Chapter 53 “Wala naman. Bakit parang defensive ka?” “Bakit naman ako magiging defensive?” “Hindi lo alam. Baka lang may tinatago ka. Baka lang may nililihim ka? Baka lang may gusto kang sabihin sa akin tungkol sa trabaho mo?” “Wala. Ayos lang naman ako at ang trabaho ko. Mabait naman si Kuya Zanjo hindi ba? Tingin mo ba, masama ang pinasok kong trabaho sa kanya?" "Hindi ko alam. Hindi ko alam kung kailangan ko siyang pagkatiwalaan. Kilala niya kasi si Daniel. Baka nga magkaibigan sila. Kung magkaibigan nga sila, ibig sabihin iisa lang ang kanilang dugo. Isa pang ipinagtataka ko, mukhang andami niyang ibinibigay sa’yo nitong mga nakaraang araw.” “Utang niya ang buhay niya sa akin kaya natural na may binibigay siya sa akin.” Masakit kay Gelo na magsinungaling pero kailangan. “Pasensiy