Chapter 3: Discussion
ZACHARY AXL'S P.O.V
"Babe? Huy, babe!" agad akong napalingon ng marinig ko ang pagtawag ni Trinity sa akin.
"Ah, yes?" I answered her.
Nakita ko naman na napanguso siya saka huminga nang malalim bago hinawakan ang kamay ko.
"May iniisip ka ba? Kanina ka pa kasi parang wala sa sarili. Kinakausap kita pero hindi ka naman sumasagot," nakangusong sabi naman ni Trinity sa akin kaya marahan akong napangiti ng pilit at saka napakamot sa batok ko.
"Sorry, babe. Hindi ko napansin na malalim na pala ang iniisip ko. Ano bang sinasabi mo sa akin kanina?" masuyong sabi ko naman sa kanya.
"Di ba sabi mo ngayon tayo pupunta sa ob-gyne? Akala ko ba gusto mo malaman ang lagay ni baby?" nakangiting sagot naman ni Trinity sa akin.
Marahan akong napanganga at napaisip. Kaya nang maalala kong may sinabi nga ako sa kanya nun ay agad ko siyang binigyan nang matamis na ngiti sa labi.
"Ah, right! I nearly forgot about that, thank you for reminding me." I told her.
"So, ano? Ngayon na ba pupunta sa hospital? Tutal wala naman si Serine dito." nakangiting sabi ni Trinity kaya muli akong natahimik.
Ang hindi ko kasi maintindihan ay kung bakit ganun na lang umakto si Serenity. Alam ko naman kung gaano niya ako kamahal pero hindi ko inaasahan na aabot sa puntong hahayaan niya na lang na magkasama kami ni Trinity sa bahay naming mag-asawa.
Alam kong ang g*go ko dahil hindi ko man lang naisip ang mararamdaman niya kapag sinabi ko sa kanya na maghiwalay na kami.
Kahit na alam kong hindi kakayanin ni Serenity na maghiwalay kami ay hindi ko pa rin inaasahan ang pagmamakaawa niya sa akin kagabi.
Nakaramdam tuloy ako nang kaunting guilt dahil sinunod ko ang gusto niya na manatili kami ni Trinity dito sa bahay namin ni Serenity.
Wala naman kasi akong magagawa, eh. Ayaw makipaghiwalay ni Serenity kaya wala rin akong choice kundi ang manatili sa bahay na 'to kasama si Trinity na babaeng totoong mahal ko.
Totoo namang masaya ako noong nalaman ko na bumalik si Trinity sa bansa. Hindi ko nga lang inaasahan na sa pagbalik niya ay magmamakaawa siya sa akin na magkabalikan kami ni Trinity.
We both love each other that's why I immediately agreed that we should get back together. At hindi ko na inisip na kasal ako sa kapatid niya dahil ang naiisip ko lang ay kung paano ako makakabawi sa pagkukulang ko kay Trinity.
And that's when I got her pregnant. Mananatili sanang sikreto ang relasyon namin ni Trinity kay Serenity kung hindi niya lang kami nahuli na magkasama kahapon.
Naghahanap kasi ako nang magandang pagkakataon kung kailan ako aamin sa panloloko ko sa kanya dahil alam ko naman na kapag nalaman din ni Serenity ang relasyon namin ni Trinity ay siya lang din ang mahihirapan sa huli.
"Uhm, babe... Do you think it would be better for us to live separately than for the three of us to live under the same roof?" I couldn't help but ask Trinity.
Nakita ko namang lumambot ang ekspresyon niya at saka niya marahang hinaplos ang pisngi ko.
"Babe, I know how much you care for me. Kaso hindi naman natin kailangan bumukod para lang masiguro mo na hindi ko pagseselosan ang kapatid ko. Alam ko naman na kahit kasal ka sa kanya ako pa rin naman ang mahal mo. So you don't have to think about it," Trinity answered seriously.
Napahinga na lang ako nang malalim saka hinawakan ang kamay niya. Pagkatapos nun ay hinawakan ko siya nang marahan sa pisngi niya saka siya masuyong hinalikan sa labi.
"Okay, if that's what you want, babe. But don't hesitate to tell me if you can't take it to live here anymore, okay?" I told her sincerely.
She just quickly nodded and then kissed me back. After the kiss we shared, she immediately stood up.
"So, ano? Tara na, at baka ma-late pa tayo sa appointment sa ob-gyne." nakangiting sambit naman ni Trinity kaya tumayo na rin ako sa kinauupuan ko saka ako nagsimulang maglakad kasama siya patungo sa labas ng bahay.
Dumiretso lang kami sa may garahe para mailabas ko ang sasakyan ko. Pagkatapos nun ay nagsimula na akong magmaneho ng pareho na kaming nakasakay sa loob ng sasakyan.
Tahimik lang naman kami buong byahe kaya ng makarating na kami sa hospital ay sinundan ko lang si Trinity papunta sa opisina ng ob-gyne kung saan siya naka schedule.
Nang makapasok kami sa loob ay nakita naman namin ni Trinity na tumayo ang doctora para batiin kami.
"Good day, Mister and Misis." nakangiting bati ng doctora sa amin kaya naman tinanguan lang namin ni Trinity ito.
"So, ano pong appointment nila today?" nakangiting sabi naman agad ng doctora kaya nagkatinginan lang kami ni Trinity.
Sa huli ay napili ni Trinity na sagutin ang doctora. "Ah, magpapa-check up lang po sana kami ngayon kung anong lagay ni baby,"
Tumango naman ang doctor pagkatapos nun ay binigyan lang nito si Trinity ng instructions bago pinahiga sa hospital bed na nasa gilid lang ng office ng doctor.
"I-ultrasound lang po kita mommy ha? Para na rin po makita natin kung ilang days na ang baby at kung healthy ba ito," nakangiting sabi naman ng doctor.
Tumango lang naman si Trinity pagkatapos nun ay agad namang nilagyan ng doctor ang tiyan ni Trinity ng gel matapos nitong ilabas ang tiyan ni Trinity.
Pagkatapos nun ay sinimulan niya ng i-ultrasound si Trinity. Agad ko namang nakita sa monitor ang nasa loob ng tiyan ni Trinity. Agad akong napangiti ng makita ko ang parang hugis buto sa loob ng tiyan ni Trinity.
"Ohh... So the baby is six weeks old. So far nakikita ko namang healthy ang baby n'yo dahil normal lang naman ang heartbeat ni baby. Sa ngayon ay reresetahan ko muna ng vitamins si mommy at saka ko ilalagay sa reseta ang mga healthy foods na pwede at mga bawal kay mommy at kay baby." sabi naman ng doctor.
Kaya nakahinga ako nang malalim matapos kong marinig ang sinabi niya. Pagkatapos nun ay inalalayan ko na rin si Trinity na makatayo sa hospital bed.
Nagbigay lang rin ng reseta sa amin ang doctor at sinabihan niya rin kami na mas maganda kung every week or every month ay babalik kami para magpa-check up sa kanya.
At habang naglalakad kami sa hallway ng hospital ay naramdaman ko naman ang mahigpit na paghawak ni Trinity sa aking kamay.
"Gosh, I'm so happy, babe! Naiiyak ako... First time ko kasing makita si baby. S-sana lang ay lumaki siyang healthy sa tiyan ko para maipanganak ko siya ng normal, nuh?" emosyonal na turan niya sa akin kaya naman para akong nahawa sa mood ni Trinity.
Kaya nagpasiya akong yakapin at haplusin ang likuran ng ulo niya para pakalmahin siya. "Babe, I know that baby will grow healthy, okay? Hindi ko kayo pababayaang mag-ina," nakangiting sabi ko sa kanya.
Pagkatapos ay nagsimula na kaming maglakad palabas ng hospital. At bago kami sumakay sa sasakyan ay dumaan muna kaming botika para bilhin ang gamot at gatas na ni-recommend sa amin ni Doc.
Nang makasakay na kami sa sasakyan ay mabilis naman akong nagmaneho pabalik sa mansyon dahil ayokong mapagod pa si Trinity. Nakarating naman kami kaagad sa mansyon.
"Elena, pwede bang pakidala ang mga ito sa kusina?" agad namang utos ko sa kasambahay namin ng makarating kami sa loob ng mansyon.
Napansin ko naman kaagad na parang hindi mapakali si Elena kaya ng mapatingin ako sa likuran niya ay agad namang nahagip ng paningin ko ang isang bulto ng babae.
"Dumating na pala kayo? Saan kayo galing?" seryosong tanong ni Serenity kaya naman napalingon ako kay Trinity.
Nakita ko namang napakapit lang sa akin si Trinity. Napahinga naman ako nang malalim saka ko hinarap si Serenity.
"Galing lang kaming hospital. Elena, pakisuyo nga muna nitong mga dala ko." seryosong sabi ko naman.
Kinuha naman ni Elena ang mga pinamili namin. Pagkatapos nun ay nakita ko namang napatingin si Serenity sa hawak kong envelope. At bago pa ako makapagsalita ay naramdaman ko na lang na kinuha niya mula sa kamay ko ang envelope na hawak ko kanina lang.
Binuksan naman ni Serenity ang envelope at nakita ko namang parang natigilan siya. Saka niya mabilis na binalik sa loob ng envelope ang ultrasound result na tiningnan niya kanina.
"Oh! So she's really a pregnant? W-wow! Congratulations for the both of you!" Serenity said with her trembling voice.
Naikuyom ko kaagad ang kamao ko at napalunok din ako ng mapansin kong mugto pala ang mga mata niya. Nang mga sandaling iyon ay hindi ko alam kung anong gagawin dahil mas lalo lang akong nakakaramdam ng guilt.
"Thank you, Serine. Thank you for understanding us!" Trinity sincerely said.
Hindi ko naman inaasahan na sasabihin iyon ni Trinity kaya ng magtama ang mga mata namin ni Serenity ay nakita ko ang pangingilid ng kanyang mga luha. Hindi naman siya sumagot dahil mabilis niya lang kaming tinalikuran.
Marahan pang bumuka ang bibig ko pero sa huli ay wala ring lumabas na salita mula sa bibig ko dahil hindi ko rin naman alam ang dapat kong sabihin sa kanya. Nang muli ko ng sulyapan si Trinity ay matamis lang siyang nakangiti sa akin kaya napahilot na lang ako sa sintido ko.
---