Chapter 4: Happenings
SERENITY VALENTINE'S P.O.V
I didn't know how many times I cried. Kasalukuyan akong nagkukulong sa guest room kung saan ako kasalukuyang nanatili at natutulog.
Ramdam na ramdam ko pa rin ang paninikip ng dibdib ko at ang panunuyo ng lalamunan ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko kanina.
Umaasa kasi akong nagkukunwari lang na buntis ang kapatid ko para lang makuha ang loob ni Axl. Hindi ko naman akalain na totoo pa lang nabuntis siya ni Axl. At iyon ang hindi ko makayanan.
Hanggang ngayon ay iniiyak ko pa rin ang nakita ko. Nakaramdam kasi ako ng inggit matapos kong makita ang batang dinadala ni Trinity sa sinapupunan niya.
I also hoped that I could give birth to Axl's baby but I can't. At alam kong imposibleng mangyari ang bagay na iyon dahil wala namang interes si Axl sa akin lalo na sa katawan ko.
Ni hawakan man lang ang mga kamay ko ay hindi magawa ni Axl. Kaya naman alam kong imposibleng mabuntis ako sa anak namin ni Axl dahil ngayon na nasa tabi niya na ulit ang babaeng tunay niyang mahal ay hinding-hindi ko na makukuha ang atensyon ulit ni Axl.
Napahinto naman ako sa pag-iyak ng marinig kong may kumatok sa pintuan ng kwartong tinutuluyan ko. Mabilis kong pinunasan ang luha sa mga pisngi ko saka ako huminga nang malalim.
Pagkatapos ay saka ako naglakad papalapit sa pintuan. Nang buksan ko iyon ay agad namang bumungad ang kasambahay naming si Elena na mukhang nag-aalala sa akin.
"Ma'am, ayos lang po ba kayo? Ito nga po pala, dinalhan ko kayo ng makakain dahil kanina pa po kayo hindi lumalabas ng kwarto n'yo. Tapos na po kasing kumain sila Sir," paliwanag naman ni Elena.
Agad naman akong napatingin sa hawak ni Elena na tray na may mga lamang pagkain. Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa simpleng bagay na iyon na ginawa ni Elena ay na-touch ako sa ginawa niya.
"S-salamat, Elena." mahinang sabi ko na lang bago ko kinuha ang tray sa mga kamay ni Elena.
Pagkatapos nun ay tumango lang siya sa akin saka nag-bow bago umalis sa harap ng kwarto ko. Dahil dun kaya pumasok na ulit ako sa loob ng silid saka ko inilapag sa bedside table ang tray na hawak ko saka ako marahang naupo sa kama.
Napatitig lang ako sa mga pagkain na nasa tray at saglit pa akong napayuko. Pinakiramdaman ko ang aking sarili kung nakakaramdam ba ako ng gutom.
Ngunit ang nararamdaman ko ngayon ay kawalan ng gana kumain dahil sa mga pangyayari sa paligid ko. Kaya nagpasiya na lang akong mahiga sa kama habang nagmumuni-muni.
At saka ko muling naalala ang mga nangyari noong una kong nakilala si Axl hanggang sa kung paano kami pinagkasundo na ipakasal sa isa't-isa.
***
Una kong nakilala si Axl noong twelve years old ako. At nakilala ko siya noong minsan akong sinama ni Daddy sa company ng business partner niya.
Iniwan kasi ako ni Daddy sa labas ng opisina ng business partner niya. Hindi rin nakasama si Trinity ng araw na iyon dahil nagkasakit siya. At dahil wala naman akong kahit anong sakit ng araw na iyon ay napilitan si Daddy na ako na lang ang ipakilala sa business partner niya.
Hawak ko ang teddy bear na binigay sa akin ng katulong naming si Manang Cecile. Siya kasi ang nag-aalaga sa akin simula bata pa lang ako.
At dahil hindi ko masyadong nakukuha ang loob ng mga magulang ko ay si Manang Cecile na ang tumayong magulang para sa akin.
"What are you doing here?" I heard a voice asking me.
Mabilis naman akong napatingala at nang i-angat ko ang aking paningin ay nakita ko ang isang batang lalaki na mas matangkad sa akin.
Nakasuot ito ng white long-sleeve polo at black pants. Naka-side rin ang buhok nito kaya napanganga ako ng makita ko rin kung gaano kagwapo ang batang lalaki sa harapan ko.
"Ah! I'm waiting here for my Daddy." I immediately answered him.
Nakita ko namang tumango lang siya bago pinihit ang pintuan ng opisinang pinasukan kanina ni Daddy. Habang ako naman ay hindi naaalis ang tingin sa batang lalaki hanggang sa nakapasok ito sa loob.
Napabuntong-hininga na lang ako ng mga sandaling iyon at napahawak pa ako sa dibdib ko dahil pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko ng mga sandaling iyon dahil sa bilis nang t***k ng puso ko.
Maya-maya pa ay nakita ko na lang na bumukas ulit ang pintuan ng opisinang pinasukan ni Daddy. Kasabay nun ay ang paglabas ni Daddy at nang business partner niya, pati na rin ng batang lalaki na kumausap sa akin kanina.
"Oh, I forgot to introduce to you my eldest daughter Serenity Valentine." Daddy said.
Nakita ko namang napangiti pa ang ka-business partner ni Daddy. Bago ito bumaling sa akin saka nito hinawakan sa balikat ang batang lalaki na kasalukuyang nakatingin sa akin.
"Hi, Serenity! This is my son Zachary Axl. I hope that you two will get along and be friends," Daddy's business partner said.
"T-thank you, sir!" I said, then stood up and bowed my head.
"Oh, you can call me Mr. Paul since I'm your dad's friend too." Mr. Paul said, so I slowly nodded my head.
"Zach, baka naman pwedeng samahan mo muna si Serenity sa cafeteria? Treat her so you two can have lunch now." Mr. Paul asks Zachary.
"Okay, I will Dad." Zachary agreed.
Pagkatapos nun ay nagulat pa ako nang maramdaman kong hawakan ni Zach ang kamay ko. At sa hindi ko malamang dahilan ay ramdam ko ang panlalamig ng mga palad ko ng mga sandaling iyon.
Mabuti na lang talaga at hindi pinansin ni Zach ang namamawis kong mga palad dahil sa kaba ng mga sandaling iyon. Maya-maya pa ay huminto na rin kami ni Zach sa paglalakad ng makarating kami sa cafeteria.
"Anong gusto mo kainin? You can tell me so we can order." Zach told me.
Agad naman akong napatingin sa mga pagpipilian at nang makita ko ang pagkaing gusto kong kainin ay saka ko siya muling binalingan.
"I want one Lasagna and Ice cream." I answered.
He just nodded then went in line. At dahil nakapila pa naman si Zach ay nagpasiya na lang akong pumunta sa isang bakanteng table.
Nang makaupo na ako sa isang table malapit sa counter ay nakita ko naman na hinanap pa ako ni Zach. Kaya naman mahina akong kumaway sa kanya para madali niya akong makita.
Napansin ko naman na natanaw kaagad ako ni Zach bago siya nagsimulang um-order. At dahil naghihintay pa naman ako sa kanya ay nagpasiya na lang akong ilapag ang teddy bear na hawak ko sa tabing upuan ko.
Maya-maya pa ay napansin ko si Zach na naglalakad palapit sa akin. Wala siyang dalang kahit ano kaya ng mapansin ko ang waiter sa likuran niya dala ang pagkain namin ay napangiti ako.
Umupo kaagad sa harapan ko si Zach habang ang waiter naman ay nilalapag ang mga in-order naming pagkain. Nang makaalis ang waiter ay agad naman akong napatingin kay Zach.
"Thank you sa pagkain." nakangiting sabi ko. Nakita ko namang ngumiti siya saka tumango sa akin.
Iyon ang unang beses kong nasubukang kumain kasama ang ibang bata dahil hindi kami palaging nagkakasabay kumain ng kapatid kong si Trinity dahil palagi siyang busy sa mga studies niya.
Kumpara kasi sa akin ay mas matalino ang kapatid kong si Trinity kaya sa kanya nagfo-focus ang mga magulang namin.
Minsan ay nalulungkot ako kapag nawawalan ng oras sa akin ang mga magulang ko. Pero ngayon ay hindi ako nagsisising sumama kay Daddy dahil nagkaroon ako ng kaibigan.
Nang matapos na kaming kumain ni Zach ay nagsimula naman kaming maglakad palabas ng cafeteria. At dahil nauuna siyang maglakad kaysa sa akin ay hindi ko napigilan ang sariling habulin siya para makapantay ko siya sa paglalakad.
"Zach... Uhm, ayos lang bang maging kaibigan kita? Ano kasi... Wala kasi akong kaibigan kaya kung okay lang sana sa'yo gusto kong maging magkaibigan tayo." mahinang sabi ko kay Zach.
"Oo naman. Bakit hindi? Natutuwa nga pala akong maging kaibigan ka, Serine." nakangiting sabi ni Zach sa akin kaya naramdaman ko ang pag-init ng mga pisngi ko.
Kasabay nun ay saglit akong natahimik dahil hindi ko akalain na tatawagin ako ni Zach sa palayaw ko.
"T-talaga? A-ayos lang din ba kung tawagin kitang Axl?" nahihiyang tanong ko naman.
"Oo naman bakit hindi. Tawagin mo lang ako sa pangalang gusto mo. Kung gusto mo sa susunod pupunta ako sa mansyon n'yo para makapaglaro tayo. Ayos lang ba iyon sa'yo?" nakangiting sabi ni Zach sa akin kaya ngumiti ako.
"S-sige! Sabihan mo lang si Daddy kung kailan ka pupunta sa bahay para makapaghanda rin ako." nakangiting sabi ko at tumango naman si Axl.
Pagkatapos ng mga pag-uusap namin ay umuwi na rin kami ni Daddy dahil natapos na ang meeting nila ng Daddy ni Axl.
Nakaramdam pa ako ng kaunting lungkot dahil alam kong hindi kami kaagad magkikita ni Axl pero umaasa akong makakabisita siya kaagad sa mansyon namin pagkalipas ng ilang araw.
---