CHAPTER 1

1586 Words
Chapter 1: Discussion SERENITY VALENTINE'S P.O.V "I can't do what you want, Axl. I'm not giving you to her," I said in bitterness. It's so f*cking hard to breathe knowing that my husband is determined to divorce me. It breaks my heart knowing that I'm the only one who doesn't want to give up on our marriage. "Serine, masasaktan ka lang kung ipagpapatuloy pa natin 'to," seryosong sabi naman ni Axl sa akin. "Wala akong pakialam! I'm your wife, kaya mas may karapatan ako sa'yo! Layuan mo si Trinity ngayon din!" hindi ko na napigilan pang pagtaasan siya ng boses. "You know that I can't do that, Serine," he said in a cold voice. I clenched my fist and bit my lip in disappointment. Ang kinakainis ko kasi ay ni-minsan ay walang sinunod si Axl sa gusto ko. I always give what he needs and I always accept what he wants. I have not yet received anything good from my husband in this worthless marriage. I always give, and he always takes what he wants. One more thing, for him, I have yet to do anything that he will be proud of. Na kahit anong gawin kong pagsusumikap na maging maayos ang relasyon namin bilang mag-asawa ay walang kahit anong magandang mangyayari sa pagitan naming dalawa. He's my first and last love. But for him, I'm not that important to his life. I'm just a toy he could play with any time he wants. And because I'm a masochist, I just put up with everything he does to hurt me. Not physically but emotionally. "Screw you! When will the day come when I—I am the one you choose at least once?" I said in resentment. "I'm sorry... Alam mo naman na hinding-hindi ko magagawang piliin ka. I'm always ready to choose her over you," he said coldly to me. Sh*t! Lahat nang katagang lumalabas sa bibig niya ay parang patalim na tumatarak sa puso ko. Na sa sobrang sakit ay hindi ko makayanan at para akong nasu-suffocate sa sakit. Para akong malalagutan ng hininga anu mang oras dahil hindi ko makayanan ang sakit ng mga katagang binibitiwan niya sa akin. Na kahit mamatay man ako ngayon ay hindi pa rin ako ang pipiliin niya. "What makes her better than me?! Lahat naman ng kailangan at gusto mo binibigay ko sa'yo 'di ba?! B-bakit hindi na lang kasi ako, Axl? Mahal na mahal kita kaya sana naman mahalin mo rin ako kahit konti lang!" napahagulgol na ako dahil pilit kong pinapatibay ang loob ko. Ngunit sa huli ay hindi ko rin kinaya dahil sa sobrang bigat nang nararamdaman ko. Para na lang akong bulkan na sumabog dahil ang pinaka-ayoko sa lahat ay iyong pinapamukha sa akin ng asawa ko na wala akong halaga sa kanya. "Hindi mo na mababago ang isip ko, Serine. Desidido na akong hiwalayan ka. Please let me go and let me be happy with her," Axl said seriously. I shook my head violently to protest. "Hindi, Axl! Ayoko... H-hindi ko hahayaan na maging masaya ka sa kanya habang ako, heto at umaasa pa rin na mamahalin mo ako kahit konti!" sigaw ko sa kanya. Narinig ko naman siyang napabuntong-hininga dahil sa sinabi ko. Habang ako naman ay tuloy-tuloy lang sa pag-iyak. Natatakot ako nang sobra. Natatakot akong iwan niya ako at maiwan na naman ako nang mag-isa. Sanay na akong hindi pinipili ng kahit sino pero hindi ko makakayanan kung maski ang asawa ko ay hindi ako piliin at iwanan ako. "Please, huwag mo na pahirapan ang sarili mo. Napapagod na rin ako sa relasyon natin dahil wala namang mangyayari kahit manatili pa ako sa tabi mo!" seryosong sabi ni Axl. I gritted my teeth and shook my head again. "No! Wala akong pakialam kung nasasakal ka na sa akin! H-hinding-hindi ako makikipaghiwalay sa'yo, Axl. Akin ka lang at hindi ako papayag na mapunta ka lang kay Trinity!" "But you can't do that! She's pregnant, Serine... That's why we need to divorce because I want to be a father to my child." he insisted. Agad na nahulog ang panga ko at bigla na lang akong napatawa nang pagak. Hindi ko rin namalayan na mas napaluha pa ako dahil sa kagimbal-gimbal na pag-amin niya. "A-ano ulit ang sinabi mo? P-para akong nabibingi, Axl..." hindi makapaniwalang sabi ko. Napansin ko naman na napapaiwas siya ng tingin sa akin kaya mas lalong lumakas ang kaba ko sa dibdib. "I told you that she's pregnant. Kailangan nating maghiwalay dahil gusto kong mabigyan ng buong pamilya ang magiging anak namin..." mahinang pag-ulit niya. At dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niya ay napaiyak-tawa na lang ako. Tila nasisiraan na ako ng bait dahil sa inakto ko dahil hindi ko malaman kung anong dapat kong maging reaksyon. Napakapit ako sa dibdib ko dahil parang hindi ako makahinga at mas bumigat pa ang nararamdaman ko. Hindi lang ako niloko ni Axl dahil nakabuntis pa siya. At hindi lang kung sino ang nabuntis niya dahil ang masakit pa dun ay nabuntis niya pa ang kapatid ko. Hindi ako nasasaktan na niloko ako ni Axl. Nasasaktan ako sa katotohanang ipinagpalit niya ako sa kapatid ko at nabuntis niya pa ito. "B-bakit?! Bakit mo iyon ginawa, Axl?! Sana naman bago mo ginawa iyon ay naisip mo man lang kung anong mararamdaman ko! G-ganun na lang ba talaga ako kawalang kwenta para sa'yo? S-sa tingin mo ba ay natutuwa akong malaman na nakabuntis ka? H-hindi lang iyon, makakabuntis ka na lang lahat-lahat sa kapatid ko pa!" napagtaasan ko uli siya ng boses dahil sa galit ko. "I'm sorry. Alam ko hindi na sapat ang paghingi nang tawad ko kaya nga gusto ko na lang na maghiwalay na tayo," sabi ni Axl na parang napipilitan lang. Napahagulgol na ako nang tuluyan dahil sa sakit nang nalaman ko. Para akong sinaksak ng patalikod. Ginawa nila akong tanga! Hindi ko alam kung bakit nakayanan ko lahat ng sakit pero ito ang hindi ko makaya. Naiisip ko pa lang na masaya si Axl na malamang nabuntis niya ang totoong babaeng mahal niya ay parang gusto ko na lang na mamatay. Ngayon kasi ay naisip ko na mas mahihirapan na akong kunin ang loob ng asawa ko lalo na ngayong mas mamahalin niya pa ang kapatid ko dahil sa pagdadalang tao nito. "K-kailan pa, Axl? K-kailan n'yo pa ako niloloko?" mapait na sabi ko at nakita ko naman kung paano niya naikuyom ang kamao niya. "Isang taon na... Simula nung bumalik siya ulit dito sa pinas. Siguro naman alam mo na noong una pa lang ay si Terine na ang mahal ko. At kahit na naghiwalay pa kami noon at nagpakasal na tayo ay hindi iyon nagbago. Mula noon, hanggang ngayon ay siya pa rin ang mahal ko," seryosong sabi naman ni Axl. At dahil sa sinabi niyang iyon ay napapikit ako nang mariin saka napayuko. Hindi na rin ako natigil pa sa paghikbi dahil kahit hindi man ako sinaktan nang pisikal ni Axl ay mas masakit naman ang dinulot sa akin ng mga salitang binitiwan niya. Para akong bugbog sarado sa bawat salitang sinabi niya sa akin. At kahit anong gawin ko ay hindi ko makita ang sarili ko sa mga sinabi ni Axl. Hindi ko makita ang sarili ko na minahal man lang ako ni Axl kahit na kunti. "K-kung alam ko lang na magiging ganito pala kasakit ang magmahal sana hindi ko na lang tinangka na mahalin ka. S-sana nga ay hindi na ako nabuhay pa sa mundong 'to dahil ganun din naman eh! Kahit anong gawin ko para maging mabuting tao sa mga mata ng ibang tao, wala pa ring magmamahal sa akin gaya ng pagmamahal na binibigay ko sa inyo!" hinanakit ko sa kanya. "Hindi ko rin naman ginustong masaktan ka pa. Kaya nga kung ayaw mo na masaktan pa sa piling ko, pumayag ka na lang na maghiwalay tayo," walang kaemo-emosyong sabi ni Axl. Napapikit ako muli nang mariin saka ko kinuyom nang mas mariin ang kamao ko. Ayoko pang sukuan si Axl kahit na wala namang pag-asang mahalin niya rin ako. Natatakot lang talaga akong maiwan ulit kaya gagawin ko ang lahat para mapanatili lang siya sa tabi ko. Tanga na kung tanga sa mata ng ibang tao pero hindi naman nila ako masisisi dahil nagmamahal lang naman ako. Kaya nga lang hindi na nga ako minahal pabalik ay nanlilimos pa ako nang pagmamahal sa asawa ko. Wala akong pakialam kung araw-araw mang mamugto ang mga mata ko kakaiyak na makita siyang masaya sa piling ng ibang babae. Ayos lang sa akin lahat ng gagawin niya basta huwag lang siyang aalis sa tabi ko dahil ikakamatay ko ang kalungkutan kapag mag-isa na naman ulit ako. "Please... H-huwag mo akong iwan, Axl. S-sige, gawin mo na lang ang gusto mong gawin! P-papayag na akong tumira sa bahay nating 'to si Trinity b-basta huwag mo lang akong hihiwalayan. P-pagbigyan mo na lang ako sa kahilingan k-ko dahil ikaw lang naman ang natitirang kaligayahan ko kaya sana naman huwag mo na ipagkait pa sa akin ang makasama ka sa bahay na ito kahit pa na kasama kong tumira sa bahay na 'to ang k-kabit mo..."umiiyak na turan ko. Nakita ko naman napalunok si Axl dahil sa sinabi ko pero hindi naman na siya nakapagsalita pa. Wala na akong pakialam kung mukhang natatapakan ko na ang pride ko dahil sa pagpapakababa ko ng dignidad ko. Ayos n a sa'kin ang makihati sa lalaking mahal ko basta huwag lang akong iwanan nang asawa ko! ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD