CHAPTER 2

1748 Words
Chapter 2: Swear SERENITY VALENTINE'S P.O.V Magdamag akong hindi nakatulog matapos ang pagtatalo namin ng asawa ko kagabi. Ilang ulit kong sinampal ang sarili ko para magising sa katotohanang panaginip lang ang lahat ng nangyari kagabi. Ngunit namanhid na lang ang pisngi ko kakasampal ko sa sarili ko pero hindi pa rin ako nagigising. Ayoko maniwalang nangyayari sa realidad ang lahat dahil hindi ako makahinga nang maluwag. Parang may nakabara sa lalamunan ko buong magdamag na hindi ako nakatulog. Nasilaw na lang ako sa sinag nang araw na tumama sa pagmumukha ko nang humarap ako sa bintana ng kwartong tinuluyan ko. Kaya mabigat ang katawan na tumayo ako sa kama ko saka pilit na huminga nang malalim para maikalma ko ang sarili ko. Pakiramdam ko kasi ay may imumugto pa ang mata ko sa magdamag kong kakaiyak. Mabuti na lang at natapos ko na ang wedding dress na pinagawa sa amin na naka-schedule ngayong linggo. Naisip ko kasi na lalabas na lang siguro muna ako dahil hindi naman ako makatulog at hindi rin ako makahinga sa pamamahay na 'to. Kinuha ko ang phone ko saka ako nag-send ng message kay Ivy na pupuntahan ko siya sa cafe niya. Siguro ay kailangan ko lang ng mapaglalabasan nang sama ng loob. Mabilis lang akong nagpalit ng damit pang-alis at pagkatapos nun ay nag-apply lang ako ng light make up para hindi mahalata ang mugto kong mga mata. Kaya nang matapos kong magbihis at makalabas ako nang tuluyan sa guess room ay agad akong bumaba sa sala ng bahay namin. Ngunit imbis na gumaan ang pakiramdam ko ay lalo lang sumama ang pakiramdam ko nang madatnan ko si Axl at ang kapatid ko na masayang nag-uusap sa sala. Agad naman silang natigil nang maramdaman nila ang presensya ko kaya naikuyom ko nang mariin ang mga kamao ko. Tila sandali akong nablangko dahil hindi ko alam kung ano bang dapat na reaksyon ko. "Good morning, Axl." sinubukan kong batiin ang asawa ko na hindi nanginginig at pumipiyok ang boses. Kahit alam ko rin na wala namang maganda sa umaga ko. Imbis na sumagot ay tinanguan niya lang ako kaya naramdaman ko ang paninikip nang dibdib ko. Lumunok ako nang mariin saka inilabas ang pilit ko na ngiti saka nagsimulang maglakad palapit sa kanilang dalawa. At dahil mas matangkad si Axl sa akin ay sinubukan kong tumingkayad para subukang bigyan siya ng halik sa pisngi ngunit agad niyang iniiwas ang kanyang pisngi. Kaya mas lalong natapakan ang kahihiyan ko dahil nakita ko rin ang mga mata ng kapatid kong nakatingin sa akin mula sa gilid ko. "Please don't do that," Axl told me with a cold voice coming out of his mouth. Naramdaman ko kaagad ang pagbabadya nang pagbuhos ng luha ko kaya agad akong napatingala sa ceiling ng bahay. Pagkatapos ay huminga ako nang malalim bago sila muling binalingan. "Ikaw naman, Axl. M-masyado ka namang nahihiya kay Terine. Ano naman kung halikan kita? Mag-asawa naman tayo 'di ba? At alam mo naman na alam ni Terine 'yun!" hindi ko napigilan ang sarili kong masabi ang mga salitang iyon. "Serine, stop! What the hell do you want? Kung nandito ka lang para awayin ang kapatid mo pwede bang umalis ka na lang? Can't you see na bawal mai-stress ang mga buntis!" hindi naiwasan ni Axl na magtaas ng boses. At dahil sa sinabi niya kaya mas naikuyom ko ang kamao ko. Once again! Pinagtanggol na naman niya ang kabit niya kaysa sa akin na mismong asawa niya. Napakagat na lamang ako sa ibabang labi ko para pigilan ang sarili kong mapaiyak muli. "I'm sorry... Nakalimutan kong ako nga pala ang nagmakaawa sa'yo kagabi na manatili kayo rito ni Terine. Don't worry, hindi ko naman plano na tumambay dito sa bahay kasama n'yo. Balak ko naman talagang lumabas kasi makikipagkita ako kay Ivy. Kaya kung balak n'yo mang gumawa ng kababuyan, siguraduhin n'yo lang na pag-uwi ko ay hindi ko kayo madadatnan," sabi ko na walang ka-emo-emosyon. Pagkatapos nun ay mabilis ko silang tinalikuran para maglakad palabas nang pinto ng bahay. Agad akong pumunta sa garahe para sumakay at imaneho palabas ang sasakyan ko. Buong byahe ay tahimik lang ako dahil paulit-ulit kong naririnig sa isip ko ang sinabi sa akin ni Axl kanina kaya hindi ko na napigilan ang sarili. Sandali akong pumarada sa isang tabi saka marahang napahagulgol. Hindi ko pa rin talaga kayang magpigil ng hinanakit. Kahit anong pigil ko kasi ay sobrang bigat dalhin. Kaya alam kong anumang oras ay sasabog at sasabog ako sa sakit at hinanakit. Hindi ko alam kung bakit may mga lalaking kayang tiisin na masaktan ang mga asawa nila. Kung tutuusin may karapatan naman akong magalit dahil ako ang legal na asawa at ako ang pinakasalan. Sana naman bigyan niya ako nang karapatan na magsisigaw at magwawala kanina dahil iyon lang ang paraan para mailabas ko ang lahat ng sama nang loob ko sa kanila pero 'di ko magawa. Kahit ang magalit sa kanilang dalawa ay limitado dahil pinapamukha talaga sa akin ni Axl kung gaano siya walang pakialam sa akin na asawa niya. Kaya naman marahas kong pinunasan ang luha ko gamit ang tissue na nasa tabing upuan ko. Sinubukan ko ring tingnan ang sarili ko sa salamin ng sasakyan ko at nakita kong sobrang mugto na lalo ang mga mata ko. At nagpasiya na lang akong huminga nang malalim at saka pumikit para pakalmahin ang sarili ko. Tutal ay wala namang mangyayari kung iiiyak ko lang ang lahat nang 'to. Kailangan ko pa rin na maging matatag dahil kapag naging mahina ako ay makakahanap sila ng butas para sumaya silang pareho na wala ako sa landas nila. Kaya nang pakiramdam ko ay maayos na ulit ang pakiramdam ko ay pinagpatuloy ko na ulit ang pagmamaneho papunta sa cafe ni Ivy. Alam kong pagpunta ko dun ay sesermonan na naman ako ni Ivy pero mas maigi na iyon para naman kahit papaano ay magising ako sa kat*ngahan ko. At nang makarating ako sa tapat ng cafe ni Ivy ay agad akong naglakad papasok sa cafe niya ng mai-park ko ang kotse ko. Nang tuluyan na akong nakapasok sa cafe ni Ivy ay napansin ko namang agad niyang binilinan ang isa sa mga staff niya saka naglakad papunta sa akin. "Oh, friend? Anong ginagawa mo rito?" nag-aalalang tanong ni Ivy kaya naman pilit ko siyang nginitian bago ko naramdaman ang paghawak niya sa kamay ko para hilahin ako patungo sa isang table. "Marie, pwede bang hatiran mo kami ng drinks at dessert? Ilagay mo na lang sa pangalan ko para hindi ko makalimutan," seryosong sabi naman ni Ivy sa isa sa mga tauhan niya. Tumango lang sa amin ang staff ni Ivy bago niya ako hinarap. Napahawak naman ako sa laylayan ng damit ko ng muli kong maalala ang lahat ng nangyari kahapon. "Hulaan ko, problema na naman iyan tungkol sa asawa mo noh?" bakas ang pagkadismaya sa boses ni Ivy nang sabihin niya sa akin iyon. Marahan naman akong tumango bilang tugon. Narinig ko namang napabuntong-hininga hininga siya saka marahan pang napahilot sa kanyang sintido. "Hay naku! Ewan ko ba diyan kay Zach! Kailan ba siya magbabago? Hindi ba siya nagsasawa na palagi na lang kayong hindi magkaayos na dalawa?" naiinis na turan ni Ivy kaya naman napalunok ako nang mariin. "He's cheating on me..." I muttered. Nakita ko naman kung paanong nalaglag ang panga ni Ivy at ang panlalaki ng kanyang mga mata dahil sa gulat ng marinig niya ang sinabi ko. "W-what? Did I hear it right?" she asked me in confusion. I just slowly nodded and took a deep breath before speaking to her again. "I caught them having s*x in our bedroom. And what's worse is he's cheating on me with Terine. F*ck! I still can't believe that he can do that to me!" I told her then I burst into tears. Agad naman akong dinaluhan ni Ivy. Lumipat siya kaagad sa tabing upuan ko saka hinagod nang marahan ang likuran ko. Hindi na rin nagsalita ang staff ni Ivy ng ilapag nito ang drinks at dessert sa table namin. "Gosh! Hindi ako makapaniwalang magagawa ka pa niyang lokohin! Matapos mong gawin ang lahat para lang makuha ang atensyon niya?! Ang kapal talaga ng mukha ng asawa mo! So, ano ngayong nangyari matapos mo silang mahuli?" komento ni Ivy. "S-sabi niya maghiwalay na lang daw kami. A-alam mo namang hindi ko kayang magkahiwalay kami 'di ba, Ivy? K-kaya sinabi ko sa kanya na hindi ako papayag na maghiwalay kami. I-insted I make a proposal to him... I-I told him that they can stay at the house whenever they want so that we'll not got separated. P-plus, Terine is pregnant... A-ano bang magiging laban ko sa pinagbubuntis ng kapatid ko?" hindi ko na napigilang mapahagulgol habang ang mga kamay ko ay nakatakip sa aking mukha. "S-seryoso ka?! Pumayag ka talagang patirahin sila sa pamamahay n'yo?! Hindi kaya nagmukha ka lang t*nga nun?! Para mo na rin silang kinunsinti sa mga kag*guhan nila sa'yo?! Gosh, friend... Alam kong marupok ka pero hindi sa point na matitiis mong tapakan ang sarili mong pride para lang huwag kang iwanan ng asawa mo. Kakaibang level ang kamartiran mo friend... P-pero hindi kita masisisi dahil alam ko at saksi ako kung gaano mo kamahal ang asawa mo. So, ano nang gagawin mo ngayon?" nag-aalalang tanong sa akin ni Ivy na patuloy lang sa pag-comfort sa akin. "H-hindi ko alam, friend... Hindi ko rin naman alam kung tama ba ang ginawa ko. Kapag kasi pumayag ako sa gusto ni Axl, para ko na ring hinayaan na maging masaya silang dalawa. Sisiguraduhin ko na mula sa araw na 'to ay pagsisisihan nila ang panloloko nila sa akin. L-lalo na si Axl... G-gusto kong sa huli ay ma-realize niya na ako talaga ang mahal niya at hindi ang kapatid ko," pilit na sinabi ko kay Ivy ang saloobin ko. Napabuntong-hininga naman si Ivy saka nagsalita. "S-sige, kung iyan ang desisyon mo susuportahan kita. Huwag lang sana dumating ang araw na mapudpod ka kakaintindi sa kanila at bigla ka na lang mapagod at mawalan ng gana sa buhay. Tandaan mo, Serenity... Na kahit anong mangyari ay nandito lang ako palagi sa tabi mo, okay?" Pagkatapos sabihin sa akin iyon ni Ivy ay agad ko naman siyang niyakap nang mahigpit at ganun din naman ang ginawa niya sa akin. Mabuti na lang talaga at may kaibigan pa rin akong malalapitan sa oras na pakiramdam ko ay nag-iisa na lang ako. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD