Chapter 54 Bumagsak si Gelo sa tabi ni Alyana. Ang ilang sandaling iyon na nagsalpukan ang mainit nilang mga katawan ay parang naiwan sa balintataw ni Gelo. Ninamnam niya ang kiliting sarap sa bawat himaymay ng kanilang pagniniig. Tanging malalim na paghinga at pigil na pag-ungol ang tanging bumabalot kanina sa kuwarto nila bilang pagpapatunay sa pinagsasaluhan nilang sarap na para bang iyon na ang pinakatugatog. Pagkatapos ng mainit na pagniniig ay nagulat si Gelo sa sinabi ni Alyana. “Sa ayaw mo’t sa gusto. Sasamahan kita ngayon sa trabaho mo. Gusto kong malaman ang buo mong ginagawa. Kung anong transaction ang madala mo sa aking sinasabi. Kung paano sa ilang linggo mo nagawang itago sa akin na droga na pala ang iyong ikinakalakal?” Napalunok si Gelo. Hindi nga tanga si Alyana. Hin