CHAPTER 16
Mabilis na naglakbay ang luha ni Alyana sa kanyang pisngi na kahit pa punasan niya nang punasan ay agad pa ring napapalitan ng panibagong luha. "Maalala mo yung sinabi ko noon doon sa pinuntahan nating isla? Napag-usapan na natin ang tungkol dito di ba, baby ko? Ito yung sinasabi ko sa iyo. Wala akong ibang pagpipilian kundi gawin ito. Gusto kong makatapos, gusto kong maging maganda ang kinabukasan ko. Gusto kong ilayo kita sa lugar na ito at magkasamang hindi na maghihirap pa. Gusto kong may marating para makasama kita sa taas. Gusto kong isama kita sa pagtatagumpay ko kasi alam ko, hindi ka nangangarap na umangat. Gusto mo dito lang. Gusto mo, hanggang ganito lang ang buhay pero hindi ako, Gelo. Kung hindi ko nakikita sa’yo na gusto mong lumayo at umasenso nang husto, hayaan mong ako ang gagawa para sa atin, para sa ating magiging mga anak. “
"Eh ako? Paano naman ako? Paano yung nararamdaman ko ngayon? Paano ako maniniwala? Alyana, hindi ko gusto ang gusto mo. Ang gusto ko lang ay maayos ka, makapag-aral nang hindi mo kailangang gamitin ang katawan mo. Pwede naman iyon hindi ba? Pwede mo naming gamitin ang talino mo eh at hindi ang katawan mo.”
“Malaki ang utang nina Tatay at Nanay kay Daniel. Naipagako ko na ito noon. Tinutupad ko lang. Para rin sa’yo ang lahat ng ginagawa ko, Gelo.”
“Para sa akin? Huwag na dahil kapalit niyan ay ang katawan mo? Ang purio mo. Para sa akin, hindi sapat na dahilan yan para gawin mo ang kababuyang pinaggagawa mo. Tama nga ako. Malandi ka. Pinagsabay mo kami ni Daniel. Hindi ka nakuntento sa akin. Mamili ka, itigil mo yan o tuluyan akong mawawala sa'yo."
“Nangyari na. Ipinagbenta ko na ang katawan ko kay Daniel dahil s dami na ng nakuhyang pera nina nanay sa kanya. Dahil sa malaking halaga na naipangako niya na pagsisimulan ko. Kailangan ko ng pera para makaalis na ako sa lugar na ito. Inaasahan kong maging scholar ako. Ginalingan ko naman eh. Inilaban ko ang talino ko pero wala pa rin nangyari. Salutatorian pa rin lang ako, bakit? Kasi wala akong pera. Wala akong naitulong sa paaralan. Wala akong maibigay na donasyon. Nakaya nilang laruin ang grado namin para umangat yung si Ruby laban sa akin. Nawalan ako ng pag-asang makapag-aral sa mga gusto kong university sa Maynila. Kahit pa sabihing scholar ako, pano ako mabubuhay sa Manila na walang-wala ako at sarili ko lang ang aking aasahan kasi kahit may negosyo sina Tatay at Nanay, sakto lang din naman iyon sa pagbabayad ng utang nila kay Daniel kung hindi ko gamitin ang alam kong meron ako? Sinubukan kong kausapin sina nanay at tatay mo tungkol dito. Nagmakaawa ako na igapang nila ang pag-aaral ko. Kung hindi man, pwede kong ibalik ang lahat ng gastos niya kapag nakapag-aral na ako pero sinabi n Kaht utang na iyon a kanila ngunit tinapat nila ako na wala pa silang kakayahan na pag-aralin ako sa Manila. Marami pa silang utang na kailangang bayaran nang nahospital si Nanang dahil sa sakit niya. Wala na akong matakbuhan iba, Gelo. Si Daniel na lang pero ang kapalit ay ang virginity ko, ang pagkakabae ko pero ibinigay ko nang libre ang virginity kong iyon sa’yo kasi mahal kita. Ibinigay iyon sa’yo ng dalawnag beses bago siya kahit may usapan na kami na dapat siya ang makauna sa akin kapalit ng halagang kailangan ko sa aking pag-aaral. Isandaang libong piso kapalit ng aking p********e. Isandaang-libong piso na pwede kong magamit sa pagsisimula ko sa Maynila. Ganoon lang ang halaga ko, Gelo. Ganoon lang ako kamura. Ganoon lang kadaling mabili ang aking pagkatao. Kasi nga sa’yo libre ko pang ibinigay kasi mahal kita.”
“Pera. Dahil sa pera, ipagpapalit mo yung respeto ko sa’yo? Dahil sa ambisyon mo at pera kaya kaya okey lang na masira ang tingin ko at ng lahat sa’yo. Mukha kang pera!”
“Ibinigay ko ng una ang sarili ko sa’yo at wala tayong pinag-usapang pera kaya huwag na huwag mong sasabihing mukhag pera ako. Mahal kita eh. Hindi ako tumupad sa usapan namin ni Daniel at alam ko, ramdam niya iyon. Alam niya iyon. Hindi na ako dinugo. Hindi na ako ang inaasahan niyang ako.” Yumuko si Alyana. Humihikbi. Huminga nang malalim. “Pilit niya akong pinapaamin kung sino ang nakauna sa akin. Nagalit siya. Naitulak niya ako pagkatapos kasi hindi ko masabing ikaw. Hindi ako maipagtatapat na ikaw kahit anong mangyari hindi ko iyon sasabihin kasi gusto kong protektahan ka, Gelo. Gusto kong hindi ka madamay pa sa problema ko. Ayaw kong masaktan ka ni Tatay o mamura ka ni Nanay. Ayaw kong masama ka sa kagagawan ko, sa kadumian kong babae. Kasi alam ko, kahit hindi mo sa akin sabihin, nakikita ko sa mga mata mo, nandidiri ka sa akin. Sinasabi ng mga mata mo, kaladkarin ako, malandi, maruming klase ng babae. At kahit anong gawing kong paliwanag, hindi mo ako naiintindihan. Sabagay paano mo naman ako maintindihan e hindi mo nga naman gusto ang gusto ko. Hindi ka naman nagangarap ng mataas. Hindi mo naman gusting kumayo rito at umasenso. Hindi tayo pareho ng gusto sa buhay. Pero iisa lang ang alam ko. Mahal na mahal kita at kaya kitang mahalin habang buhay. Sa pagdaan ng panahon ay patutunayan ko 'yun sa iyo, Gelo."
"Huwag na tayong magtalo pa. Sagutin mo na lang ang tinatanong ko kanina pa, ititigil mo ba ito o mawawala ako sa iyo? Hindi mo ako sinasagot eh! Hindi mo sinasabi sa akin kung kaya mo bang itigil ‘yan."
Yumuko si Alyana. Hindi nagawang makuha ni Gelo ang sagot ng dalaga. Hindi ito nagsasalita at humihikbi lang. Nakita ni Gelo ang paggalaw ng labi ng dalaga ngunit walang kahit anong salita na nabigkas nito.
Tumingin si Alyana kay Gelo. Pinunasan niya ang kanyang luha. Tuyo na ang namumulang mga mata niya pero nang nakikita niyamg nasasaktan ang binata, unti-unti muling may namuong luha sa gilid ng kaniyang mga mata at mabilis iyong bumagtas sa kaniyang pisngi. Lumapit siya sa binata at niyakap niya ito nang mahigpit. Mahigpit na mahigpit hanggang yumugyog na muli ang kaniyang mga balikat.
"Mahal na mahal kita e. Pinapapili mo ako sa isang bagay na kinabukasan at pangarap ko ang nakataya. Kinabukasang pwede kong panghawakan. Aayusin ko naman ang buhay ko eh at hindi naman ako habang-buhay na maging ganito na lang. Hindi naman pwedeng habangbuhay na kaya na lang akong gamitin dahil walang-wala ko. Kaya akong dungisan ng lahat kasi alam nilang nangangailangan ako. Kaya akong tapakan nang tapakan kasi mahirap lang ako at ayaw kong habangbuhay ay ganoon din sila sa’yo. Kung hindi ka marunong mangarap ng para sa’yo, ako, mangangarap ako ng para sa atin. Mahal kita. Sana sa ngayon ay sapat na munang dahilan iyon para pagkatiwalaan mo ako. Sana sapat na muna iyon para maintindihan mo ang pinagdadaanan ko. Iyon lang ang kaya kong ibigay ngayon. Iyon lang ang alam kong kaya kong ipagkatiwala sa iyo."
Pagkatapos no'n ay hinalikan niya si Gelo sa labi. Tumitig siya sa binata.
"Maiintindihan at matatanggap mo pa ba ako, Gelo? O naikintal na sa isip mo na masama akong babae?"
"Hindi kita naiintindihan at OO! Masama kang babae sa paningin ko." Diretso at matapang na sagot ng binata. Pinunasan niya ang luha niya sa kanyang pisngi. "Sana nagtiwala ka sa akin. Sana sinabi mo muna sa akin ang gusto mo kasi kaya ko naming magtriple ng trabaho eh para sa’yo. Kaya kong mangisda sa madaling araw, maghatid sa mga turista sa umaga at magibg boy sa mga restaurant o hotel sa hapon hanggang gabi. Hindi mo ako pinagkakatiwalaan kasi tingin mo sa akin wala akong magawa. Na hindi kita kayang suportahan kasama ng aking mga kapatid. Sana sumugal ka muna sa akin. Sana pinagkatiwalaan mo muna ako."
"May mga kapatid kang nangangailangan ng tulong mo. Hindi ko kayang agawan sila ng dapat sa kanila na lang muna. Ayaw kong nasasama ka sa mga paghihirap ko. At sana nga gano'n lang kadali iyon. Magsabi ako sa’yo na tulungan mo ako samantalang alam ko na hirap ka ring itaguyod ang mga kapatid mo?. Sa pagkakataong lubog na ako at ng pamilya ko ng utang kay Daniel. Hindi na ako makatanggi. Iyon ang unang naisip ko. Ayaw kong ikaw ang mahihirapan sa pangarap ko pero mukhang hindi mo gustong intindihin ang punto ko. Kahit pala ito ang pinili ko, ang patulan si Daniel para makaluwas at makapagsimula sa Manila ay talong-talo pa rin ako. Hindi mo pa rin ako matatanggap. Hindi mo pa rin ako maiintindihan."
"Sige, bahala ka pero kahit kailan ay hindi ko matatanggap ang desisyon mong iyan. Ba'la ka sa buhay mo!"
Tumingin si Alyana sa galit na si Gelo. Tinging parang may tinitimbang. Tinging naghihintay ng pang-unawa...ng awa ngunit wala siyang nahintay. Tumalikod si Gelo. Nagsimula siyang humakbang. Yumuyugyog ang kanyang balikat. Hindi na siya muling lumingon pa. Hindi niya mapapatawad si Alyana sa ginawa niyang iyon.