Chapter 9: Complaint
ZACHARY AXL'S P.O.V
"Ibang klase ka, pre! Sigurado ka na pinagsama mo talaga ang asawa't kabit mo sa iisang bubong?" natatawa pa si Jason ng sabihin iyon. "Tapos pinagsama mo pa talaga sila ngayon sa iisang kumpanya? Ang malala pa dun, kumpanya pa ng asawa mo?" napailing pa na dagdag ni Jason.
"Pwede bang tigilan mo ang pagtawa mo kay Terine na kabit! Isa pa, oo magkakasama nga kami ngayon sa mansyon. Hindi ko naman kasalanan kung bakit nakatira kami sa iisang bubong, noh! Si Serenity ang nagmakaawa sa akin na huwag kaming maghiwalay at papayag siyang magkasama kaming tatlo sa bahay!" paliwanag ko saka ininom ang martini sa baso ko.
"Hanep ka talaga, pre! Iba talaga kapag maraming chix, noh! Sa tingin mo naman ba tatagal ang dalawang babae na magkasama sa iisang bahay? Baka malingat ka lang sandali nagsasabong na iyong misis mo at iyong kapatid niya," sabi naman ni Xavier.
"Sa totoo lang alam ko naman na imposible silang magkasundo. Serenity's in love with me and I love Trinity. Sa sitwasyon namin alam kong kumplikado ang lahat." sabi ko naman sa kanila.
Kasunod nun ay naramdaman ko ang pagtapik ni Daniel sa balikat ko. "Kailangan mo kasi mamili sa kanila, pre. Sino bang gusto mo makasama? Para sa akin kasi, kung itutuloy mo itong sitwasyon n'yo. Maaring pareho mo na pala silang nasasaktan."
Napabuntong-hininga na lang ako saka muling napalagok ng martini sa baso. Nag-igting rin ang panga ko kakaisip sa sinabi ng mga kaibigan ko lalo na ang payo ni Daniel.
Inaamin ko na minsan ay naaawa ako kay Serenity. To be honest, hindi naman siya naging pabayang asawa sa akin. Hindi nagkulang si Serenity sa akin dahil sa loob ng ilang taon na pagsasama namin, kahit ilang beses ko siyang tinaboy ay bumabalik lang siya sa akin nang paulit-ulit.
Ngayong masaya na ako ang gusto ko lang ay sumaya na rin si Serenity. Kapag nakikita ko kasi ang lungkot sa mga mata niya sa tuwing nagkikita kami ay hindi ko maiwasang makaramdam ng awa at guilt sa kanya.
Hindi sana kami aabot sa sitwasyong 'to kung natutunan ko siyang mahalin. Kaso kahit anong pilit ko sa sarili kong tumingin sa kanya ay paulit-ulit lang akong napapatingin sa gawi ni Trinity.
Kaya nga nagawa kong maghintay ng ilang taon sa pagbabalik ni Trinity. Mahirap kasing burahin ang pagmamahal ko para kay Trinity kaya hindi ko magawang maging mabuting asawa kay Serenity.
Mas maigi sana kung hindi niya na lang nalaman na niloloko namin siya ni Trinity dahil alam ko kung gaano kasakit iyon para sa side niya. Hindi naman ako manhid para hindi malaman iyon.
Kahit gusto kong i-abot ang kamay ko kay Serenity para tulungan siyang bumangon ay hindi ko magawa. Lalo na't alam kong ako ang dahilan kung bakit siya nalulugmok at pilit na bumabagsak.
That's why I decided to ask her for divorce. Hindi ko naman inaasahan na hindi siya papayag at magmamakaawa pa sa akin na mag-stay kahit pa na ang ibig sabihin nun ay magsasama kaming tatlo sa iisang bahay.
Hindi ko ginusto na umabot kami sa ganitong sitwasyon. Natatakot lang kasi ako sa mga posibleng mangyari kapag hindi ko pinagbigyan si Serenity sa kahilingan niya.
At dahil g*go ako, pumayag ako sa gusto niya na mag-stay kami ni Trinity sa mansyon. Kahit na alam kong magiging dahilan iyon para araw-araw na maging miserable si Serenity sa buhay niya.
"Alam mo, Zach? Napakaswerte mo na sa asawa mo. Kaso nga lang ungas ka, eh! Bakit kasi hindi mo na lang magawang maging kuntento sa asawa mo? Bakit niloko mo pa iyong tao kahit naging mabuting asawa naman siya sa'yo?" sabi ni Romel.
At dahil sa sinabi niyang iyon ay mas lalong lumaki ang guilt na nararamdaman ko. Kung pwede nga lang na ilipat ko kay Serenity ang pagmamahal na nararamdaman ko para kay Trinity ay baka ginawa ko.
Alam ko kasi na mabuting asawa si Serenity. Kaya hindi ko pa rin maisip kung bakit nagsisisi pa rin ako pinakasalan ko siya. Siguro ay nagsisisi ako dahil hindi nagawang maging masaya ni Serenity sa marriage life namin.
"I know because I can say that Serenity is really a good wife for me. But I can't accept her as my wife because she don't deserve someone like me. Also, I don't deserve her to be my wife because she's too good for me." I replied.
Narinig ko namang napahinga nang malalim ang mga kaibigan ko. Hindi na rin sila nagsalita pa at nagpatuloy na lang kami sa pag-iinuman namin.
Nang makauwi ako sa mansyon ng alas-tres ng madaling araw ay nakita kong bukas pa rin ang ilaw sa kwarto namin ni Trinity. Kaya mabilis akong umakyat patungo sa kwarto namin.
Marahan kong binuksan ang pintuan at agad na kumunot ang noo ko ng marinig kong humihikbi si Trinity. Dahan-dahan akong naglakad palapit kay Trinity sa kama at nakita ko namang bigla siyang napaupo sa kama at saka napayakap sa akin.
"Babe!" she called me.
I slowly wiped her tears. "Why are you crying babe?"
"B-babe..." she sobbed.
"Why? What's the problem, huh? Please tell me so I could know what to do," I comforted her.
"P-paano kasi kanina sa kumpanya... N-napahiya ako, babe! G-ginawa ko naman nang maayos ang trabaho ko p-pero ang sabi sa akin ni Ate ipapahiya ko lang daw ang kumpanya niya k-kung hindi ko pa pag-iigihan. A-ang sakit lang babe! L-lahat ng kasama ko pinag-uusapan at kinakahiya ako!" nahihirapang sabi niya sa akin kaya agad na nag-igting ang panga ko.
"Let me talk to your sister," I told her in a cold voice.
Pagkatapos ay mabilis akong lumabas ng kwarto namin at saka ako naglakad patungo sa silid kung saan natutulog si Serenity. Hindi ko maipaliwanag ang galit na nararamdaman ko dahil sa ginawa niyang pagpapahiya kay Trinity.
Nang makarating ako sa harap ng kwarto niya at agad kong kinalampag ang pintuan ni Serenity. Hindi ako tumigil hanggang sa nakita kong binuksan niya ang pintuan.
Napakusot pa siya ng mata niya at saka kunot-noong napatingin sa akin. Napatingin pa siya sa magkabilang gilid namin bago niya ako pinagtaasan ng kilay.
"Anong problema mo at ang aga-aga mo namang mambulabog ng natutulog?!" inis na tanong niya sa akin.
"Totoo bang pinahiya mo si Terine?" malamig ang boses na balik tanong ko sa kanya.
"Kung totoong napahiya ko siya ano naman iyon sa'yo? Nakalimutan mo na bang ako ang CEO ng kumpanyang pinasukan niya? Natural lang na mapapahiya siya kung hindi niya ginagawa ng tama ang trabaho niya!" mariin namang sagot niya.
At dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi niya ay hindi ko namalayan ang sariling napasuntok sa pader sa gilid ng ulo niya. Nakita kong napatalon pa siya sa gulat at napatakip sa ulo niya.
"A-are you insane, Axl?!" she yelled at me.
Mabilis kong binaba ang kamao kong nasuntok ang pader saka ko siya matalim na tiningnan.
"Di ba binalaan na kita? Hindi ko pinapasok si Terine sa kumpanya mo dahil gusto kong saktan mo siya! Kaya ko nagmakaawa sa'yo na ipasok siya sa trabaho dahil gusto ko siyang sumaya! Pero anong ginawa mo? Pinahiya mo siya! Alam mong buntis si Terine pero nagawa mo pa rin siyang saktan!" galit na singhal ko sa kanya.
Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Serenity at napansin ko rin ang pamamasa nito. Kasabay nun ay napatawa siya nang pagak at saka umiling-umiling.
"N-nagpapatawa ka ba? Sana bago mo naisip na pagsamahin kami ng kabit mo, naisip mo man lang sana kung anong mararamdaman ko! S-sa tingin mo ba masaya akong araw-araw kong nakikita ang kabit mo sa tuwing papasok ako sa trabaho? Tiniis ko na makasama siya sa trabaho dahil h-hiniling mo! T*ngina, kahit pala nasa mali ang kabit mo siya at siya pa rin ang kakampihan mo!" sabi niya sa akin at sa huli ay pumiyok pa siya.
Naikuyom ko ang kamao ko ng makita kong unti-unting bumagsak ang luha sa mga mata niya. Narinig ko rin ang paghahabol niya ng hininga niya at napasuntok pa siya sa dibdib niya ng ilang ulit.
"A-akala mo ba m-madaling makisama sa inyong dalawa? H-habang nakikita ko kayong masaya h-hindi mo alam kung gaano kasakit sa akin iyon! K-kahit gustuhin ko man na makipaghiwalay sa'yo hindi ko magawa k-kasi hindi mo naman alam kung gaano kita kamahal! S-sa tingin mo ba mabubura ng ganun-ganun lang ang nararamdaman ko para sa'yo sa loob ng ilang taon! S-simula bata pa lang tayo hanggang ngayon, i-ikaw pa rin ang mahal kong g*go ka!" hinaing niya sa akin at sa huli ay napabagsak na siya ng upo sa sahig.
Napapikit ako nang mariin dahil para akong natauhan. Ilang beses pang bumuka-sara ang bibig ko dahil hindi ako makaisip ng magandang sasabihin kay Serenity.
"Kailan m-mo kaya ako maiintindihan? S-sana naman, Axl... K-kahit konti lang ipakita mo naman na nag-aalala ka rin sa ak in," humihikbing sabi niya sa akin kaya naman napahilot na lang ako sa sintindo ko.
---