IBINUKO

1406 Words
Chapter 17 Pag-uwi niya sa bahay nila ay nahiga siya sa papag niya. Iniisip pa rin niya ang mga sinabi sa kanya ni Alyana. Pilit niyang iniintindi si Alyana, inisip niya ang tungkol sa kanila pero kahit anong pag-intindi ay di niya maunawaan kung bakit kailangang katawan ang kapalit ng pag-aaral niya. Kung paano niya nagagawang ipalit ang kanyang puri sa kanyang pangarap. Hindi pa ba sapat na tanging lakas niya at talino ang gagamitin niya para sa kanyang pag-aaral? Nang magtatakip-silim na at maingay ang mga bisita ni Alyana ay lumabas siya hindi para makipagsaya sa mga bisita ng dalaga kundi para magpahangin sa dalampasigan. Kanina pa pabalik-balik ang Nanay ni Alyana para imbitahan siyang kumain. Kahit si Sinong nakailang balik na rin pero hindi siya sumasagot. Mabuti at kinuha na muna ng Tito Edwin niya ang mga kapatid niya at siya lang ang nasa kubo nila. Nang lumabas siya ay nakita agad siya ng kanilang mga kaklase. Niyakag siya ngunit tumango lang siya. Nagkahulian sila ng tingin ni Alyana ngunit siya ang unang umiwas ng tingin. Nakasalubong niya si Daniel . Tumitingin sa kanya na parang may gustong sabihin ngunit nilagpasan nita lang ito. Hindi pa siya handang kausaping muli di Daniel maliban na lang kung siya ang lalapitan. Malakas ang hampas ng alon s dalampasigan na para bang sumasabay sa nararamdaman niyang galit. Kahit pa malamig at malakas ang hangin parang hindi napupuno ang kanyang baga sa hangin. Parang sumisikip ang kanyang paghinga. Ilang saglit pa ay lumapit na sa kanya ang taong gusto sana niyang iwasan muna dahil baka hindi niya makontrol ang sarili. Ngunit mukhag siya talaga ang sadya.. May dala itong beer. Halatang nakainom na. "Sarap ng hangin dito sa tabi ng dagat ano?” pasakalyeng sinabi ni Daniel. “Presko. Saka tahimik pa ang paligid. Parang lahat ng polusyon na naipon ng baga ko sa lungsod ay nasasama sa paghinga ko at napapalitan ng presko at malinis na hangin." "Paano mo naatim na bilhin ang puri ng babaeng alam mong walang-wala? Paano mo nagawang pagsamantalahan siya dahil may pera ka?" diretsahang tanong ni Gelo. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa. Tumungga si Daniel ng alak. Hinarap siya. Umiling-iling at ngumiti. "Tungkol ba ito kay Alyana?” “Oo. Gusto kong pag-usapan natin ang tungkol sa kanya.” “Alam mo napapansin ko, parang may pagtingin ka kay Alyana. Kaibigan ka ba talaga niya o may dapat akong malaman tungkol sa inyo. Ano ka ba talaga niya?’ “Alam ko ang ginawa mo sa kanya kagabi. Alam kong binili mo ang kanyang puri. Binili mo ang kanyang p********e. Ganoon ka ba kadesperado?" “Sandali. Ang bilis ah. May mga tanong ako na hindi mo sinasagot. Ganoon ka kadiretso? Ilang taon ka na ba uli?” “Walang kinalaman ang edad ko sa nakikita kong mali. Ang mali sa mata ng kahit binatilyo pang kagaya ko ay mali rin sa mata ng lahat kahit ng kaedad mo. Pinilit mo ba si Alyana? Binayaran para makuha ang kanyang p********e?” “Bakit? May angal ka? Sino ka ba?” “Sagutin mo ang tanong ko!” “May usapan na kami dati na kapag 16 na siya, ibibigay niya sa akin ang kanyang p********e dahil sa laki ng utang ng pamilya nila sa akin. Yang nanay niya, buhay yan dahil sa akin. Yung negosyo nila sa palengke, ako ang dahilan no’n at pati yang pagpapatayo ng bahay nila pagkatapos was akin ng bagyo, ako lahat ang gumastos. Ngayon, panahon na para mabayaran ako. Saka ano naman sa’yo? Hindi mo ba alam na nagmamahalan kami?” “Noon. Nagmamahalan kayo, noon, bro.” “Kahit ngayon. Kami hanggang ngayon. Papayag ba siyang ako ang escort niya sa graduation niya mismo kung hindi? Papayag ba siyang sasama sa akin sa Manila at titira sa akin, magli-live-in kung hindi niya ako mahal.” “Kayo? Magkasama kayo sa Manila? Magli-live in kayo? Pumayag siya?” “Hindi mo alam?” “Hindi niya sa akin sinabi? Iba ang sinabi niya sa sinasab mo ngayon.” “Bakit? Kailangan mo bang malaman ang lahat? Ano ka ba niya? Magkaibigan lang naman kayo, hindi ba? May negosyo ako at alam ko, kapag nasa Manila na kami, magpapakasal na rin ‘yan sa akin.” “Anong negosyo mo? Droga ba?” Ngumiti si Daniel. “Mautak ka ‘no?” Naglabas ng parang tawas at foil sa kanyang bulsa. “Ito bro. Ito ang nagpapayaman sa akin ngayon. Ito ang tingin kong magpapayaman sa amin ni Alyana.” Umiling si Gelo. Hindi nga siya nagkamali. Ang kapal ng mukha ni Daniel ipakita iyon sa kanya. Siguro, iniisip niya na dahil binatilyo at probinsiyano lang siya, wala siyang magagawa kahit pa sabihin niya sa kanya ang kanyang pinagkakaperahan. Proud na proud pa si Daniel. “Hindi lang ito ang negosyo ko. Marami akong negosyo. Ito, meron lang ako ne’to kasi gusto ng tatay ni Alyana na bilhan ko siya. Gusto mo? Subukan mo. Yung mga ganyang edad, dapat nag-e-explore ka muna. Mga ganyang edad dapat maranasan mo na kung paano maging high. Kung may isang libo ka riyan, bibigay ko ito lahat sa’yo. Pwede mo ‘tong magamit ng kahit ilang Linggo basta titipirin mo. Kung mabitin ka, text mo ako, may magde-deliver sa’yo. Marami akong kakilala na magbebenta sa’yo. Kung gusto mo, kikita ka rin dito. Lalo na mukha ka naming matino, kaya hindi ka pag-iisipan, bro. Saka sa dami ng turista rito, magkakapera ka nang malaki. Iyon ay kung gusto mong yumaman.” “Ibang klase ka talaga ano? Ang kapal din ng mukha mo.” “Oww! Bro, walang ganyanan. Cool ka lang!” tinapik ni Daniel ang balikat ni Gelo na akala mo, close sila. Parang sa tingin kasi ni Daiel sa kanya, hindi siya dapat seryosohin. Sa tingin niya, harmless siya. Bata lang at walang kayang gawin para pabagsakin siya. “Alam ba ni Alyana ito?” “Hindi. Akala niya, legit lahat ang negosyo ko. Akala nga niya, hindi nagamit ang tatay niya ng ganito.” “Sigurado ka bang sasama siya sa’yo?” “Kinukumbinsi ko. Kinukumbinsi ng kanyang mga magulang. Sasama ‘yan lalo na kung tutulungan mo ako. Mukha kasing close na close kayo eh. Magkano ba? Matulungan mo lang ako.” Okey lang ba sa’yo na yung binili mo, hindi na bago?” Ano?” kumunot ang noo ni Daniel. “Anong pinagsasabi mo?” “Yung binili mo kagabi, parang peke, parang gamit na. Walang lang ba ‘yon sa’yo?” Hinawakan ni Daniel ang batok ni Gelo. Dumiin iyon. Masakit pero walang kasinsakit ang nararamdaman niya. Sumasabog ang dibdib niya sa galit. “Mag-usap nga tayo ng masinsinan. Ano ba talaga ang gusto mong sabihin?” “Ano bang binili mo kay Alyana, pagmamahal niya o pagkakababae? Kaya ka nagbigay ng 100,000 para sa kanyang virginity, hindi ba?” At, anong gusto mong sabihin? Bakit hindi mo ako diretsuhin?” “Bakit hindi ikaw ang unang sumagot muna sa tanong ko, sa tingin mo ba, legit ang nabili mo kagabi? Worth ba yung 100,000 kahit gamit na?” “Ikaw ba? Ikaw ba ang nakauna sa kanya?” tumaas ang boses ni Daniel. Tumingin si Gelo sa mga nagkakantahan sa videoke na bisita ni Alyana at mga bisita rin ng mga magulang niya. Pero si Alyana, napansin niyang kanina pa hindi pa mapakali. Urong-sulong sa paglapit sa sa kanila. “ANO? Magsalita ka! SAGUTIN MO AKO! Anong alam mo? Sino ang nakauna sa kanya?” Ngumiti lang si Gelo. Mabilis niyang tinanggal ang kamay ni Daniel sa batok niya. Nasasaktan na kasi siya sa pagpisil ni Daniel. “Umamin ka sa akin, may alam ka ba kung sino ang nakauna kay Alyana?” “Oo! Ako, bro. Ako ang nakauna kay Alyana. Hindi lang minsan. Dalawang beses bro. Gamit ko na ang binili mo. Libre kong nakuha! Ngayon, anong kaya mong ipagmalaki sa akin ngayon ha?” singhal niya kay Daniel. Nagbago ang mukha ni Daniel. Itinapon niya ang hawak niyang bote ng serbesa sa isang bangka. Nabasag iyon. Lumikha iyon ng ingay. Pumuwesto si Gelo. Handa siyang lumaban. Handa siyang ipaglaban si Alyana kahit pa sa tingin niya, hindi pa sila okey ng dalaga. Mukhang sa wakas, mapapalaban na talaga siya at hindi siya patatalo. Sa galit niya, kaya na niyang pumatay. Hindi iya basta-basta isusuko lang si Alyana lalo pa't sa kagaya lang ni Gelo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD