Chapter 8: Plan
SERENITY VALENTINE'S P.O.V
"Serenity..." dinig kong tawag sa akin ni Bryce bago ako napamulat ng mga mata.
Nakita ko ang mukha niyang nag-aalala kaya naman mabilis akong umayos ng pagkakaupo ko.
"N-nandito ka na pala? Pasensya na nakatulog pala ako." mabilis na sabi ko na lang.
"What happened? You look like you're not getting enough sleep. Look at those eye bags under your eyes," Bryce told me in concern.
"Bryce, pwede bang maupo ka muna? I want to tell you something," I immediately replied.
Mabilis namang umupo si Bryce sa harapan ng table ko at nakita kong seryoso pa rin siyang nakatingin sa akin.
"Before you start telling me something. I wanted to ask you something," Bryce said.
"Okay, sure." I answered.
"Who's the new employee in the Design Department?" Bryce seriously asked me.
"Ah! About that I forgot to tell you earlier. The new employee is Trinity my younger sister. Hindi ko alam kung gaano katagal na siyang nakauwi ng pinas." sabi ko naman.
Marahan namang tumango si Bryce. "Bakit mo naisipang ipasok siya rito sa kumpanya mo? I thought you hated your sister?"
I began to clenched my fist before taking a deep breath. Napatitig pa ako sa kawalan dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay Bryce na iyong kinaiinisan niyang asawa ko ay nagawa akong lokohin.
"Actually it's my husband's request. Gusto niyang ipasok ko sa kumpanya si Trinity dahil alam niyang walang magbabantay sa mag-ina niya," mapait na turan ko at napatingala pa ako para pigilang mapaluha.
Agad namang lumikha ng ingay si Bryce dahil sa biglaan niyang pagtayo sa kanyang upuan. Kitang-kita ko ang pagkunot ng kanyang noo at hindi maitagong galit sa kanyang mga mata.
"What the f*ck did you say? Tama ba ako ng narinig o nabibingi lang ako?" halatang galit na sabi ni Bryce sa akin.
Napalunok pa ako bago makasagot sa tanong niya. "Tama ka ng dinig, Bryce. Axl is cheating on me with my sister. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nabuntis niya si Trinity matapos kong makita ang ultrasound result ng kapatid ko."
Nagulat ako ng makita kong naglakad palapit sa akin si Bryce at mabilis akong niyakap habang nakatayo siya at ako naman ay nakaupo.
"Sh*t! Sinasabi ko na nga ba! Tama talaga ang hinala ko sa asawa mo! Sa paraan pa lang ng pakikitungo niya sa'yo alam ko ng may mali, eh!" galit na sabi ni Bryce.
At dahil naramdaman ko ang paghaplos niya sa likuran ko ay hindi ko na napigilan ang mapaiyak. Hindi ko talaga mapigilan ang emosyon ko sa tuwing si Bryce ang nagko-comfort sa akin.
Tanging si Bryce at Ivy lang kasi ang nakakaunawa sa akin. Kung wala silang dalawa hindi ko na siguro alam ang gagawin ko. Maswerte pa rin ako na may mga taong hindi umaalis sa tabi ko.
"Just cry all you want, Serenity. I'm sorry if I'm not there when you need me," Bryce said softly.
Hindi ko na napigilan na mapahagulgol dahil alam kong nag-aalala si Bryce para sa akin. Na kahit anong mangyari sa akin ay hindi niya ako iiwan dahil kaibigan ko siya.
"N-nung nalaman mong niloloko ka ng asawa mo anong ginawa mo?" nag-aalalang tanong ni Bryce.
Kaya mabilis kong kinuha ang tissue sa table ko saka ko marahang pinunasan ang luha ko bago ako tumingala kay Bryce.
"Gusto niyang makipag-divorce sa akin. At dahil mahal ko siya at ayokong tuluyan silang sumaya ng kabit niya hindi ako pumayag! K-kahit na ang ibig sabihin pa nun ay kailangan kong magtiis na makasama sila sa bahay. M-mas gugustuhin ko pang matapakan nang tuluyan ang pride ko kaysa makita silang masaya!" paliwanag ko.
Nakita ko naman na nag-igting ang panga ni Bryce at saka siya napahilot sa sintido niya. Alam ko kasing naiinis si Bryce sa ginawa ko dahil ako pa rin ang lugi sa kanila.
"Ano namang balak mo at pinayagan mo pang makasama sa trabaho ang kabit ng asawa mo?" sinubukang itanong sa akin ni Bryce sa kalmadong paraan.
"Gusto kong pahirapan si Trinity kahit sa trabaho lang. Sapat na sa akin na makaganti sa kanya sa way ng pagtatrabaho niya," seryosong sabi ko naman.
Napalunok pa si Bryce at hindi na nagsalita pa. Pakiramdam ko ay sinusubukan na lang ni Bryce na unawain ang desisyong ginawa ko.
"Kung ano man ang desisyon mo susuportahan ko. Huwag lang sana umabot sa puntong labis mo nang nasasaktan ang sarili mo. Dahil kapag nangyari iyon, hindi ko na alam kung anong magagawa ko sa asawa mo at sa kabit niya!" seryosong turan sa akin ni Bryce.
"Maraming salamat, Bryce." nakangiting sabi ko naman.
Pagkatapos nun ay bumalik na si Bryce sa harapan ng table ko at saka siya nagsimulang i-discuss sa akin ang mga pinaplano niyang project.
***
Nang matapos namin pag-usapan ni Bryce ang next project namin ay agad naman akong sinamahan ni Bryce palabas ng opisina ko.
"Pupunta ka ba sa Design Department?" tanong ni Bryce sa akin.
Tumango lang ako sa kanya bilang tugon saka kami dire-diretsong naglakad patungong Design Department. At nang makarating kami doon ay nakita ko namang busy ang mga employees ko sa pagtatrabaho.
"Betty!" tawag ko kay Betty na mabilis namang lumapit sa akin. "Kamusta ang bagong empleyado?"
"Ayos naman ma'am..." sabi ni Betty habang nakangiti kaya tumango lang ako saka nilapitan si Trinity.
Unang training kasi na pinagawa ko kay Trinity ay ang pagii-sketch ng design sa mga gown at dresses na gagawin namin.
"Trinity, pwede ko ba makita ang mga samples na ginawa mo?" seryosong sabi ko kay Trinity ng makarating ako sa desk niya.
"Ah, ito nga pala iyong mga natapos ko na." nakangiting sabi ni Trinity saka binigay sa akin ang sketch book niya.
Nang maabot ko ang sketch book niya ay mabilis ko iyong tiningnan. At dahil nasa likuran ko si Bryce ay nakita kong tinitingnan niya rin ang mga gawa ni Trinity.
Imbis na matuwa ay nadismaya ako sa mga gawa ni Trinity dahil hindi ko alam kung siya ba talaga ang gumawa ng mga nasa sketch book niya.
"Lahat ito gawa mo?" kumot-noong tanong ko.
Tumango naman ng mabilis si Trinity at nakita ko ang ibang employees na napatingin sa amin. Napabuntong-hininga naman ako.
"I'm going to be honest. All of your sketch designs are plain and boring. Wala akong nakita ni-isa sa mga gawa mo na magugustuhan ng mga customers. Alam kong nag-aral ka pa sa ibang bansa ng pagiging fashion designer pero hindi ko akalain na madidismaya pa rin ako sa gawa mo. To be honest, hindi ko alam kung paano ka naka-graduate." hindi ko napigilang sabihin kay Trinity.
Kaya mabilis na napasinghap ang mga kasamahan ni Trinity sa Department at saka nagbulung-bulungan ang mga ito.
"Hindi naman sa pinapahiya kita or what, ah? Gusto ko lang na malaman mo bilang CEO ng kumpanyang ito na dapat maging creative ka." dagdag ko pa.
Mabilis naman akong sumenyas kay Betty na ibigay ang mga sketch book nila sa akin at agad namang inabot ni Betty iyon sa akin. Binuklat ko ang isa sa mga gawa nila saka ko iyon pinakita kay Trinity.
"Ganitong klase ng mga designs lang ang tinatanggap namin sa kumpanya. Pinaka-ayaw kasi ng mga customers iyong magmumukha silang plain. Be elegant, you know?" sabi ko ulit.
Nakita ko kung paanong natameme si Trinity at naikuyom ang kamao niya. Akala siguro niya ay madali lang ang magiging trabaho niya kapag napili niyang pumasok sa kumpanya ko.
"Serenity is right. Kung gusto mong tumagal sa kumpanyang ito hindi dapat ganyan ang mga designs mo. Lahat ng mga designer namin ay elegante at mga creative. Hindi ka tatagal dito kung puro ganyan ang mga gawa mo." seryosong sabi naman ni Bryce kay Trinity.
"P-pag-iigihan ko na lang sa susunod. Pasensya na, ngayon pa lang kasi ako nakapasok sa Designer company kaya h-hindi ko alam." nanginginig ang boses na sagot naman ni Trinity.
"Sana may improvement ka na sa susunod," malamig na sabi ko naman sa kanya bago nagsimulang maglakad palabas.
Hindi kami kaagad umalis ni Bryce sa tapat ng department dahil hinintay ko muna kung anong sasabihin ng mga kasama ni Trinity sa kanya.
"Ba't pa kasi siya pumasok bilang Designer sa company na 'to kung wala naman pala siyang maipagmamalaking mga design? Mapapahiya lang siya kay ma'am Serenity!"
"Oo nga, eh! Paano kaya siya nakapasok sa company na 'to? Ang hirap kaya makapasa sa interview!"
"Balak yata niyang ibagsak ang company. Hindi niya ba alam na sikat ang company natin dahil sa mga gawa natin."
"Akala niya ba madali lang ang pagiging Designer?"
Narinig kong sabi ng mga kasama ni Trinity kaya bahagya akong napangiti. Nakita ko namang napangiti rin si Bryce sa reaksyon ko bago kami muling nagsimulang maglakad palayo sa Design Department.
Huwag umasa si Trinity na magiging mabuti ako sa kanya dahil lang hiniling ni Axl na ipasok ko siya sa kumpanya. Dapat alam niya na hindi magiging madali ang trabaho niya sa company ko dahil makakaganti lang ako sa kanya kapag napahirapan ko siya sa mga ginawa nila ni Axl sa akin.
Ayokong ibaba pa lalo ang pride ko sa kanila dahil tao pa rin ako. May nararamdaman ako at kapag sumabog ako hindi ko na kasalanan kung anong magagawa ko sa kanila.
Pagtitiisan ko lahat hangga't kaya ko pa. At kapag dumating ang araw na napagod ako sa pag-intindi sa kanila. Bahala na sila.
---