Yssa's POV
Dalawang linggo na ang nakalipas at dalawang linggo na rin kami sa Stardom. At dalawang linggo na ring nagpabalik-balik si Nathan doon. Pero hindi na lang siya pinapansin ni Lika.
Eto kami ngayon, papasok ng room. Umupo na kaming apat and as usual may mangungulit na naman.
"Hi girls!" si Gian, kasama ang tatlo.
Di na lang namin pinapansin. Masisira pa araw namin pag pinansin namin yan. Lalo na si Lika.
Nag-uusap silang apat na lalaki. Bakit daw hindi namin sila pinapansin. Kesyo daw magsalita kami, eh kung ayaw namin? May magagawa ba sila? Isa pa, wala naman kaming gustong sabihin sa kanila.
Dada lang sila ng dada. Lalo na si Gian. Siya lang naman ang pinakamaingay sa kanilang apat. Nakakairita na ah!
"PWEDE BANG TUMAHIMIK KAYO?" sabay na sigaw naming apat at nagkatinginan kami.
"Chill!" natatawang sabi ni Gian na nakataas ang dalawang kamay.
Napatingin ako sa dalawa na natatawa din. Si Kirby nakangiti lang habang nakatingin sa akin. Tiningan ko din pabalik, ng masama!
Nagsi-upo naman silang apat. Ayun, tumahimik din.
As usual, wala namang ibang nangyayari. Favorite subject namin? Breaktime.
-
Lunch time na at papunta na kaming cafeteria ng biglang may narinig kaming sumigaw.
"Ano ba! Bitiwan niyo nga ako!" may sumigaw na babae mula sa pinakadulong classroom na malapit sa cr ng second floor.
Napahinto kaming apat at nagkatinginan.
"Sandali lang, isa lang naman eh!" boses ng isang lalaki ang narinig namin na parang natatawa.
"Pakawalan niyo na 'ko!" sigaw na naman ng babae.
We went near the room kung saan namin naririnig ang sigaw.
"Tumahimik ka nga!" sabi naman ng isang lalaki. I think there are four men inside.
Tumingin si Hazey sa amin bago niya sinipa ang pintuan.
Nagulat ang apat na lalaki but an evil smile formed on their lips.
"Pare, eto pa pala oh! Balita ko mga transferred students 'to ng kabilang section." sabi ng isang lalaki sa mga kasama niya habang papalapit sa amin.
Napatingin ako sa babae na bukas na ang uniform, buti na lang may sando.
Lalapit na sana ang isang lalaki pero sinuntok ko na. Natumba siya at parang hindi pa makapaniwalang tumingin sa akin. Sinuntok ko siya ulit samantalang ang tatlong kasama ko, sinugod yung iba. Pagkatapos ay tumakbo ang apat na lalaki palayo sa amin papunta sa isang sulok ng kwarto. Tinataas nila ang kanilang mga kamay tanda ng pagsuko.
Walang ni isa ang nagsasalita sa amin. Nilapitan ni Angela ang babae at inakay palabas habang inaayos ang damit niya.
"Yssa, dito muna kayo. Pupunta lang akong discipline office." sabi ni Lika at lumabas na. Binantayan namin ni Hazey ang apat na lalaki.
Dumating ang Student Council Officers at binitbit palabas ang mga lalaki. Tiningnan ko sila at sabay-sabay silang yumuko palabas kasama ang mga officers.
Mga walang hiya. They had the guts to do dirty things inside the school. Mga utak munggo.
Sumunod kami ni Hazey sa kanila. Si Lika pinuntahan si Angela at ang babae para dalhin din sa Discipline Office.
"Ms. del Prado, anong nangyari? " tanong ng Discipline Officer namin sa babae.
"kasi po ma'am..." di na ko nakinig. basta ang naintindihan ko lang ay tinangka siyang pagsamantalahan nung apat. Siguro dahil maganda naman talaga ang babae at cheerleader pala ng cheerleading team ng basketball team.
"Eh anong nangyari dyan sa apat?" tanong ulit ng DO namin.
Nagkatinginan kaming magkakaibigan.
"Ahhh, binugbog po namin." Cool na sagot ni Hazey na parang wala lang.
"Hindi nga?" sabay na sabi nung apat.
"You don't believe us, do you?" naniningkit ang mata na sabi ni Lika.
"Yeah, yeah! We believe you." sabi na lang ng DO. Siguro na se-sense niya na baka magkagulo pa.
"So much for that, girls, thankyou. And you Ms. del Prad, mag-ingat na lang next time. I will talk to the admin regarding this matter. One thing is for sure. They will no longer be students of this Academy. You may go now. " sabi ng DO at ngumiti sa amin.
Lumabas na kami ng office at nagpasalamat na din samin si Marie. Marie pala name niya. It's pretty, like her.
We went to cafeteria after that. Ginutom akon doon ah!
Kirby's POV
Bilib talaga ako dun sa apat. Napabagsak nila yung apat na lalaki nayun? Eh may g**g yung mga yun eh!
"Alam mo bro, hindi talaga ako makapaniwala na napatumba nila yung apat na yun. Bilib na ako." sabi ni Gian na manghang-mangha.
"Oo nga bro, akalain mo yun." sabi naman ni kevin na naiiling habang ngumingiti.
" Eh baka naman black belter sa martial arts. " sabi ni James na hindi din makapaniwala.
"Pero mga pre, may type ako dun. I don't know what is it about her but I'm really drawn to her. Si Angela." sabi ni Kevin na hindi pa din nawawala ang ngiti sa mga labi.
Speed lang.
"Ewan ko sa inyo. Bahala nga kayo dyan! " sabi ko sabay tayo at labas ng Student Council Office. Pupunta muna akong cafeteria.
"Oy! Pre, san punta mo?" tanong ni Gian na tumayo na rin at sumunod sa akin.
"Sa impyerno. Sama ka? Ok lang kung gusto mong mauna." walang kwentang sagot ko sakanya.
"Langya ka, pre." sabi ni Kevin pero sumunod din naman ang mga gago.
Ewan ko ba kung bakit naging kaibigan ko ang mga 'to.
Bago ko makalimutan, magpakilala muna ako. Ako nga pala si Kirby Louise Concepcion, 17 years old. I'm the President of Student's Council. Actually, it is supposed to be Gian's position, at ako ang VP niya dahil mas matalino siya, kaso loko-loko ang gago. Madaming record. Alam niyo kung ano? PDA lang naman. Kahit saan mo 'yan makita, nakikipaghalikan lang sa kung sinong mga babae. And Gian Abueva is the Campus' Casanova Prince. Wala pang sineseryosong babae ang ugok na 'yan. Pero siya ang upcoming valedictorian.
Si Kevin Montero naman ang pinaka romantic although wala pang aging girlfriend 'yan. Sweet lang talaga pero tingin ko, nakahanap na yan ng katapat. Yung si Angela. Si Kevin ang VP for Peer Facilitator. Si James Reyes naman ang pinakamatahimik at varsity player ng basketball. Actually kaming apat varsity, pero siya ang Team Captain. Si James naman ang VP for Discipline.
Naglalakad kami ngayon papuntang cafeteria. Pero mukhang nagkakagulo.
Anong nangyayari?
Agad naman kaming tumakbong apat para malaman kung anong nangyayari. And to our surprise, nakita namin ang 7 lalaki sa sahig at apat na babaeng nakatayo.
" ANONG KAGULUHAN ITO?! " sabay na sigaw naming apat.
-
Angelika's POV
"Anong kakainin niyo?" tanong ni Hazey habang papasok kami ng cafeteria.
" CHOCO-STRAWBERRY CAKE!!!" sigaw naming tatlo habang nakangiti ng malapad.
Pumila kami since marami ring nagla lunch ngayon. Nung si Yssa na dapat ang susunod, may lalaki na sumingit.
"Hey! excuse me. na-una ako sayo. Pwede ka naman sigurong pumila diba?" sabi ni Yssa sa kanya.
" Sa gusto kong sumingit eh! Sino ka ba? Sigurado ako na bago ka lang dito. Kaya umayos ka!" sigaw niya kay Yssa. And since ako yung nasa likod ni Yssa, ano pa nga ba?
"Gusto mo talagang masampolan no?" tanong ko sa kanya ng nakapamewang.
Nalipat naman ang tingin niya sa akin. "Sino ka din ba?" tanong niya. "At sino ka para matakot ako sayo?"
Lahat ng tao sa cafeteria sa amin na nakatingin.
"Dapat lang na matakot ka. Ang liit mo kaya." sarcastic kong sabi although mataas naman siya kumpara sa amin pero patpatin siya.
"Sinusubukan mo talaga ako ah?" sabi niya niya at naglakad papalapit sa akin at nilagpasan si Yssa.
"Oh? boss, anong nangyayari?" sabi ng isang lalaki na may kasunod pang limang losers din. Natawa ako sa iniisip ko.
"Yan? boss niyo? You're kidding right?" sabi ko sa kanila sabay turo sa "BOSS" daw nila. Tuluyan na akong natawa.
"Aba't! Sino ka ba ha? Hindi kami pumapatol sa babae, pero wag niyo kaming subukan!" sabi ni boss daw.
"Edi umalis kayo dyan! Nauna kami sa pila." sabi ko naman sakanya.
Hindi siya sumagot at tinalikuran ako para um-order.
Hinigit ko ang uniform niya at pagkaharap niya ay sinuntok ko siya. Napaatras siya at mabuti na lang nahawakan siya ng mga kasama niya.
Sumugod sila sa amin, at magpapatalo ba kami? We have battled against the strongest and craftiest men in our group. Even against our parents. Sila lang, mga estudyante na gangster wanna be.
Ang mga tao sa cafeteria ay parang nanonood ng action movie. Nung natumba ang pitong lalaki ay parang mga bubuyog sa ingay ang mga nanonood sa amin.
Bigla lang natahimik nung may sumigaw na.
"Anong kaguluhan ito?"
Nagkatinginan kaming apat dahil papalapit sina Kirby samin at bigla na lang kaming tumakbo.
Wala lang. Para may thrill naman yung araw namin. Dumiretso kami sa rooftop ng building namin at tumambay hanggang matapos ang klase. Bukas na namin po-problemahin ang ginawa namin sa cafeteria. Marami namang witness na yung mga lalaki na 'yon ang may kasalanan.