HAPDI

1603 Words
Chapter 15 Parang nabibiyak ang dibdib ni Gelo at hirap siyang huminga. Tinungo niya ang papag na hinihigaan niya. Ibinagsak niya ang katawan niya roon. Tumihaya siya. Kahit pigilan niya ang sarili ay kusa na lang siyang napapaluha. Kinuha niya ang kanyang unan. Itinapat niya iyon sa kanyang mukha at muli siyang nagsisisigaw. Hindi pwedeng marinig ng kanyang mga kapatid ang kanyang sigaw. Hindi ila dapat malaman na umiiyak siya dahil kay Alyana. Hindi na talaga siya dinalaw pa ng antok dahil ang alaala at mukha lang ni Alyana ang tumatakbo sa kanyang isip. Inubos niya ang kanyang luha. Isang oras siya sa ganoong kalagayan. Pinigilan niya ang kanyang sarili na muling bumalik ang mga sandaling ipinadadama ni Alyana sa kanya ang sinasabi nitong pagmamahal sa kanya. Gusto niyang lahat ng iyon ay mabura na nang tuluyan sa kanyang isip. Ang tanging nais niyang maiwan ay ang sandaling nasasaktan siya sa nakita niya. Hindi na niya alam kung ano pa ang paniniwalaan niya sa sinabi ni Alyana sa kanya.. Pakiramdam niya, lahat ng iyon ay pawang kasinungalingan lang. Kung talagang mahal siya ni Alyana, hindi niya sana kailangang lokohin siya at magkaroon pa ng ibang lalaki bukod sa kanya. Narinig na niyang bumangon ang kanyang mga kapatid. Kailangan na niya silang ipagluto dahil closing din nila. Kahit pa kailangan n asana niyang kumilos ay nanatili pa rin siyang nakahiga. Tamad na tamad siyang kumilos at hindi niya alam kung magmamartsa pa siya sa graduation nila. “Kuya... kuya...” katok ng kapatid niyang si Angie. “Oo. Andiyan na. Babangon na ako. Maligo na kayo at magluluto na akong agahan,” sagot niya ngunit hindi siya bumabangon. Kaya lang nakakaramdam din naman siya ng awa sa mga kapatid niya. Hindi niya kayang pabayaan ang mga ito lalo pa’t siya na lang ang meron sila. Hindi ang pagkasawi niya sa pag-ibig ang sisira sa pangako niya sa mga magulang niya na alagaan niya ang mga kapatid. Bumangon siya. Binuksan niya ang kanilang transistor radio para may naririnig siya gunit kahit anong gawin niya ay nagtatalo pa rin ang sakit, galit at tindi ng pagmamahal niya kay Alyana. Parang sasabog na ang kanyang utak. May kung anong nakadagan sa kanyang dibdib na dahilan kung bakit hindi normal ang kanyang paghinga. Ansakit sakit na. Sobrang hindi na niya talaga kinakaya. Binubulong niya sa sarili na ganito pala kahirap masaktan. Ganito pala kabigat ang pakiramdam. Nang nakapagluto na siya ay naghain na siya para sa mga kapatid na kapwa nakatingin sa kanya. Namumugto kasi ang mga mata ng kuya nila kaya sila nagtataka. Tahimik din ito. Hindi niya sila minamadali. Hindi siya nagsasalita at ang lakas ng radyo nila. Habang kumakain ang kanyang mga kapatid ay tumungo na siya sa banyo nila. Gusto niyang umalis nang bahay nang maaga. Naghubad siya. Bumuhos siya. Naalala niya ang mga sinabi ni Alyana sa kanya noong nasa isla sila. Yung nangyari na nakita pala niya kagabi ang gusto nitong sabihin sa kanya. Sabi kasi ni Alyana noon na sana, kahit anong masaksihan at malaman niya ay hindi niya siya iiwan. Na hindi dapat magbago ang pagtingin niya sa dalaga. Na bibigyan niya ng pagkakataong magpaliwanag. Sa tulad niyang nagmahal nang todo, sa tulad niyang nagseselos dahil alam niyang na kay Daniel ang lahat ng wala siya, sa kagaya niyang nasasaktan ngayon, walang kahit pang-unawa na maapuhap niya sa puso niya. Walang awa, walang pagmamahal...lahat ay galit... pagkamuhi... Ano bang paliwanag ang kailangan niyang pakinggan doon sa nakita niyang tinitira si Alyana ng ibang lalaki? Naroon pa rin ang luha ngunit nagpupuyos ang kanyang damdamin. Nagsimulang umusbong ang pandidiri! Pinilit niyang kalimutan ang lahat. Gusto niyang tuluyan ng maglaho ang naipong sakit na likha ng ginawa niya. Pagkatapos niyang maligo, hindi na siya kumain pa. Pinagbihis niya agad ang mga kapatid para maaga silang umalis. Hindi na niya hihintayin pa si Alyana. Hindi rin niya pinansin pa ang kahit sino na nakakasubong nila. Kahit si Daniel na kausap ng tatay ni Alyana ay tinignan niya nang masama. . kalaban, kaaway ang tingin niya kay Daniel. Isa itong kaagaw. Isang ahas. Hindi kailanman pagkakatiwalaan at hindi ko kailanman magiging kaibigan. Gustuhin man sana niyang hindi na pupunta pa sa graduation nila ngunit hindi rin kaya ng kanyang konsensiya na biguin ang Tiyo Edwin niya na nandoon para samahan siya sa kanyang graduation. Ang Tito Edwin at ang asawa nito na nasa ibang bansa ang tumutulong sa kanila. Kung wala ang Tito niya, malabong pupunta siya kahit pa nangako siya kay Alyana na panonoorin niya ito sa kanyang welcome address at pagsusuot ng maraming medalya. Nangako siya na isa siya sa mga taong papalakpak kapag tinatanggap na ni Alyana ang kaniyang diploma at ganoon din ang dalaga sa kanya. Ngunit kumukulo ang dugo niya nang makita niyang sila ni Daniel ang magkasamang umakyat sa entablado para tanggapin ang simbolo ng dalaga sa pinaghirapan ng apat na taon. Bakit si Daniel? Buhay pa naman ang Nanay ni Alyana pero bakit si Daniel? Ganoon ka-espesyal ang relasyon nila? At anong silbing diploma ang tinanggap nila ngayon? Lalo na si Alyana. Tumatanggap ng isang diplomang pinagputahan? Diplomang natamo dahil sa pagpatol kay Daniel? Kaya pala madalas siyang may pera bukod sa ibinibigay ng kanyang mga magulang. Kaya pala laging bago ang mga damit at sapatos. Kaya pala pati siya at ang kanyang mga kapatid ay nabibilhan ni Alyana. Hindi niya alam na galing pala iyon kay Daniel. Kung alam lang niya, sana hindi niya tinanggap. Manloloko! Nang matapos na ang graduation ceremony at nauna nang umalis ang mga magulang ni Alyana at Daniel. Muli, tinangka ni Alyana na lumapit sa kanya. Kaninang umaga pa itong lumalapit sa kanya pero naiwas siya. Lumalayo. At ang ikinaiinis niya ay yung mukha ni Alyana na parang walang nangyari. Yung mukhang aakalain ng kahit sino ay parang wala siyang ginawa. Painosente? Akala siguro ni Alyana hindi pa alam ni Gelo ang lahat ng nangyari kagabi kaya yung tingin niya sa binara ay okey pa ang lahat. Yung kanyang pagiging sweet kay Gelo ay ganoon pa rin. Hindi niya alam kinamumuhian na siya ng binata.. "Baby ko, yeyyyy! Graduate na tayo! College na ako next year at pangako, magtatapos ako para sa atin" mahinang bulong ni Alyana sa kanya at isinuksok pa niya ang kamay niya sa bisig ni Gelo at ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ng binata. Tinanggal niya ang kamay ni Alyana na nakapulupot sa kanyang bisig. Bahagya niyang itinulak palayo ang dalaga. Umusog ang dalaga sa kanyang kinauupuan sa silong ng sampalok sa likod ng kanilang paaralan. Nagtataka si Alyana ngunit hindi ito nagtanong. Muling ngumiti si Alyana kasabay ng pagpapakita ng diploma at medal niyang Salutatorian kay Gelo. “Happy graduation sa’yo, sa atin.” "Salamat! Ang saya-saya ko, baby ko. Sobrang saya ko lang." Muli siyang lumapit at niyakap si Gelo. Minabuti ni Gelo na tumayo na parang wala siyang naririnig. "Kapag makatapos ako. Kapag guminhawa ang buhay ko. Kapag may marating ako, masasabi kong maipagmamalaki mo rin ako baby ko! Wait, bakit hindi mo ako hinintay kaninang umaga?" paanas at tuwan-tuwa niyang sinabi para hindi marinig ng mga naroong kaklase nilang parating at palapit sa kanila. "Bakit kita hihintayin e, nandun ang boyfriend mo." Namula si Alyana. "Anong sinasabi mo? Boyfriend? " mahina ang pagkasabi ngunit halatang may diin. Lumakad si Gelo palayo. Hindi niya mapigilan ang pag-agos ng kanyang mga luha. Ayaw niyang umiyak eh. Ayaw niyang makita ni Alyana na mahina siyang klaseng lalaki. Hindi dapat umiiyak ang lalaki. Hindi dapat nagpapakita ng kahinaan. Iyon ang sabi ng Tatay niya nang nabubuhay pa ito. At sinasabi rin niya sa sarili niya na bakit niya iniiyakan ang kagaya lang niyang babae. Dapat hindi siya iyakin. Dapat mga babae lang ang umiiyak. Tang-ina lang! Ayaw niyang makita siya na iniiyakan niya si Alyana. Ayaw rin niyang makita siya ng mga kaklase nilang naluluha siya. Mabilis ang ginawa niyang paglakad papunta sa magubat na bahagi ng kanilang school para umiwas. Doon sa walang halos pumupunta. Doon sa malaya niyang maiiyak ang sakit ng loob na kinikimkim niya kay Alyana. Unang pagkabigo, unang sakit ng loob dahil sa pagmamahal. Ramdam ni Gelo na sumusunod sa kanya si Alyana. Ngunit hindi nagsasalita ang dalaga. Hindi siya pinigilan ng dalaga. Basta ang alam lang ni Gelo ay bumubuntot si Alyana saan man siya pupunta. Huminto si Gelo. Umupo at tuluyan nang yumugyog ang kanyang balikat dahil sa gusto lang niyang iluha ang lahat ng sakit ng loob niya sa babae. Kaysa saktan niya ito, kaysa pagbuhatan ng kamay, mas pinili niyang iiyak na lang ang kanyang narraamdaman. Kaht pa isipin ng iba na kabawasan iyon ng kanyang pagiging lalaki. “Tang-ina! Ganito ba katindi ang pagmamahal ko sa’yo na aabot pa ako sa ganito?” "May nakita ka ba kagabi? Bakit hindi mo ako diretsuhin nang hindi ako nangangapa kung anong kasalanan ko sa iyo. Sabihin mo sa akin, Gelo. Ipamukha mo sa akin ang lahat nang pag-usapan natin." Tinignan ni Gelo ang dalaga na tigib ng luha ang kanyang mga mata. Huminga siya nang malalim. Hindi niya pwedeng solohin lang ang sakit. Kailangang malaman din ni Alyana ang kanyang hinanakita sa kanya. Napakababa na ng tingin niya sa dalaga at hindi nita alam kung paano pa niya mahahalin ang babaeng hindi na niya pinagkakatiwalaan at nirerespeto. “Sagutin mo ang tanong ko, may nakita ka ba kagabi? May alam ka ba sa nangyari?” "Oo, nakita ko kayo. Nakaluhod si Daniel sa harap mo habang sarap na sarap kang idiin ang ulo niya. Binuhat ka niya sa kama at ibinigay mo ang sarili mo sa kanya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD