CHAPTER 6

1597 Words
Chapter 6: Favor TRINITY VICTORINE'S P.O.V Sumapit na ang gabi at napansin kong hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas ng kwarto si Serenity matapos niyang makita ang resulta ng ultrasound ko kanina. Natutuwa naman akong makita na nasasaktan si Serenity ng dahil sakin. Hindi ko malaman pero hindi ako nakukuntento hangga't hindi ko nakikita ang nagseselos na mga tingin sa akin ni Serenity. I'm always satisfied to see her envy me for everything I had since we were a child. At isa na doon ang makita siyang nagseselos dahil ako pa rin ang gustong makasama ng asawa at lalaking pinakamamahal niya at hindi siya. Kaya kasi ako nagpasiya na mag-aral noon sa ibang bansa para rin bigyan ng pagkakataon si Serenity na sumaya kasama si Zachy. Ako rin ang nag-request sa parents namin na ipakasal sila dahil tiwala akong kahit matali pa si Zachy sa kanya ay hindi basta-basta mahuhulog ang loob ng lalaki sa kapatid ko. At hindi naman ako nagkamali ng hinala. After a few years ng matapos kong mag-aral sa ibang bansa ay hindi ko inaasahan na si Zachy pa ang unang ko-kontak sa akin. Dahil hindi na rin ako makapaghintay na makitang nasasaktan ulit si Serenity ay nagpasiya akong akitin ulit si Zachy. Pumayag naman siya sa naging relasyon namin. Kahit pa na pinilit ako ni Zachy na hihiwalayan ang kapatid ko para mapakasalan niya ako ay hindi ko siya pinayagan. Gusto kong makitang nagdurusa si Serenity ng dahil sa akin. Mas nagiging masaya ako kapag nakikita ko siyang nasasaktan. Nagpapanggap lang akong mabuting kapatid sa kanya para mapalapit din ang loob niya sa akin bilang mas nakakatanda kong kapatid. Ngunit ang hindi niya alam ay unti-unti kong inaagaw sa kanya ang mga bagay na meron siya dahil ayokong maangatan niya ako. Gusto kong habang-buhay niya akong titingalain at gusto ko rin na habang buhay siyang magdurusa sa mga palad ko. Bonus na lang na nakabuo kami ni Zachy ng baby at umayon pa iyon sa plano ko. My sister is so pathetic to think and plead her husband to stay on their house even if she would live under the same roof with her husband's mistress. At sa isiping iyon ay hindi ko mapigilang matawa. Masyado kasi siyang nagpapakadesperada pagdating sa lalaking hindi naman siya binibigyan ng interes. Nang mapalingon ako kay Zachy ay nakita kong malalim ang iniisip nito at napapabuntong-hininga pa. Kaya mabilis akong kumapit sa braso niya na siya namang nakakuha ng atensyon nito. "Babe... Can you do me a favor?" I tried to make my voice sweet. "O-of course you can! What is it?" Zachy ask me then smiled. "Nabo-bored na kasi ako mag-stay sa bahay. Tutal Monday naman bukas 'di ba? Pwede bang kausapin mo si Ate kung pwede akong magtrabaho sa kumpanya niya? Saka para na rin hindi ka masyadong mag-alala sa akin. I know naman na walang masamang gagawin sa akin ang kapatid ko," malambing na turan ko. Nakita kong kumunot pa ang noo ni Zachy dahil sa sinabi ko. Pansamantala siyang nag-isip at nang matapos na siya ay muli niya akong hinarap. "I-If that's what you want then I'll try to talk to her later." Zachy said. "Yey! Thank you, babe! You're the best!" I tried to yell because of joy. Syempre acting lang naman ang lahat ng ginagawa ko. Hindi na kasi ako makapaghintay na masira ang image ni Serenity. At habang nagtatrabaho ako kumpanya niya ay unti-unti ko siyang hihilahin pababa. Gusto kong makitang gumuho lalo ang mundo niya kapag pati ang career niya ay bumagsak. To the point na hindi na niya magagawang bumangon ulit kahit may tumulong pang ibang tao sa kanya. Magiging masaya lang ako kapag tuluyan ng naglaho si Serenity sa paningin ko. Hindi ko siya papatayin pero ipaparamdam ko sa kanya na unti-unti siyang mamamatay sa mga palad ko. Matapos namin mag-usap ni Zachy ay nagsimula na kami sa pagsubo ng pagkain namin. At nang i-angat ko ang tingin ko ay nakita ko ang katulong nila na si Elena na panay ang sulyap sa akin. Marami silang maids sa bahay ngunit ang iba sa kanila ay hindi nagagawang pag-chismisan ako dahil binantaan na sila ni Zachy na sisisantihin sila kapag may hindi maganda akong narinig mula sa kanilang mga labi. "Elena, tapos na kaming kumain. Pakiligpit na ang mga ito. Saka paki handa mo na rin ako ng food tray na may lamang pagkain. Ako na ang maghahatid ng pagkain ni Serine tutal meron naman akong kailangan itanong sa kanya," sabi ni Zachy. Napangiti ako nang palihim ng marinig ko ang sinabi niya. At para malaman ko kung akong magiging resulta ng pag-uusapan nila Zachy at ng kapatid ko ay nagpasiya akong sundan si Zachy ng palihim sa kwartong kasalukuyang tinutuluyan ni Serenity. Kumatok lang si Zachy sa pintuan ni Serenity at nang hindi ito nagbukas ng pinto ay nakita kong pinihit ni Zachy ang door knob at bumukas naman ang pinto. Marahan siyang pumasok sa loob at nang masara ang pintuan ng kwarto ay dahan-dahan akong naglakad palapit sa pinto. Dahan-dahan kong pinihit ang sedura para mabuksan ko iyon ng kaunti at para marinig ko ang pag-uusapan nilang dalawa. Nang sinubukan kong sumilip sa silid ni Serenity ay nakita ko kaagad siyang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanyang asawa habang mugto ang mga mata nito. "A-anong kailangan mo sa 'kin? Alam kong may kailangan ka kaya bigla mo na lang naisipan akong dalhan ng pagkain." malamig na tanong ni Serenity. Nakita ko namang napakamot pa si Zachy sa ulo niya saka bahagyang napabuntong-hininga. "I want to ask you for a favor." Agad na tumaas ang kilay ni Serenity. "Favor? Anong klaseng favor naman ang kailangan mo at nag-abala ka pa talagang pumunta sa kwarto ko?" malamig na sagot naman ni Serenity. "Well you see... I want to ask you if you can hire Terine in your company. Alam mo naman sigurong iisa lang kayo ng kursong tinapos. Isa pa ang sabi niya sa akin ay nabo-bored na siya rito sa bahay at gusto niyang makasama ka sa trabaho. Since she's pregnant and I can't look for her when I'm at my work every night it's better if you can be with her everytime."Zachy explained. Agad akong napangiwi ng makita kong biglang natawa si Serenity na parang wala sa sarili at saka binalingan ng matalim na tingin si Zachy. "What the hell? Am I joke to you?! Who do you think I am?! Sa tingin mo ba porke nagmakaaawa ako sa'yo na tumira kayo dito ng kabit mo ay gagawin ko na ang hinihiling mo?! Gusto mo bang ipahiya ako sa mga empleyado ko?!" gigil na sigaw ni Serenity kay Zachy. Napahilot naman sa sintido si Zachy saka muling binalingan si Serenity. "Oh c'mon! Serenity, para namang hindi mo kadugo si Terine! Hindi ka ba naaawa sa kapatid mong buntis?! Kung talagang mahal mo ako pagbibigyan mo ako sa kahilingan ko. Hindi naman mabigat ang hinihiling ko 'di ba?! Gusto ko lang namang alalayan mo ang kapatid mo dahil buntis," halatang naiinis na sabi ni Zachy. Napangisi naman ako dahil sa sinabi ni Zachy. That's right Zachy. You need to provoke her since her weakness is her love for you. "Ginagawa ko ang mga bagay na 'to para sa relasyon nating dalawa! Pumayag akong apakan n'yo ang pride ko matapos kong pumayag na patirahin kayo rito sa pamamahay natin! Tapos ang gusto mo gawin akong babysitter ng kabit mo?! Wala ka na ba talagang pakialam sa sasabihin sa akin ng ibang tao?!" sigaw ulit ni Serenity habang nanginginig ang boses niya. "Ano bang iniisip mo? Sasabihin sa'yo ng ibang tao? Bakit mo iisipin 'yon eh wala namang ibang nakakaalam sa sitwasyon nating tatlo bukod sa mga kasambahay natin dito sa bahay! Wala ka na bang natitirang concern para sa kapatid mo?" seryosong sabi naman ni Zachy. Nakita kong naikuyom ni Serenity ang kamao niya at marahas niyang pinunasan ang luha niyang pumatak sa pisngi niya. Nakipagtitigan pa si Serenity kay Zachy ng masama bago siya muling nagsalita. "Tutal wala ka namang pakialam sa opinyon ko, gawin mo na lang ang gusto mo! Mukha naman kasing nakikipag-usap lang ako sa pader! Pinagsisisihan ko na kung bakit ang bilis kong magpakatanga para lang sa'yo kahit na ang dami-dami namang lalaki na pwedeng mahalin ko at magbibigay ng respeto sa akin!" humihikbing turan niya. Tumaas naman ang kilay ko ng makita kong biglang lumungkot ang mukha ni Zachy matapos niyang makitang umiyak si Serenity. "Fine! Hindi na kita kukulitin. Tutal ikaw naman ang CEO ng kumpanya mo. Sana lang ay hindi mo kalimutan na kapatid mo pa rin si Trinity kahit nakagawa ng kasalanan sa'yo. Ako na lang ang isumpa at kamuhian mo 'wag lang si Trinity." seryosong sabi ni Zachy. "Kamumuhian ko ang gusto kong kamuhian. Wala kang pakialam kung isumpa ko man kayong pareho dahil wala naman kayong alam sa nararamdaman ko! Hindi mo na rin kailangan ipagduldulan sa mukha ko na si Trinity ang mahal mo at hindi ako. Kaya kung tapos ka na ay pwede mo na akong iwan!" malamig na sabi ni Serenity. At dahil nakita kong naglalakad na si Zachy palapit sa pinto ay nagmamadali na akong bumalik sa kwarto namin at saka ako nahiga sa kama. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil alam kong nagtagumpay si Zachy. Alam kong galit si Serenity sa amin pero hindi niya matitiis si Zachy dahil ito ang kahinaan niya. Kaya alam kong bukas na bukas din ay isasama niya ako sa pagpas ok sa trabaho dahil masyadong malambot ang puso niya sa lahat ng paki-usap ni Zachy. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD