Chapter 5: Introduced
SERENITY VALENTINE'S P.O.V
Matapos naming magkakilala ni Axl sa company ng dad niya ay dun na rin nagsimula ang lahat. Tinuring ko siyang kaibigan dahil si Axl lang ang unang bata na naging malapit sa akin.
At dahil sa saya na naramdaman ko ng makilala ko siya ay hindi talaga ako tumigil sa pagtawag sa mansyon nila para lang sabihan si Axl na pwede niya akong bisitahin sa mansyon namin kahit kailan niya gusto.
Kaya nang dumating ang araw na pinakahihintay ko ay talagang inihanda ko ang sarili. Nang makauwi ako galing sa school ng araw na napiling bumisita ni Axl sa bahay ay nagmamadali pa akong nagpalit ng damit sa kwarto ko ng hindi pa nakakarating si Axl.
Mabilis akong nagbihis para lang masalubong siya sa gate pero hindi ko inaasahan ang makikita ko ng araw na iyon. Nakita ko kasing naka-uniform pa si Axl galing sa school nito habang magkasama sila ng kapatid kong si Trinity.
"Axl?" hindi ko napigilang tawagin siya sa kanyang pangalan.
Sabay pa silang lumingon sa akin at hindi kaagad ako nakakilos dahil nakita ko pa kung gaano kalaki ang ngiti ni Axl bago naglaho iyon ng bumaling siya sa akin.
"Ah, Serenity... Hindi mo pala sinabi sa akin na magkapatid pala kayo ni Terine," sabi niya kaagad sa akin kaya mahigpit kong naikuyom ang mga kamao ko.
Hindi kasi ako natuwa ng marinig ko ang pangalang tinawag niya sa akin at sa kapatid ko. Noong nagkita kami sa company ng dad niya noong nakaraan ay Serine pa ang tinawag niya sa akin.
Bakit bigla naman yatang nagbago ang pangalang itinatawag niya sa akin? Hindi maganda sa pakiramdam ko at pakiramdam ko ay nagbago na lang bigla ang friendly na Axl na nakilala ko noon.
"H-hindi ko nga nabanggit. W-wala ka naman kasing tinanong k-kung may kapatid ba ako," mahinang sagot ko habang nanginginig pa ang boses ko.
"Ano ka ba, Zachy. Okay lang naman sa akin kung hindi nasabi sa'yo ni Ate na kapatid niya ako. Baka kasi nakalimutan niya lang sabihin sa'yo, 'di ba, Ate?" nakangiting turan pa ni Trinity sa akin.
Hindi ko alam kung anong binabalak ni Trinity ng mga oras na iyon dahil ni-minsan ay hindi niya ako tinawag na Ate sa tanang buhay ko.
Palaging Serenity o Serine lang ang tinatawag niya sa akin dahil wala namang pakialam ang parents namin sa kung anong itatawag niya sa akin. Isa pa ay isang taon lang naman ang agwat ng mga edad namin.
"Kung hindi ko pa makikilala si Terine sa school hindi ko pa malalaman na magkapatid kayo. By the way, pasensya nga pala kung ngayon lang ako nakadalaw sa bahay n'yo. Isa pa ikinagagalak ko rin makilala si Terine. Kaya ayos lang ba kung palagi na akong dumalaw ngayon dito sa inyo?" nakangiting sabi ni Axl kay Trinity.
"Oo naman, Zachy. Welcome ka palagi sa bahay namin. Isa pa mas maganda nga kung lagi ka pupunta rito para may makakalaro kami ni Ate," nakangiting sabi naman ni Trinity.
Simula ng araw na iyon ay nagbago ang pakikitungo sa akin ni Axl dahil mas naging malapit sila ng kapatid ko. Napapansin ko rin kasi na kapag sa tuwing sinasama nila ako sa mga gala at laro nila ay palaging kunot ang noo ni Axl.
Na tila ba ay ayaw niya akong nakakasama o di kaya'y ayaw niya akong nakikita. At dahil sa inakto niyang iyon ay labis akong nasaktan kaya simula ng araw ding iyon ay hindi na ako sumasama sa kanila.
Doon ko lang din na-realize na crush ko pala si Axl dahil hindi ko maiwasang sumaya sa tuwing maririnig ang pangalan niya o di kaya'y kapag nakikita ko siya.
At dahil unti-unti na akong dumistansya sa kanila ay hindi ko na rin naririnig ang mga balita tungkol sa nangyayari sa kanila sa loob ng ilang taon.
Kaya simula ng tumuntong na ako ng kolehiyo ay nagpasiya na lang ako na pag-igihan sa course na pinili ko dahil gusto kong maging proud sa akin ang mga magulang ko kahit na kailan naman ay wala silang naging pakialam sa akin.
Pinasok ko ang course ng Fashion, Arts and Design. Bata pa lang kasi ako ay pangarap ko ng makalikha ng mga gown ng mga prinsesa. Kaya iyon ang napili kong kuhain na course.
At dahil hindi ko naman alam ang nangyayari sa buhay ni Trinity ay huli ko ng nalaman na iisa lang pala kami ng course na kinuha dahil naging magkaklase kami sa college.
Kahit kasi na mas matanda ako ng isang taon kay Trinity ay sabay kaming pinag-aral ng mga magulang namin. Kaya hindi ko alam ang mararamdaman ng makita kong sa iisang department lang kami ni Trinity.
Simula rin ng malaman ko na magkaklase kami ay saka ko na lang din nalaman na naging nobyo niya na pala si Axl. At dahil sa nalaman kong iyon ay labis na naman akong nasaktan.
Pakiramdam ko kasi ay ako dapat ang nasa pwesto ni Trinity kung hindi lang sila nagkakilala noon ni Axl. Dahil araw-araw din siyang sinusundo ni Axl ay napilitan na naman akong makisama sa kanilang dalawa.
Palagi na kasi kaming sabay na pumasok at umuwing tatlo kaya nasasaksihan ko lahat ng pinaggagawa nila. Iyon din ang naging dahilan kung bakit parang gusto kong saktan si Trinity kahit hindi ko naman magawa.
At nang makilala ko si Bryce na isang senior namin sa college ay siya ang naging kaibigan ko noong college ako. Simula ng maging magkaibigan kami ay napapansin ni Bryce na nahihirapan akong pakisamahan si Trinity at Axl kaya palagi akong hinihila palayo ni Bryce sa kanila.
Kahit pa na gusto ng kapatid ko na palagi akong sumasama sa kanila ay wala siyang nagagawa kapag si Bryce ang humihila sa akin palayo sa kanila.
Kalaunan ay nalaman ni Bryce na may nararamdaman ako para kay Axl at hanggang sa mga sandaling iyon ay siya pa rin ang gusto ko. Naintindihan iyon ni Bryce at siya ang dumadamay sa akin kapag umiiyak ako dahil nasasaktan ako.
Masasabi ko pa na naging maswerte akong nakilala ko si Bryce dahil kung hindi dahil sa kanya ay patuloy ko pa rin na kinikimkim ang sakit na nararamdaman ko. Naging mabuti rin naman ang lagay ko simula rin ng makilala ko ang isa pa sa naging best friend ko. Si Ivy na isang orphan na lumaki sa orphanage.
At gaya namin ni Bryce ay sa iisang college lang kaming lahat nag-aaral. Senior kasi si Bryce kaya siya ang naunang grumaduate sa aming tatlo at nang maiwan kami ni Ivy ay siya ang dumamay sa akin sa lahat ng oras.
Hindi ko naman inaasahan na makaka-graduate ako bilang Magna c*m laude sa college. Habang si Trinity naman ay hindi nakapasa sa board exam kaya nagpasiya siyang mag-aral sa ibang para maipagpatuloy ang kagustuhan niyang maging fashion designer gaya ko.
At kahit pa naka-graduate ako ng Magna c*m laude ay hindi man lang ako binati ng mga magulang ko dahil ang tanging sabi lang nila sa akin ay busy sila sa kanilang mga trabaho.
Dahil dun kaya nagpasiya akong magpatayo ng sarili kong Fashion Store hanggang sa lumago iyon at naging isang kumpanya na siya namang sinuportahan nila Bryce at Ivy.
Isa rin sa mga dahilan kung bakit lumago ang business ko dahil ginawa akong business partner ni Bryce. At makalipas ng isang taon ng magkaroon na ako ng kumpanya ay nagpasiya ang mga magulang ko na ipagkasundo ako ng kasal.
At hindi ko inaasahan na ipagkakasundo nila ako sa nobyo ng kapatid ko na si Axl. Nang malaman iyon ni Axl ay alam ko kaagad ang labis niyang pagtutol.
"Nahihibang naba kayo, Dad?! Bakit n'yo ako ipapakasal sa babaeng iyan?! Alam n'yo namang girlfriend ko ang kapatid niya, 'di ba?!" inis na sigaw ni Axl na umalingawngaw sa buong mansyon.
"I know, son! But it's been a year since you two broke up! Isa pa mas makakatulong sa'yo si Serenity dahil may sarili na siyang kumpanya! Unlike sa kapatid niya na hanggang ngayon ay nag-aaral pa rin sa ibang bansa at wala pa ring nararating sa buhay!" sagot naman ng ama ni Axl.
At dahil kagustuhan din naman nila mommy at daddy na ipagkasundo ako kay Axl ay hindi ko nagawang tumutol. Kahit pa na alam ko na para kong inahas at pinagtaksilan ang kapatid ko.
Kaya nang malaman ko na naghiwalay na sila ni Trinity ay nakahinga ako nang maluwag dahil kapag natuloy ang kasal namin ni Axl ay wala akong magiging kasalanan dahil si Trinity mismo ang siyang nakipaghiwalay kay Axl.
At kapag natuloy din ang kasal namin ni Axl ay pinapangako ko sa sarili ko na magiging mabuti akong asawa sa kanya. Kalaunan ay wala ng nagawa pa si Axl.
Nalaman ko kasi na nakiusap si Trinity sa kanya na pumayag na magpakasal sa akin dahil para rin sa ikabubuti niya. Hindi ko nga lang alam kung sincere ba si Trinity ng sabihin niya iyon kay Axl.
Naging matagumpay ang kasal namin ni Axl pero hindi ko inaasahan na sa loob ng pagiging mag-asawa namin ay magiging malamig ang pakikitungo niya sa akin. Kinasal lang kami sa papel pero hindi niya man lang sinubukang hawakan ako o tingnan ako.
Kahit sa iisang bubong pa kami nakatirang dalawa at natutulog sa iisang kama ay hindi ko naramdaman ang pagiging asawa ni Axl sa akin. Matutulog lang siya sa umaga at aalis sa gabi para pumasok sa bar niya.
Alam ko naman na hindi niya kailangan gawin iyon para iwasan ako dahil hindi rin naman namin naranasang magtabi ng ilang beses sa kama. Isang beses lang at iyon ay matapos naming ikasal.
Ni-hindi man lang ako nakatanggap ng halik sa kanya matapos naming ikasal. Sa mismong kasal niya lang ako hinalikan at parang nandidiri pa siya sa akin matapos niya akong halikan nun.
Ngunit kahit na ganun ang naging pakikitungo niya sa akin ay pilit ko iyong inintindi. Umaasa kasi ako na balang araw ay ma-appreciate niya ang mga ginagawa ko sa kanya bilang asawa niya.
Nakalipas na rin ang ilang taon naming mag-asawa at nakabalik na lang lahat-lahat ang kapatid ko pero hindi man lang na-appreciate ni Axl ang lahat ng ginawa ko para sa kanya.
Bagkus ay napili niya pa akong saktan at lokohin dahil sa ginawa niya pagtataksil sa akin. Ang masaklap pa dun ay napili ni yang bumalik ulit sa kapatid ko sa kabila ng lahat ng paghihirap na ginawa ko para sa kanya.
---