Prologue: The Beginning
SERENITY VALENTINE'S P.O.V
Nananakit man ang ulo ko dahil sa puyat ay pinilit ko paring magtrabaho dahil kailangan kong mai-release ang mga gown na pinagawa sa akin ng mga clients ko.
At dahil CEO ako ng SERINE Creations Company ay kailangan kong pag-igihan ang trabaho ko para na rin hindi masayang lahat ng mga pinaghirapan ko.
"Ito oh, magkape ka muna. Wala ka pa rin bang balak umuwi?" nag-aalalang tanong sa akin ni Bryce matapos nitong ilapag sa table ko ang tasa ng kape na tinimpla niya.
"Salamat, Bryce. Pasensya ka na kung naabala kita ah? Gustuhin ko mang magpahinga, hindi pa rin pwede dahil may hinahabol kasi akong schedule," stress na stress na sabi ko saka napabuntong-hininga.
"Alam ko namang dedicated ka sa trabaho mo pero huwag mo naman sanang abusuhin ang katawan mo, Serenity." sabi ni Bryce dahilan para matigilan ako sa ginagawa ko.
Napahawak ako nang mahigpit sa hawak kong tape measure saka ako napatingala at saka napabuntong-hininga. "I know, Bryce. Hindi mo naman siguro ako masisisi kung gusto ko lang namang maging proud sa akin si Axl."
"Yun na nga, Serenity. Sa kagustuhan mong maging proud sa'yo ang asawa mo, tingnan mo ang nangyayari sa kalusugan mo! Napapabayaan mo na ang sarili mo kakaisip kung paano mo makukuha ang atensyon ng asawa mong wala namang pakialam sa'yo!" tumaas pa ang boses ni Bryce sa akin matapos sabihin iyon kaya naman pabalang kong nilapag ang tape measure sa table ko.
"Bryce! You're crossing the line there! Oo alam ko na kahit anong pagsusumikap ko ay wala akong mapapala! Oo, alam ko na sa loob ng apat na taong pagsasama namin ni Axl ni-minsan ay hindi man lang niya ako pinansin, pero masisisi mo ba ako kung mahal na mahal ko ang asawa ko kaya ginagawa ko ang mga bagay na 'to?" mariing sabi ko.
Nakita ko namang napaiwas siya ng tingin sa akin saka napalunok bago huminga nang malalim.
"Sige, hindi na ako makikipagtalo sa'yo. I'm sorry if I hurt your feelings, but that's not my intention, okay? I want you to think about your health," Bryce said in concern.
"Thank you. I know you care about me, but I can take care of myself. You don't have to worry about me," I said in a low voice. Pagkatapos nun ay tinalikuran ko na siya.
"Sige, mauuna na ako. Text me if you need help or something, okay?" sabi na lang ni Bryce sa akin bago ito naglakad palabas ng opisina ko.
Nanghihina naman akong napaupo ng makalabas na nang tuluyan si Bryce. Napahilot din ako sa sintindo ko dahil nakaramdam na naman ako ng pananakit ng ulo ko.
Kaya nang makapagdesisyon ako ay napili ko na lang na umuwi na. Nagpaalam lang ako sa secretary ko na uuwi na ako bago ako pumunta ng parking lot at sumakay sa kotse ko.
Nang makasakay ako ng sasakyan ay mabilis kong binuksan ang makina ng kotse ko saka ko iyon minaneho pauwi sa amin. At dahil gabi na akong bumyahe ay wala na masyadong traffic sa daan.
Ilang sandali lang akong nagmaneho at nakarating din naman agad ako sa mansyon namin ng asawa ko. Mabilis naman akong pinagbuksan nang gate ng guard namin sa bahay.
"Good evening ma'am!" bati sa akin ni Manong na nginitian ko lang saka ako nag-park ng kotse sa garahe.
Napahinga pa ko nang malalim dahil naramdaman ko ang pananakit ng balikat ko nang makababa na ako sa sasakyan ko. Kaya naman naglakad na ako papasok ng bahay namin para makapagpahinga na rin.
"Ma'am!" taka naman akong napatingin sa katulong naming si Elena ng tawagin niya ako.
Mukha itong hindi mapakali at hindi rin makatingin sa dalawang mata ko at parang may gusto itong sabihin ngunit nag-aalinlangan siya.
"Elena? Asan si Axl?" seryosong tanong ko kay Elena at nakita ko namang napayuko siya lalo.
"Elena? Where's my husband?" I asked her again and hoping that she would answer my question.
"A-ahh, ma'am... N-nasa taas po si Sir..." mahinang sagot naman ni Elena kaya naman tumango ako.
Mabilis naman akong naglakad paakyat sa kwarto namin dahil umaasa akong nandun si Axl at naghihintay sa akin. Kaya nang makarating ako sa tapat ng kwarto namin ay pinihit ko kaagad ang sedura ng pintuan at nang magbukas iyon ay pumasok ako ng nakangiti ngunit agad ding naglaho ang ngiti ko.
"Axl? T-Terine?" hindi makapaniwalang sabi ko.
Bigla na lang nanikip ang dibdib ko at nanuyo ang lalamunan ko dahil sa nasaksihan ko. Kitang-kita lang naman ng dalawang mata ko ang magkatabing si Axl at ang kapatid kong si Trinity.
Mga nakatalukbong pa sa kumot at pareho pa silang nakahiga sa higaan namin ng asawa ko. Mahigpit kong naikuyom ang kamao ko at saka ako napatawa nang pagak.
"What the hell is the meaning of this?!" I said in anger.
Mabilis namang tumayo si Axl sa kama at nakita kong sinuot niya pa ang roba niyang nakakalat lang sa sahig saka marahang lumapit sa akin.
"Don't make a scene here, Serine." my husband said emotionless.
Kaya imbis na sumunod sa sinabi niya ay mas gusto kong magwala lalo. Maski ba naman sa pagkakataong ito ay ipapakita niya sa akin na parang wala siyang pakialam na nahuli ko siyang nambababae?!
Ang masakit pa dun ay niloloko ako ng asawa ko kasama ang kapatid ko! Kaya naman nang maramdaman kong nagbabadyang lumuha ang mga mata ko ay napatingala ako.
"Anong ginagawa ni Terine sa kwarto natin, huh?!" mariing sabi ko ngunit hindi makatingin kay Axl.
"Can we talk somewhere?" Axl asked me earnestly.
At bago pa man ako makasagot sa sinabi niya ay nauna na siyang lumabas ng silid namin. Kaya sinulyapan ko muna si Trinity bago ako sumunod kay Axl palabas ng kwarto at nang makita ng kapatid ko na nakatingin ako sa kanya ay mabilis naman siyang nag-iwas ng tingin.
Kaya nagpasiya na lang akong sumunod palabas kay Axl at nakita ko namang bumaba siya sa sala namin. Sinundan ko naman siya sa sala at nang makarating kami dun ay mabilis naman akong hinarap ni Axl.
"Now, answer my question, Axl. What are you two doing in our bed?" I calmly asked him.
"Let's get divorced," he said boldly.
Para akong nabingi sa sinabi niya at mabilis naman na nanlaki ang mga mata ko, saka ako napakagat sa ibabang labi ko habang nakakuyom ang mga kamao ko.
"W-what did you say?" I said in disbelief.
"I said let's get divorced. Did you not get it?" he seriously said.
At dahil muling sinabi ni Axl ang mga katagang iyon ay kusa na lang na lumipad ang mga kamay ko at saka iyon lumapat sa mukha niya. Maski ako ay nabigla ng ma-realize kong nasampal ko siya.
"What the hell? What kind of joke is this?! Sa tingin mo ba laro lang ang kasal natin, Axl?! Ganun lang ba kadali sa iyo na makipaghiwalay sa akin, huh?!" sigaw ko sa kanya kaya naman nakita kong masama niya akong tinitigan.
"Para saan pa ba na kasal tayo kung hindi naman kita mahal?" walang emosyong sabi niya sa akin.
At kahit na salita lang ang binitiwan niya ay para akong sinampal ng katotohanan. Bigla na lang akong sumabog at hindi ko na napigilan ang mga mata kong lumuha.
Putcha! Ang sakit naman ng sinabi niya! Ang sakit palang marinig mula sa lalaking mahal mo na hindi ka niya mahal. Hindi ko masukat ang sakit na nararamdaman ko ng mga sandaling 'to dahil sobrang bigat ng pakiramdam ko.
Halos hindi ako makahinga at hindi ako matigil sa paghikbi dahil sapat na ang sinabi niyang iyon para masaktan ako ng sobra.
"F*ck you! For four years, Axl? Apat na taon na tayong kasal tapos ngayon mo lang sasabihin sa akin na hindi mo ako mahal?! M-mukha ba akong laruan sa'yo?!" galit na sigaw ko sa kanya at nakita ko namang hindi siya makatingin sa mga mata ko.
At dahil sa pagod na naramdaman ko ay bigla na lang akong nanghihina na napaupo sa sahig saka marahas na pinunasan nang paulit-ulit ang luhang nahuhulog galing sa mga mata ko.
"S-sana pinatay mo na lang ako..." mahinang sabi ko pa.
Narinig ko namang napabuntong-hininga si Axl. "Hindi ako mamamatay tao para patayin ka, Serine. Alam mo naman noong una pa lang na hindi kita mahal 'di ba? Sinunod ko lang naman ang gusto ng mga magulang ko na pakasalan ka at pinagtiisan kong matali sa'yo. Pagod na akong magpanggap na masaya sa pagsasama natin dahil hindi naman talaga ako masaya sa'yo,"
"Kung hindi ka masaya sa akin bakit ka pa nagtiis!" sigaw ko sa kanya. "Dahil iyon ang gusto ng kapatid mong gawin ko. Mahal ko si Terine kaya pumayag ako," mabilis niya namang sagot sa akin.
At dahil sa sinabi niyang iyon ay agad akong natigil sa pag-iyak at pinilit kong mag-loading ang utak ko para maintindihan ko ang sinabi niya.
So, all this time pala ang mahal niya ay si Terine at hindi ako? Na kaya lang siya nanatili bilang asawa ko dahil iyon din ang utos ni Terine sa kanya?
"G-gaano mo ba siya kamahal para sundin ang gusto niya?" hindi ko napigilang sabihin at pumiyok pa ako sa huli.
"Sobra. She's my first love and my love for her never dies. So, please let me go, Serine. Ayoko na masaktan ka pa nang dahil sa akin. Kung mahal mo ako hahayaan mo ako sumaya sa babaeng mahal ko," seryosong sabi naman ni Axl.
Nang araw na iyon ay isa lang ang na-realize ko. Gumuho na pala ang mundo ko ng hindi ko namamalayan. At naisip ko rin na never sa tanang buhay ko na may pumili sa akin.
Our parents love Trinity more than I. In comparison, this is me always being left out. Always and never chosen by someone I loved.
---