CHAPTER SEVEN

1096 Words

HANGGANG sa maihatid ni Cameron si Claudia ay wala pa rin siyang kibo. Nasa isip niya pa rin ang muli nilang pagkikita. Hindi niya lubos akalain na ganito pa rin siya kaapektado sa babae. Ang sakit ay parang kahapon lang. "Cameron," untag sa kanya ng ina. Hindi niya man lang napansin na nasa sala na ito. "Yes Ma?" "Kanina pa kita tinatanong pero hindi ka sumasagot," kunot ang noo na tanong nito sa kanya. "Ano po ba ang sinasabi ninyo?" "May problema ka ba? Simula ng umuwi ka ng Pilipinas ay hindi kita makausap ng maayos. Iniisip mo pa rin ba si Iya?" tanong pa nito. Umupo siya sa sofa na nakatapat sa ina. "Hindi naman madaling kalimutan ang asawa ko. Bago ko siya naging asawa ay naging magkaibigan di naman kami at mahabang panahon ng pinagsamahan namin ni Iya. Hindi maalis sa akin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD