BINUKSAN agad ni Jowey ang bintana para hagilapin ang nobyo at naroon nga ito.
“Wait lang! Bababa ako. I will check Yaya Mona kung nasa labas siya. Hindi ka niya puwedeng makita. Siguradong isusumbong ako niyon kay dad.”
Wala naman talaga siyang kakampi sa bahay kaya nga ang pagbibigay ng sakit ng ulo, being a spoiled brat and letting do what she wants—iyon na ang forte niya. She lives in a house that she can’t never call it a home, because what she want wasn’t there. Kahit pa nakukuha niya ang mga bagay na naisin o magustuhan niya na hindi na niya kailanganin pang magsabi ng dalawang beses, hindi pa rin iyon sapat na basehan para masabing sariling pakanan lang niya ang nais ng mga ito. Iyon nga siguro ang dahilan kung bakit ano man ang hilingin niya ay altimanong ibibigay ng mga ito dahil doon na lang ibinubuhos ng mga ito ang pagmamahal na dapat ay personal niyang nakukuha.
Naiintindihan niya kung maraming mga mata ang kumukutya at nanlalait sa kanya. Spoiled bratinella, sakit sa ulo, troublemaker, mischief and worst a b*tch. Wala na siyang pakialam sa kung sino man ang mga taong nagsasabi sa kanya ng mga iyon. Dahil ang mga taong humuhusga sa kanya ay higit pa sa basura. Kung saan masaya ang mga ito, ikinakasaya na rin niya. Dalawang tao na lang ang itinuturing niyang mga kaibigan. Si Nancylyn Padilla at Jessica Samontes, katulad niya mayroon din itong mga itinatagong pait sa buhay kaya niya ito nakasusundo.
At nang makilala niya si Lester ay nagkaroon siya ng lakas ng loob na gawin ang lahat na hindi niya akalaing magagawa niya.
Pagdating sa baba ng hagdan ay narinig ni Jowey ang yabag ng mga paa ni Yaya Mona sa marmol nilang sahig. Naglalakad nga yata ito patungo sa kusina nang sundan niya ang paglalakad nitong napakaingay at humahampas ang suot nitong tsinelas.
“Yaya…” tawag niya nang hindi agad matagpuan ang yaya.
Nakita niyang nakasiksik ito sa dulo at kumakain. Para itong pinagdamutan at patagong kumakain. Hawak pa nito ang maliit na karton ng cake. Nakakalat ang icing sa paligid ng bibig nito habang nakaupo sa sulok.
“Yaya!”
“Ay baluga kang bata ka!” Halos mangudngod ang mukha nito nang magulat sa pagtawag niya.
“What are you doing?” Hindi makapaniwala si Jowey na para itong nagnanakaw ng pagkain at sandali para lang kumain. “Hindi ka ba pinakakain ni daddy?”
Mabilis na iling ang ginawa nito. “On diet kasi ako ngayon. Dapat. Kaso nakatutukso iyon cake at ice cream.”
Binigyan lang niya ito ng kakaibang ngiti—ngiting nangungutya.
“Yeah! Whatever. Anyways, may kaibigan akong darating. Puwede bang mag-stay ka lang dito? Bantayan mo si Aling Pasing dahil kapag dumating siya at narinig na may kausap ako sa kwarto. I’m sure isusumbong niya ako kay daddy. Don’t worry, wala akong nakita at narinig basta mangako ka lang na babantayan mo for me is Aling Pasing.”
Sunod-sunod naman na tango ang ginawa ng pobre niyang yaya. Thirty six na ito at hindi na nakapag-asawa dahil sa height na five feet ay mukha na itong malaking babae kaya hindi makahanap ng nobyo. Sino ba naman ang magtatiyaga sa katakawan nito? Palibhasa masasarap ang pagkain nila sa two-story house ay wala lang dito ang kumain.
Jowey crosses her arms over her chest. “Good. So I better akyat na and wait here dahil baka dumating si Aling Pasing. Okay.” Pagkasabi ay agad na rin siyang tumalikod at dumiretso palabas ng bahay.
Pagdating sa main door ay nakita na ni Jowey na dahan-dahang itinutulak ni Lester ang asul na gate para bumukas. Mabuti na lang at nasilip niyang tulog na tulog ang gwardiya na dapat ay bantay nila. It is good na naroon si Rodolf ang kanilang aso dahil baka napasok na sila.
Ngunit dahil tulog din si Rodolf ay nakapasok na si Lester sa bahay nila Jowey.
Tinakbo ni Jowey ang pagsundo kay Lester para lang agad itong masamahan paakyat sa kwarto niya.
Ligtas naman silang nakarating sa kwarto nang walang pumapansin sa kanilang dalawa.
“Sa tagal ko nang nakararating dito sa kwarto mo, wala ka pa rin bang balak?” tanong ni Lester sa kanya saka umupo sa dulo ng kama. Hinubad nito ang suot na itim na leather jacket at humiga nang tuluyan sa kama niya.
Alam niya ang tinutukoy nito. Walang iba kung hindi ang V-card. Nagpapahalik at yakap lang siya ngunit hindi pa siya nagpapagalaw kay Lester kagaya ng ibang nag-iisip na isa siyang b*tch dahil nakuha niya ang gangster leader ng kanilang campus.
Hindi naman sa ayaw at hindi niya mahal si Lester. Hindi lang siya handa sa magiging kahihinatnan at kahit pa ayaw niyang aminin, natatakot din siya kapag nalaman iyon ng kanyang ama lalo naman kung mabuntis siya.
“Ayaw mo bang humiga?” tanong pa nito na nadipa na ang kabilang braso para anyayahan siyang humiga at umunan sa braso nito.
Lester is a typical student, payat, six two ang height at minsan na niyang nakita ang katawan nitong wala man lang ka-muscle-muscle.
“Hindi mo ba balak mag-gym?” paglilihis niya sa tanong ni Lester.
“Ayaw mo ba sa akin dahil hindi ako tumataba o dahil wala akong abs?” mabilis na depensang tanong nito na alam na ni Jowey kung saan patutungo.
Naalala kasi niya si Uno na minsan nang nagpakita sa kanila ng abs. Ito ang nobyo ngayon ni Jessica. May mga sandaling naiinggit siya dahil masarap naman talagang kumapa ng abs at iyon na ang famous ngayon. Kaya nga hindi man lang makasali si Lester sa mga pageant para sa mga lalaki kahit may hitsura ito. Wala kasi itong mai-display na abs sa katawan. Matangkad nga, may magandang pares ng mga mata na kadalasan ay nagiging parang uwak lalo na kapag galit. Ma-panga, maputi rin ang balat, mas angat nga lang siya ng kulay at may mangilan-ngilang bigote ang tumutubo sa ibabaw ng labi nito.
“Alam mo kung ayaw mong narito ako, aalis na lang ako. Magkita na lang tayo sa campus mamayang hapon.” Padaskol itong bumangon saka inilang hakbang ang paglabas ng pinto ng kwarto niya.
Hindi siya nakaimik at hindi rin ito sinundan. Alam na ni Jowey na nagsusungit ito at nagagalit kapag hindi niya napagbibigyan. Nakatutuwa sa kabilang banda na napagtatiyagaan siya nito kahit na hindi niya pinagkakaloob dito ang nais nito. Hindi pa naman niya ito nahuling may kasamang iba at ayaw niyang mahuli ito dahil natatakot siyang masaktan. Dahil mahal naman niya si Lester kahit hindi pa siya handa na ibigay ang pangangailangan nito.
Hinayaan niyang makaalis si Lester. Hindi nga siya nag-check kung safe ba itong nakalabas ng bahay nila. Ayaw kasi niyang nagso-solo sila ni Lester at iyon lang ang tema nito. Pakiramdam niya ay iyon na lang ang habol ng mga lalaki sa isang babae.
Bumalik na lang sa paghiga sa kama si Jowey at hanggang daluyan ng antok lalo na at nagpuyat siya kagabi sa casino. Kinakailangan na rin niyang makatulog ngayon para makapasok siya ng alas kwatro ng hapon sa St. George para sa klase nila.
HUMIHIKAB-HIKAB pa nga si Jowey habang papasok ng campus. Kahit napakaingay na sa hallway ay tila hindi nararamdaman ng kanyang katawan ang lupa. Para siyang lutang na naglalakad patungo sa building D kung nasaan ang klase nila sa hapon.
“Joweeeey…” mahaba at matinis na sigaw ni Jessica. Nang hindi siya sumagot ay ito na mismo ang lumapit sa kinatatayuan niya. Itinulak pa ng balikat nito ang balikat niya. “Okay ka lang ba? Para kang lutang. Ay, nagpunta ka na naman ng casino, ano?”
Tumango lang siya na hindi ito tinitingnan. Muli na naman siyang naghikab. Mas gusto na lang niyang takasan ang klase nila mamaya. Magtuturo lang ito ng international language na pinaayaw niya dahil mas lalo siyang inaantok.
“For sure, ayaw mong pumasok sa klase mamaya.” Magkaklase sila ni Jessica at Marketing din ang course na kinukuha nito dahil may resort na business ang pamilya nito at balang araw ay ito rin ang magma-manage.
Mukhang lahat yata nang kumukuha ng mga kurso ay kagustuhan ng mga magulang dahil nais ng mga ito na ang mga anak na ang pumalit para hawakan ang mga business o kompanyang hawak ng mga magulang.
Nagpatuloy ito sa pagsasalita bitbit ang malaking libro at tuloy-tuloy pa rin sila sa paglalakad. “May cosplaying ang Inuyasha mamayang four thirty PM. Gusto ko sanang manood kaso may klase tayo.”
Para siyang nagising sa sinabi nito. Humarap si Jowey sa kaibigan. “Are you sure about that?”
“Oo. Pupunta nga si Nancylyn para manood. Tapos na kasi ang klase niya. Alam mo na accountancy ang kurso niyon—mga addict sa math.”
Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Mas focus siya sa costume playing. Favorite niya ang maging cosplay artist. Halos mahigit isang daan na nga ang costume niya sa bahay na nakatabi lang sa walk-in closet niya. Ang iba ay customize, mayroon din namang binili lang niya tuwing magbabakasyon sila sa ibang bansa pag-summer or winter.
Napahinto siya sa paglakad para alalahanin kung mayroon nga ba siyang character ng Inuyasha na costume sa cabinet.
“Alam ko na ang iniisip mo. Pupunta ka ‘no?” panghuhuli ni Jessica sa kanya. “OMG! Are you trying to say, you’ll gonna cut the class?” maarteng tanong pa nito sa kanya.
“No. Hindi na ako papasok sa klase ni Mister Cayabyab. Tutal naman pumapasa naman ako kahit hindi ako pumasok, right?”
“Right. Pero, you’ll gonna leave me here?”
“Tawagan mo na lang si Uno at magpasundo ka sa kanya. Alam ko namang hindi ka mahilig sa cosplaying. Mabo-bore ka lang doon. So, better, pack your things na ang leave the class.”
Sumimangot si Jessica sa sinabi niya. “I’m not sure if Uno will let me. Alam mo namang bookworm din iyon at studious. For sure, hindi ako papayagan niyon na mag-cutting class.”
“Well. Attend the class na lang. Para maging proud sa iyo ang mommy mo.”
Jessica forced a smile. “Fine. Saglit lang naman ang class. Three hours. Magagamit ko rin iyon para sa mga guest na pupunta sa resort.”
“Exactly. So, paano na? I will call my yaya para ihatid sa akin ang costume.”
Umikot na si Jessica para iwanan siya at mukhang masama ang loob na pumasok sa klase.
Wala pang thirty minutes ay nakarating ang yaya ni Jowey sa school. Bitbit nito ang iniutos niya.
“Kailangan ba talaga ito sa school?” paniniguradong tanong nito na nagbigay sa kanya ng nagdududang tingin.
Tumango siya. “Thank you so much, yaya! You are the best yaya in the world,” pang-uuto pa niya saka kinuha ang damit na naka-plastic pa sa hanger.
Nang makaalis na ang yaya niya ay dumiretso na siya sa comfort room para magpalit ng damit.
Mukhang hindi naman siya tumaba o pumayat. Fit na fit pa rin ang damit na pang-Kagome Higurashi sa kanya. Need na rin siguro niyang bumili ng wig at pana para makompleto ang package.
Paglabas nga niya ay pinagtitinginan na siya dahil sa iksi ng paldang suot niya. Sinuot na lang ni Jowey ang varsity jacket saka isinukbit ang bag kung saan niya inilagay ang uniporme niya.
Siguradong hindi siya makalalabas lalo na kapag nalamang kasama siya sa may klase ngayon. Ang isang paraan at palagi niyang ginagawa para makapuslit ay ang likod ng school. May bakanteng area kung saan may lumang fountain doon. Sa likod niyon ay may fencing wire doon na sinira o pinutol niya para magkaroon ng butas.
Pagdating sa likod ng mga building ng school ay napakatahimik na at medyo nakatatakot lalo na at may mangilan-ngilang puno. Tago at hindi talaga masyadong lapitin ng mga estudyante lalo na sa mga kwento-kwentong may multo raw doon.
Nang hagilapin ni Jowey ang ginawa niyang butas ay ayos na ang fencing wire at mukhang napalitan na.
“D*mn! Grabe naman itong school na ‘to! Bilis umaksyon. Noong isang araw may butas pa lang dito. Ngayon wala na,” reklamo pa niya habang napapakamot sa ulo. Napatingala si Jowey at nakita niyang kayang-kaya naman niyang abutin ang fencing gate kung makaaakyat siya sa lumang fountain.
Kung tutuusin ay puwede naman siyang lumabas ng gate pero mas gusto niyang magpaka-darna ngayon para matawag siyang astig sa stunt niyang puwede na niyang i-apply sa pelikula.
Nagpapapansin lang talaga siya, para kapag may nakakita sa kanya ay itatawag sa kanyang ama at automatic na darating na naman ang kanyang ama para pagtakpan ang kasalanan niya. Bawang puntos na naman siya sa bahay nila. Sadyang kakaiba talaga ang trip niya sa buhay.
Kailangan lang ay hindi bumigay ang fountain at hindi siya sumabit sa fencing wire. Kung hindi ay magagalusan ang makinis niyang balat.
Nakaakyat na siya sa fountain. Inihagis ni Jowey ang bag sa labas ng pader at siya naman ang susunod. Isinampa ni Jowey ang mga braso ngunit medyo may kataasan ang sementadong pader at ang taas niyon ay fencing wire sa paligid. Mukhang mahihirapan siya para sampahan iyon. Kung hindi lang sana niya inaway si Lester ay baka natulungan siya nito.
Huminga muna nang malalim si Jowey bago i-bend ang kabilang binti. “One! Two! Three!” Saka nagbigay ng malakas na pwersa para iangat ang katawan sa fence.
Jowey made it. Nakaalalay na siya ngayon para tumalon nang may napansin siyang lalaki at ang masaklap ay mukhang nawiwili ito sa pagmasid sa kanya.
Doon lang niya napansing napunit pala ang palda niya. Dahil walang suot na cycling ay kitang-kita na nito ang white underwear na suot niya.
“Hoy! Bastos ka! Tumabi ka nga at tumalikod! Bilisan mo!”
Ngunit parang nabato-balani ito at tulala lang na nakatingin sa kanya hanggang tuluyan na siyang tumalon para makaalis sa pwesto niyang iyon.