niya ang mga mata nang maramdaman ang tubig sa kanyang buong katawan. Hindi na siya nagulat nang hubaran siya ni Iya. Tulad nga ng sinabi niya kanina, hindi lang sila basta magkaibigan. Lahat-lahat ay kayang ibigay ni Iya sa kanya. Pati na ang sarili nito. Napansin niyang minamasahe ni Iya ang kanyang ulo. Nakatulong iyon upang mawala ang sakit ng ulo niya.
“Paano na ako,” tanong niya kay Iya. Namalayan niyang bumagsak na naman ang mga luha niya.
“Bakit siya lang ba ang babae?” tanong sa kanya ng kaibigan.
“Pero mahal ko siya,” giit niya pa.
“Pero nagawa ka niyang ipagpalit,” sagot ni Iya kaya natigilan siya. Gumuhit ang kirot sa kanyang puso dahil sa sinabi ni Iya. “Ipakita mo sa kanya na hindi sya kawalan sayo. Lalaki ka Cameron. Wag mong ipakita ang kahinaan mo sa kanya. Sigurado akong pinagtatawanan ka niya ngayon,” dagdag pa ni Iya.
Inabot ni Cameron ang kamay ni Iya at hinawakan iyon ng mahigpit.
“Wag mo akong iwan, please,” pakiusap ni Cameron.
“Hindi mo kailangang sabihin yan,” sagot ni Iya kaya napangiti siya.
Masakit ang ulo ni Cameron nang magising kinaumagahan. Hindi niya na maalala ang nangyari kagabi. Ang alam niya lang ay pinaliguan siya ni Iya. Napansin niyang katabi niya sa kama si Iya. Tulog na tulog ito. Mukhang kagabi pa ito nagbabantay sa kanya. Nakadama siya ng tuwa sa ginawa ng kaibigan. Kung matuturuan niya lang talaga ang sarili ay mamahalin niya si Iya. Dahan-dahan siyang tumayo ng kama upang hindi magising si Iya. Nagulat pa siya nang mapansin na wala pala siyang suot na pang-ibaba. Agad siyang kumuha ng boxer sa drawer niya at bumalik ng kama. Inangat niya ang kulay asul na kumot at tiningnan si Iya. Tama ang hinala niya, may nangyari sa kanila kagabi. Walang suot na damit si Iya.
Napahilamos si Cameron sa mukha. Naalala niya nang may nangyari sa kanila ni Iya hindi pa sila magkasintahan ni Jace noon. Natukso lamang siya dahil lasing sila pareho kaya may nangyari sa kanila. Hanggat maari ay ayaw niyang paasahin ang kaibigan. Ayaw niya itong saktan pero ito na naman ang iniiwasan niya. Naulit na naman ang hindi dapat mangyari.
Lumabas siya ng silid upang magpagawa sana ng kape nang makita niya ang ina.
“Good morning,” bati niya sa ina.
“Good morning. Si Iya?” tanong ng ina pagkatapos siya nitong pasadahan ng tingin.
“Tulog pa,” maikli niyang sagot. Alam niyang boto rin ang mama niya kay Iya. Palibhasa kasi ay higit na mas mayaman ang pamilya ni Iya kaysa sa pamilya ni Jace na halos palubog na ang negosyo.
“Nag-away na naman kayo ni Jace ano?” tanong ng ina. Nakaupo ito sa sofa habang may binabasa sa ipad nito.
“Wag na natin siyang pag-usapan,” pag-iwas niya at lumapit sa maid upang magpagawa ng kape.
“So hiwalay na kayo?” pangungulit pa ng ina.
“Ma, please stop it. Masakit ang ulo ko,” sagot niya sabay kumpas ng kamay sa ina.
“You look miserable,” wika pa ng ina. Ayaw niyang malaman ng ina kung ano talaga ang totoong nangyari sa kanila ni Jace. Hindi niya alam kung bakit pinagtatakpan niya pa ang babae samantalang ito naman talaga ang may kasalanan.
Umupo siya bakanteng sofa at hinintay ang kape.
“Nasaan si Papa?” tanong niya.
“Ayon sinusumpong na naman ng kalandian niya, I mean rayuma niya,” sagot ng ina niya.
Napailing siya sa unang sinabi ng ina. “Bakit ba kasi hindi na siya magpatingin sa doctor?” tanong ni Cameron sa ina.
Tumaas ang kilay ng mama niya dahil sa sinabi niya. “Ayokong tumaas ang presyon ko sa inyong mag-ama. Pareho kayo matigas ang ulo,” sagot pa ng ina.
Mabuti nalang at dumating na ang kape niya at iniwan niya na ang ina. Paano ba naman kasi na hindi susundin ng Papa niya ang ina ay dahil palagi nalang nag-aaway ang dalawa. Mas gusto pa ng mga ito na hindi nakikita ang isat-isa para walang away. Ang totoo nga niyan ay hindi na magkasama sa iisang silid ang mga ito. Hindi rin lihim sa kanya na may ibang babae ang kanyang ama. Wala naman ibang pinag-aawayan ang mga ito kundi ang babae na papa niya.