CHAPTER 7

1592 Words
Chapter 7: Approval SERENITY VALENTINE'S P.O.V Kinaumagahan ay mabilis din akong bumangon sa higaan ko dahil hindi rin naman ako dinalaw ng antok. Paulit-ulit kasing tumatakbo sa isip ko ang pinag-usapan namin ni Axl. Alam kong sa paningin niya ay masyado akong malambot pagdating sa kanya. Kaya hindi ko inaasahan na hihilingin niya sa akin na ipasok sa kumpanya ko ang kabit niya. Para sa akin ay wala lang sa kanya na maapakan ang pride ko dahil walang-wala na rin naman akong pride na natitira sa sarili ko. Ang hindi ko lang maisip ay kaya niyang magmukha akong tanga para lang sa babaeng iyon. Napatunayan ko rin na handa siyang gawin ang lahat maibigay lang ang kagustuhan ng kabit niya. Ngunit dahil naiisip ko pa rin ang magiging lagay ni Trinity kapag naging mag-isa siya rito sa mansyon ay hindi ko maiwasang isipin. Sa huli ay nagpasiya rin akong pumayag sa hiling ni Axl dahil sa tingin ko ay iyon lang ang paraan para kahit papaano ay mapalapit ang loob ni Axl sa akin. Totoo ngang masyado akong malambot pagdating sa asawa ko dahil sa palagay ko ay simula noon, hanggang ngayon ay sinusunod ko pa rin ang kagustuhan at kahilingan niya. Nang matapos na akong maligo ay mabilis kong sinuot ang office attire ko at saka ko kinuha ang office bag ko. Mabilis akong lumabas ng kwarto at nang makarating ako sa harap ng sala ay natanaw ko kaagad silang dalawa na masayang nag-aagahan na magkasama sa dining area. Muli ay parang pinipiga ang puso ko sa natatanaw ng aking mga mata. Na ano mang oras ay bigla na lang akong mapapaluha dahil hindi ko maatim na makita silang masaya. Habang ako heto nakatanaw lang sa kanila. "Good morning, ma'am! Nagluto na po ako ng agahan n'yo." agad na bati ni Elena sa akin ng makita niya kaagad ako sa entrance ng dining area. Mabilis lang akong umiling at saka ngumiti kay Elena. "Huwag ka na mag-abala, Elena. Dumaan lang ako rito kasi may gusto lang akong sabihin sa kanila." Hindi naman nakapagprotesta pa si Elena at sinunod na lang ang sinabi ko. Nakita ko namang mabilis na nahinto sa pagkain ang dalawa habang mataman na nakatingin sa akin pareho. "Pinag-isipan kong mabuti ang hinihiling mo sa aking pabor kagabi, Axl. Pumapayag na akong ipasok sa kumpanya ko si Trinity sa isang kondisyon. Huwag na huwag siyang gagawa ng kahihiyan sa kumpanya ko dahil kung hindi siya makikinig sa akin ay mapipilitan akong tanggalan siya ng trabaho." malamig na sabi ko habang pinapatapang ang boses ko. Nakita ko namang biglang lumiwanag at nanlaki ang mga mata ni Trinity at mukhang natuwa ito sa narinig niyang sinabi ko. "Waah! Oh my gosh! I'm so happy, babe! Sa wakas makakapag trabaho na ako bilang fashion designer!" tuwang-tuwa na turan ni Trinity kay Axl habang nakayapos siya sa lalaki. Narinig ko naman na napatikhim si Axl habang tinutugunan ang yakap ni Trinity. At dahil dun ay wala akong ibang magawa kundi ang mag-iwas ng tingin para hindi ako masaktan sa nakikita ko. "Kung tapos na kayong mag-almusal, mas maiging magsimula na rin siyang magbihis para maipakilala ko na rin siya mamaya sa mga empleyado ko," mahina ngunit malinaw na sabi ko bago ko sila tinalikuran at saka ako naglakad papunta sa sofa sa may sala saka naupo. Naisandal ko na lamang ang aking ulo sa head rest ng sofa dahil naramdaman ko ang pagkirot ng aking ulo. Pakiramdam ko ay naaapektuhan na ang katawan ko sa kakulangan sa tulog. Malalim akong napabuntong-hininga dahil maski ako ay hindi makapaniwala sa mga ginagawa ko. Hindi ko kasi na-imagine ang sarili ko na isasakripisyo ko ang lahat para kay Axl. Kahit ang sarili kong kalusugan at kasiyahan. Ang hindi ko lang mai-alis sa isip ko ay kung paano ko sasabihin sa mga magulang ni Axl na nabuntis niya ang kapatid ko. Matagal na rin kasi simula ng huli kaming nakita at nagka-usap. Nag-aalala ako dahil baka paboran nila si Trinity kapag nalaman nila na hanggang ngayon ay wala pa rin kaming anak ni Axl. Ang masaklap pa dun ay naunahan ako ng impakta kong kapatid. Kaso ano pa bang magagawa ko. Nasanay na rin naman ako na walang ibang tao na pumapabor sa akin kaya naisip kong gagawin ko na lang ang pwede kong gawin habang kasal pa rin kami ni Axl. Hihintayin ko na lang siguro 'yung araw na ako na lang mismo ang mapagod sa relasyon namin. Ayoko pang bumitaw kasi ayokong may pagsisihan sa huli. Hindi ko rin magagawang bitawan si Axl nang ganun-ganun lang dahil ilang taon ko rin siyang minahal. At hanggang ngayon ay mahal ko pa rin kahit na sinasaktan at niloloko niya na lang ako. Sa ngayon tutulungan ko na lang muna siya sa gusto niya. Kahit pa ang ibig sahihin nun ay tapakan ko ang pagkatao ko. Hindi naman nila ako masisisi kung bakit nagbubulag-bulagan at nagpapakatanga ako sa asawa ko dahil wala naman sila sa sitwasyon ko para diktahan ako. Maiintindihan lang ng ibang tao ang kalagayan ko kung sila ang nasa katayuan ko. Buong buhay ko kasi ay si Axl lang ang bukod tanging lalaki na minahal ko kaya mahihirapan akong bitawan siya kahit nasusugatan at nasasaktan nako ng sobra. Gusto kong masabi sa sarili ko na atleast sa huli ay pinaglaban ko siya. Hindi mo naman kasi masasabi na mahal mo ang isang tao kung hindi mo siya kayang patawarin at ipaglaban. Gagawin ko na lang ang alam kong makakapagpalapit sa amin ni Axl. At kapag hindi pa rin ako nagtagumpay sa pag-ibig niya sa akin ay susuko na lang din siguro ako kalaunan. Lahat naman siguro ng tao ay napapagod. May limitasyon din ako. Hindi ko nga lang alam kung hanggang kailan ko sila matitiis na dalawa. Sana lang ay maging maayos ang lahat sa pagitan namin ni Axl habang hindi pa huli ang lahat. Gusto ko pang sumaya kami kung magkakaroon man ng pagkakataon na pumabor sa akin ang tadhana at sa huli ay piliin din ako ng asawa ko. "Ate, tapos na akong magpalit. Aalis na ba tayo?" nakangiting tanong ni Trinity na hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala. Nakita ko naman si Axl na nakatayo rin sa harapan ko kasama ang kabit niya. Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo saka nagsimulang maglakad palabas ng pinto. "Ihahatid ko na kayo." pagpiprisinta ni Axl kaya hindi na lang ako kumibo. Mabilis kaming sumakay sa sasakyan ni Axl. At dahil ako naman talaga palagi ang nakaupo sa tabi ni Axl ay walang ibang nagawa si Trinity kundi ang maupo sa backseat. "What are you doing? Why didn't you seat back there?" Axl asked me in annoyance. I immediately raised my eyebrow when I heard him say that to me. "Why would I have to sit back there? I am your wife, and this has always been my seat. Oh, baka naman gusto mong may pag-usapan ang mga empleyado ko, umagang-umaga?" Nakita kong bumuka pa ang bibig ni Axl ngunit sa huli ay pinili niya na lang na manahimik. Napairap na lamang tuloy ako sa hangin dahil muli ko na namang naramdaman ang pagkirot ng ulo ko. "Just focus on driving for now. Saka ka na mag-inarte kapag hindi n'yo na ako kasama." inis na sabi ko saka mabilis na sinandal ang ulo ko seat. Tahimik ko na lang na tinanaw ang tanawin sa labas ng bintana ng sasakyan ni Axl. Hindi ko naman namalayan na nakatulog pala ako habang nabyahe kami. Kaya nang makarating kami sa kumpanya ko ay agad naman akong bumaba ng sasakyan saka malakas na sinara ang pintuan ng kotse. Nakita ko pa kung paanong inalalayan at pinagbuksan ni Axl ng pintuan si Trinity. At dahil dun kaya napatingin pa ako sa paligid ng parking lot kung may ibang tao na nakakakita sa amin. "Pwede ka na umalis. Ako na ang bahala kay Trinity," malamig na sabi ko saka nagsimulang maglakad papasok ng building. Mabilis lang na kumaway si Trinity kay Axl bago tuluyang sumunod sa akin papasok ng building. Nang makapasok kami sa elevator ay hindi naman tinangka ni Trinity na magsalita kaya kahit paano ay nakahinga ako nang maluwag. At nang makarating kami sa Design Department ay nakita ko namang nagsitayuan ang mga empleyado ko. Mabilis lang nila akong binati kaya sumenyas din ako sa kanila na bumalik sa pagkakaupo. "Guys, simula sa araw na ito ay may makakasama n'yo na magtrabaho si Trinity sa Department n'yo. Alalayan n'yo na lang siya sa magiging trabaho niya. At dahil Trainee pa lang siya dito sa Department n'yo mas maigi na rin siguro kung pagtuunan muna ng Manager n'yo ang pagte-train sa kanya." paliwanag ko kaya mabilis din na umingay ang paligid. "Betty, dahil ikaw ang Manager sa department n'yo ay ipagkakatiwala ko muna sa'yo ang trainee natin. Puntahan mo na lang ako sa office ko para balitaan kung magagawa ng trainee ang trabaho niya." nakangiting bilin ko pa kay Betty. "Yes, ma'am! Makakaasa po kayo na pag-iigihan ko ang pagte-train sa kanya," nakangiting sabi ni Betty kaya tumango na lang ako saka nagsimulang umalis sa Design Department. Nang makarating ako sa opina ko ay kaagad akong bumagsak paupo sa swivel chair ko saka marahang napahilot sa aking sintido. Hindi pa rin kasi tumitigil sa pagkirot ang ulo ko kaya naisip ko na lang na umidlip muna para makabawi ng tulog. Isa pa ay hindi pa naman dumadating si Bryce kaya n aisip ko na mas mabuti pa kung magbabawi muna ako ng tulog bago ako magsimulang magtrabaho. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD