bc

KISS DISORDER SIBLING Series 1: Jetro Lake Gohtencee Story

book_age18+
862
FOLLOW
3.8K
READ
possessive
love after marriage
age gap
arranged marriage
CEO
drama
bxg
humorous
office/work place
stubborn
like
intro-logo
Blurb

KISS DISORDER SIBLING 1: Warning: SPG 18+

TEASER:

“Maipagkakamali mo ba sa iba ang halik ko?”—Jetro Lake Gohtencee

Tipikal na happy-go-lucky si Jowey Daniels. Kaya nagdesisyon na ang ama na ipakasal siya at hanapan ng blind dates para tumino. Handa niyang takasan ang lahat kahit pa sumakay sa kotse ng kanyang professor at gawin itong excuse para hindi matuloy ang pagpapakasal. Ang kaso lang ay hindi alam ni Jowey na may lihim palang itinatago si Professor Jetro Lake Gohtencee.

Sikat ito sa mga estudyante nilang babae, halos maging campus crush. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa lalaking maporma, gwapo at may katakam-takam na six pack abs na hindi niya nakita sa kanyang payatot na three-year boyfriend? Nang matukso nga siyang halikan ito para pasalamatan at asarin ay iyon na rin pala ang mitsa ng wakas ng kanyang kalayaan. Dahil sa Kiss Disorder disease ay nauwi sa one night stand as cure.

Paano niya ngayon tatakasan ang lahat lalo na nang malamang si Jetro Lake ang ipaa-arranged marriage sa kanya ng ama? Makatakas pa kaya si Jowey o maging malalang sitwasyon dahil sa Kiss Disorder ng binata?

All rights reserved 2019-2022. This is a work of fiction. Any names, places, situations are purely coincidental, and didn't mean to copy anything.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1:
=DISCLAIMER= ©2021 KISS DISORDER SIBLING SERIES written by JL Dane All rights reserved. This is a work of fiction. Names, places, businesses, characters, and incidents are either the product of the author’s imagination or are used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons living or dead, actual events or locales is purely coincidental. PIRATING CONTENT IS ILLEGAL: If this content is captured and published, the offender can be traced and will face the full extent of the legal ramifications stated by the law. Please follow/subscribe, comment, and add this to your library. *************** “WHAT? My daughter cut the class?” Naghi-hysterical na boses ng kanyang ama ang nagpaalarma sa kanya nang sandaling papasok na si Jowey sa loob ng bahay nang umagang iyon. May kausap ito sa kabilang linya at mukhang galit na galit na naman ang kayang ama. ‘Geez! Sumbungero talaga ang mga Professors!’ sabi-sabi niya sa sarili. May ideya na siyang isa na naman sa professor nila ang nagsumbong. Tila dahon na naglalakad na siya paakyat ng hagdan upang hindi makagawa nang anumang ingay. Sigurado siyang kapag napansin ng kanyang ama na umuwi na siya, tiyak maliligo na naman siya ng laway nito dahil sa sermon na aabutin niya. Ngunit minalas talaga siya, naramdaman ng kanyang ama ang presensiya niya. Puwedeng-puwede ng maging detective ang kanyang ama kapag nagkataon. Agad nitong pinatay ang phone, ibinulsa saka lumingon sa kanya na nakatayo sa hagdan. Alas siete na ng umaga, wala ba itong balak pumasok sa trabaho? Kung bakit naman kasi nasa sala ito at wala sa sarili nitong maliit na opisina. Wrong timing pa ang dating niya. Dapat pala ay nagpalipas na muna siya ng buong oras sa casino at hinintay na makapasok sa trabaho ang ama. “Where do you think you’re going, Jowey Daniels?” Her dad mentioned again her beautiful name. Favorite lang daw ng kanyang ina si Joey Albert kaya roon pinangalan at dinagdagan lang ng w para kakaiba ang spelling. Kapag narinig niyang kalmado na ang boses nito, lalo siyang natatakot. Sanay siyang lagi itong nakabulyaw. Ngunit kung kalmado ay isa lang ang ibig sabihin niyon; mas malaki ang punishment. “Oh ow.. Yes, Dad?” Sinubukan niyang maging inosente ang boses at patay-malisyang tiningnan ito para hindi mapaghalataang may ginawa na naman siyang kalokohan nang araw na iyon. Na totoo na namang may ginawa nga siyang kalokohan dahil hindi niya pinasukan ang klase niya kahapon. For her, trouble is a game and stress is her passion. Tiyak kung ano man ang nagawa niyang masama, iisipin na naman ng kanyang mga magulang lalo na ang kanyang ama na nakagawa na naman siya ng krimen. Kahit na para sa kanya ay isa lamang iyong pagpapakita ng totoong siya. “Where did you come from? And where the hell was you yesterday? Your English professor calls me not a minute ago, you skip your subject, for Pete’s sake!” Inaasahan naman niyang malalaman iyon ng kanyang ama. Balak nga niya sanang takasan iyon kanina. Naasar lang siya sa paa niyang biglang nag-ingay, ‘Mamaya nga puputulin kita,’ sabi pa ng kabilang panig ng utak niya. “Nagpaalam ako sa kanya.” Talaga namang nagpaalam siya. Hindi nga lang nito sinabing sa professor niya. Tiyak namang babantayan lang nito ang galaw niya kagaya ng utos ng dad niya. Because almost one-fourth of shares for the school is came from her family’s wealth as a donation. Kaya kahit anong sabihin ng parents niya altimanong gagawin agad ng mga ito, magkakandarapa pa. “You do?” namamanghang tanong nito. Kahit pa alam naman ng dad niya na lumulusot na naman siya. Dahil pang-ilang beses na niya itong ginagawa. Her father is fifty-five by now, half Canadian pero Philippine citizen. Ngunit sa tindig nitong malaking lalaki, may katabaan at medyo napapanot na rin ay mukhang lumaki ang idinagdag ng edad nito mula sa kagagawan niya. Ilang beses ba naman niyang pinasasakit ang ulo nito. Gusto lang niyang nakukuha ang atensyon nito kahit na madalas ay palagi naman nitong ikinagagalit. “Specifically yes, apparently no.” Napansin niyang namula ang tainga ng dad niya. Isang kibot na lang niya tiyak uusok na ang ilong nito sa galit. “Where the hell did you found that words?” Her dad was calm again as usual. Magaling siyang magsinungaling, best actress siya sa drama kaya tiyak maniniwala na agad ito sa anumang sabihin niya. “Actually dad, I’m just rhyming the words,” pamimilosopo niya “Saka Dad, kaya ko namang makahabol, matalino kaya ako.” She depends herself. Matalino naman talaga siya sa academics pero dahil nga bulakbol siya, nababawi rin. “I don’t think so. This is your last warning, Jowey. Kapag naulit pa ito, I will pull out all your allowances,” pinal na sabi ng kanyang ama na may halong pananakot. “It’s okay I have my credit cards,” kibit-balikat niyang tugon na hindi man lang nakakitaan ng pag-aalala mula sa boses ng ama. Kahit pa hindi na siya nito bigyan ng allowance araw-araw, kayang-kaya na niyang suportahan ang sarili. “Including your credit card.” Ngumisi siya na hindi pinahahalata sa ama. Kahit pa credit cards. Dahil hindi na siya manghihinayang kung puputulin nito ang allowance niya. Ang laki kaya ng napanapunan niya sa casino kanina. Hindi pa nga niya iyon nabibilang. Mamaya, kapag nakalusot na siya sa galit ng ama, bibilangin niya ang naiuwi niyang panalo. “What that grin for?” Ibang klase talaga ang kanyang ama, mabilis ang pakiramdam. “Kailan ka ba naman titino? Give me that.” Nawala ang ngiti sa labi niya nang ilahad nito ang kamay sa kanya at may hingiin. Mukhang may ideya na ang kanyang ama kung bakit malaki ang tiwala niya kahit putulin nito ang allowance niya. “What?” patay-malisiya niyang sabi kunwari ay wala siyang alam sa sinasabi nito. “Give me the money. Akala mo siguro hindi ko malalaman na nagpunta ka sa casino that’s why you skip your class.” Casino is one of her after-boredom-class. Kahit na ang totoo ay mas gusto pa niyang tumambay talaga roon at makipaglaro sa mga naroroon. Fearless queen na nga siya ng casino, dahil siya lang ang tanging naroon na hindi takot matalo at parang nagtatapon lang ng pera. Naiinis siya kapag laging minamanduhan lalo na ng kanyang ama. Jowey, gawin mo ito, gawin mo iyan. Parang wala siyang kalayaan at sariling desisyon. Nakabantay man ang dad niya sa kanya twenty four-seven, mukhang ginagawa lang naman nito iyon para sa sariling kapakanan at hindi sa kapakanan o kagustuhan niya. Isa lang siyang anak na walang karapatang mangatwiran, at kailangang sumunod sa lahat ng naisin ng kanyang mga magulang lalo na ang kanyang ama na head ng pamilya. Isang anak na walang ginawang matino kundi ang magbigay ng sakit ng ulo sa mga magulang na kahit anong gawin niya ay hinding-hindi magiging proud o papaboran siya ng kanyang ama. Pero, sorry na lang sila, hindi siya perpektong anak at hindi talaga niya panahong maging sunod-sunuran. Maiksi lang ang buhay, mas gusto niyang gawin ang mga bagay-bagay na makpagpapasaya sa kanya. Mas gusto niyang gawin ang mga bagay na balang araw ay mapapansin din ng kanyang ama na may talent siya at may sariling isip, hindi iyong para lang sa naisin ng mga ito. Sinubukan niyang kalimutan ang mga iniisip niya at dito na siya nagsimulang umarte. Sayang din iyon, hindi pa niya nababawasan o kahit nabibilang man lang. Kung pwede ngang itaya niya pati bahay at lupa nila, ay baka ginawa na niya. Alam na kasi niyang siya ang panalo kanina. Pero tiyak namang hindi lang sermon ang aabutin niya, baka ipakulong na siya ng kanyang ama. “Dad, I’m sorry okay. Don’t worry, I promise I will ask my professor to get a special examination,” paliwanag niya habang pilit kinukuha ang loob ng ama. “You do? Good. Sige na matulog ka na.” Lumapit siya sa ama nang makalusot siya. Humalik siya sa pisngi nito at nag-good night. See, what her drama made. Lying is her forte and acting is she’s good to be. Sa wakas ay makakaakyat na siya sa kanyang kwarto, naginhawaan siya nang hindi na ito nang-usisa pa. Pakiramdam talaga niya kanina ay sasabog na ito sa galit, mabuti na lang at hindi na nito binanggit ang tungkol sa napanalunan niya sa casino. Kung hindi pa sana siya aakyat marami pa siyang balak sabihin o artehin. Hindi niya kailanman nais manghingi ng limos o awa sa sinuman ngunit nag-e-enjoy siyang magpapansin at maging center of attraction. Nang tuluyang maisarado at mai-lock ang pinto, agad niyang kinuha ang pera sa loob ng secret pocket bra. Kaya kahit pa halungkatin nila ang bag niya, wala silang makikita. Magaling yata siyang lumusot at gumawa ng kasinungalingan—A mischievous lady ikanga. “... seventy-four, five, thousand four hundred fifty.” Saka pa niya pinaypay ang pera sa mukha niya. “Iba ka talaga Jowey, walang makatatalo sa iyo. It’s defined; I’m one of a kind.” Itinago na niya ang pera saka nagbihis para matulog. Bukas na niya iisipin kung ano ang paggagamitan niya sa napanalunang pera. Baka magbukas na siya ng sariling bank account na hindi malalaman ng ama. Ayaw niyang dumating ang araw na tanggalan na talaga siya ng kanyang ama ng kayamanan, kailangan niyang mag sigurado. Lalo na at baka lumampas na ang magawa niya at masagad na ang pasensiya ng ama sa kanya. Mas mainam na walang nakaaalam sa mga bagay na magagawa niya. Wala naman talaga siyang nais na makuha sa parents niya, specially from her dad. All she wants is his attention. Palagi ang mga itong abala sa negosyo at minsan lang niyang makasama. Simula nang umunlad ang kanilang negosyo ay palagi na lamang itong abala. NAKATUNTONG na siya ng twenty-one at ilang buwan na lang ay ga-graduate na siya sa kolehiyo. Ayaw niya ng kursong Marketing dahil sa advertisement agency na pag-aari nila na balang araw ay siya ang magmamana ayon sa kanyang ama.Fine Arts ang gusto niya at iyon ang kukunin sana niya nang hindi nalalaman ng ama ngunit. Matalino ang kanyang ama na mabilis napagalaw ang mga galamay at nakarating sa kaalaman nito ang gagawin sana niya. Ang ending, balik na naman siya sa original course. Kaysa masayang ay pinagsikapag na lamang niyang tapusin hanggang ngayong taon. October na rin naman at ilang buwan na lang ang kailangan niyang bunuin para tapusin ang huling semester. Mas gusto niyang patagalin ang pananatili sa St. George Academy—ang private school sa Diliman. Sa St. Therese Subdivision, Marikina residences naman sila nakatira at madalas ay gamit niya ang sasakyang regalo ng ama. Iyon ang madalas gawin ng kanyang ama—ang magregalo ng mga materyal na bagay ngunit kahit kailan ay hindi niya makuha ang naisin niya hanggat hindi naaayon mula sa ama. Yes, she can take whatever she wanted—money, jewelries, luxury cars, name it but not her father’s attentio and not what she really feels to have. Kagaya pa lamang ng kanyang kurso, kahit alam ng kanyang ama na hindi naman talaga business ang gusto niya ay ipinilit nito. Saan pa sa parte niyon ang nakukuha niya anuman ang kanyang naisin? Pakiramdam na wala naman talaga siyang kalayaan. Hindi iyon ang hangad niya. Oo, gusto nga niyang maging maunlad ang pamumuhay nila kagaya ng ibang mayayaman na pera lang ang tanging mahalaga sa buhay. Ngunit nais din naman niyang may malaking dahilan. Ang atensyon at pagmamahal ng mga magulang lalo na ng kanyang ama na simula niyon ay hindi nito magawa. Salat sa pagmamahal at atensyon. Katulad ngayon na wala ang kanyang ina dahil sa business trip sa Davao. Ang ama ngayon na minsan lang din umuuwi sa bahay. Kahit gaano pa nga karami ang mahakot niyang medalya noon ay wala naman sa mga ito ang may pakialam sa kanya. She never heard her dad being proud of her since elementary. Sumali siya sa iba’t-ibang clubs, mga contest at palagi siyang nakauuwi ng medalya ngunit tuwing selebrasyon ay wala ang mga magulang. Padadalhan na lamang siya ng cake, pagkain o laruan noon. Hanggang ngayong nagkaisip siya ay ganoon pa rin ang mga ito. Thankful siya kay Lester Ronquillo—ang three-year boyfriend niya at palihim silang may relasyon. Ito ang nagturo sa kanya na isang beses lang daw nabubuhay ang mga tao at hayaan nang gawin ang lahat hanggang may pagkakataon. Ito ang palaging umaalalay sa kanya at nagturo sa mga bagay na nae-enjoy niya. Masaya na si Jowey Molina Daniels ngayon. Nagagawa na niyang kunin ang atensyon ng ama kahit pa pagpapasakit ng ulo. Napabukas ng bintana ng kwarto si Jowey nang marinig na umalis na ang sasakyan ng ama. Thursday ngayon at wala siyang klase. Mukha ring matatagalan bumalik ang kanyang ama dahil sa negosyo nila. Nang mag-ring ang phone na nasa tabi ng kama ay agad niya iyong dinampot. Ang boyfriend niyang si Lester ang nasa linya at naka-rehistro ay Leslie para hindi mahalata ng ama na lalaki iyon at boyfriend niya. Kung sa bagay, wala namang pakialam ang kanyang ama kahit may boyfriend siya o marahil ay magaling lang silang mag-ingat. “Hello, baby!” “Baby, nakita kong nakaalis na ang dad mo. Puwede na ba akong pumasok sa bahay ninyo? Sa bintana ako dadaan.” Napabalikwas ng bangon si Jowey matapos marinig iyon. “W-What? Nasa tapat ka ng bahay namin?” Nagsisimula na siyang maging uneasy. Hindi puwedeng makapasok si Lester sa bahay dahil nasa baba lang ang Yaya Mona niya—ang bantay niya at nag-alaga sa kanya simula pagkabata.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Professor's Wife

read
454.3K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
72.4K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

Wanted Perfect Yaya

read
243.8K
bc

Heartless Multibillioneir's Babies

read
503.9K
bc

Escaping from the Greek Tycoon (TAGALOG)

read
179.6K
bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
554.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook