Angela's POV
Thank God It's Friday!
Yeah, friday ngayon and the last time I checked, 3 days ago pa kami nakapag-exercise. Remember the cafeteria incident? Natatawa pa rin ako pagnaalala ko yung pagtakbo namin. Ilang beses na din kaming tinanong ng apat na miyembro ng Student Council kung ano daw ba ang nangyari. But since sina Yssa ang may-ari ng school, hindi na kami nagpaliwanag. Hindi naman kami ma sususpend eh.
The class is still going on right now at antok na antok na ako. Boring eh! History ba naman ang lesson. Sulat lang ng sulat ang teacher.
At dahil bored na kaming apat at kami ang nasa pinakadulong bahagi ng classroom, malapit sa fire exit, naisipan naming mag cutting.
"Psst. Tara na!" sabi ni Lika at nauna ng lumabas ng fire exit. Sumunod kaming tatlo. Buti na lang at hindi kami napansin ng teacher namin na kumakausap ng blackboard.
By the way, let me tell you something. Remember our band where we play at Lika's Bar? Our band's name is Fire Exit. The reason why Fire Exit is because since nung nasa High University pa kami, pag nagcu-cut class kami, sa Fire Exit kami dumadaan. At kaming apat ay tinatawag na The Rooftop Princesses ay dahil sa rooftop kami pupunta pag nagcu-cut kahit na we are far from beimg princesses. Siguro sa mukha lang, but we fight like soldiers and warriors.
And if you ask me if what do we usually do during our cuts in the rooftop, all I can say is, we always have nice dreams if we are here.
Yeah, we're sleeping.
Good thing Yssa had the rooftop ready since the first day of classes.
Kevin's POV
History namin ngayon and as usual history classes with history teacher is equal to boredom. Pero nagsusulat na lang kami because we were asked to take down notes.
Tumingin muna ako sa kabilang side namin. Oh? Bakit wala na silang apat?
"Kirby, James, Gian! Ba't wala sila?" tanong ko sa tatlo.
Napatingin si Gian sa akin mula sa pagsusulat "Aba ewan ko! Tayong apat ang magkasama, ba't kami tinatanong mo?" walang kwentang sabi niya.
"Bro, bukas ang fire exit! Hindi kaya lumabas 'yung mga 'yon?" sabi naman ni James.
"Anong kayang ginawa nung mga 'yon?" sabi ni Gian na nakalagay pa ang kamay sa baba niya na tila nag-iisip.
"Yaan niyo na sila. Malalaki na yung mga yun." sabi ni Kirby na patuloy lang sa pagsusulat.
Tumahimik na silang tatlo samantalang ako ay hindi mapakali. Saan ba sila nagpupupunta?
"Sir!" tawag ko sa teacher namin na nagsusulat sa blackboard.
"Yes, Mr. Montero?" tanong niya sabay ng paghinto niya sa pagsulat.
"Sir, may I go to the clinic? Masama po kasi pakiramdam ko." pagpapalusot ko sakanya. Gusto ko kasing mahanap sina Angela.
"Ok, you may go. Mr. Abueva, please take your friend to the clinic." sabi ni Sir kay Gian.
"Copy Sir!" sabi ni Gian sabay salute pa ng loko.
Tumayo kaming dalawa. Napatingin ako kay Kirby na nakakunot ang noo na nakatingin sa akin. Hindi ko na lang pinansin at lumabas na kasama si Gian. Pagkalabas na pagkalabas ay tumakbo ako agad.
"Uy!" hinabol ako ni Gian. "Pre, sandali!" sigaw ni Gian habang nakasunod sa akin.
Saan ba ako pupunta? Saan ko sila hahanapin? Libutin ko na nga lang ang buong school.
"Uy bro, lagpas na tayo sa clinic." sambit ni Gian habang naglalakad na lang kami.
"Hindi naman ako sa clinic pupunta eh!" sabi ko sakanya habang lumilinga sa paligid.
"Ano? Eh saan ka pupunta? " tanong niya na humahabol sa akin.
"Hahanapin ko sina Angela." sabi ko at huminto na.
"Langya ka naman! Saan mo naman sila hahanapin?" nagtatakang tanong ni Gian.
"Ewan ko. basta dapat mahanap ko sila." nag-aalala kasi ako. Lapitin pa naman sila sa disgrasya. Parang palaging may mga kaaway.
Hindi na nakasagot si Gian ng tumunog ang phone niya.
"Oh bakit?... Andito kasama si Kevin... Hindi... Andito, naglilibot. Hahanapin daw yung apat... Andito na kami sa labas ng cafeteria... Sige, hintayin na lang namin kayo."
"Sino yun?" tanong ko na naglakad papasok ng cafeteria. Still no sign of them.
"Si Kirby. Nagtatanong kung asan tayo. Pupunta daw sila." sagot naman niya.
Lumabas na lang kami ng cafeteria at hinintay sina Kirby.
"Oh? Saan na natin sila hahanapin?" tanong ni Kirby na bagong dating kasama si James.
"Woah! Bilis ah!" sabi ni Gian na ngumingiti ng mapang-asar kay Kirby na naka poker face.
"Sige, asar pa Gian. Saan natin sila hahanapin?" tanong ulit ni Kirby.
"Nalibot na namin lahat ni Gian lahat ng pwede nilang puntahan. Pero meron pang isa na hindi pa namin napuntahan. " sabi ko sa kanila.
"Saan?" sabay na tanong nina Kirby at James.
Nagkatinginan kami ni Gian "Rooftop!" sabay naming sigaw.
Nagkatinginan kaming apat at sabay sabay na tumakbo paakyat.
We were panting heavily nung narating namin ang pintuan ng rooftop. Huminga muna kami ng malalim hanggang sa naging okay na at binuksan namin ang pinto.
Pagpasok, may nakita kaming apat na babae na nakahiga sa sahig na may blanket at natutulog.
Umupo ako sa tabi ni Angela. Nagsi-upuan na din ang mga kasama ko. Pinagmamasdan ko si Angela at may narealize ako...
Gusto ko siya. Gusto ko siyang kilalanin. Gusto ko siyang alagaan.
"Pre! baka malusaw 'yan sa tingin mo" pang-aasar ni Gian na hindi ko pinansin. Ngumiti lang ako.
"Gusto mo siya noh?" tanong naman ni James.
Hindi na ako sumagot. Dahil kahit naman sabihin kong hindi, alam nila ang totoo.
"May plano ako!" sambit ni Kirby. Lumapit kami sa kanya at sinabi niya ang plano niya.
-
Angelika's POV
Nandito kami ngayon sa cafeteria. Kumakain. Kasama namin sina Kirby, Gian, Kevin at James. Trip daw nila dito eh! At napagtrippan din nila kaming isama sa trip nila.
Kung hindi lang sana si Kevin ang naki-usap, hindi sana kami papayag. Mabait naman kasi si Kevin kumpara sa isa dyan!
Habang kumakain, napag-usapan nina Angela at Hazey ang tungkol sa tugtog namin sa Mudshake.
"Guys, nuod kayo ng tugtog namin mamaya?" aya ni Angela sa kanila.
"Marunong kayong tumugtog?" bobong tanong naman ni Gian.
"Duh? Kakasabi lang diba?" sabat ko sakanya sabay irap.
"Oo nga. Sabi ko nga." pagsuko naman niya. Aba! Himalang di siya pumatol sa pambabara ko.
"Oh ano? Game kayo mamaya? 6pm!" sabi naman ni Hazey.
"Sige. Game!" sabay na sabi ng apat at nagngitian sila sa isa't-isa. Creepy if you would ask me.
Pagkatapos nun, bumalik na kami sa classroom.
-
4pm na. maaga dismissal namin dahil may faculty meeting daw. Naglalakad na kami papuntang carpark ng may bigla na namang sumulpot.
"Girls, sabay na tayo. Carpark ba punta niyo?" tanong ni Kevin kasama ang tatlo.
"Sige." sabi naman ni Yssa.
Tumabi na naman sa akin si Gian pero hindi ko na lang pinansin. I'm not in the mood.
Pagdating sa carpark ay sabay na naglaglagan ang panga namin sabay mura.
"SH*T!" sigaw naming apat sabay takbo papunta sa kani-kaniyang kotse namin.
Pano ba naman? Flat gulong ng sasakyan ko. Flat rin yung sakanila. Apat kami na flat-an ng gulong ng kotse. Saan kami sasakay ngayon? Hassle pa naman pag nag-taxi kami.
Napa-face palm na lang ako.
"Girls, sabay na lang kayo sa amin." alok ni Kevin kaya napatingin kami sakanya.
" Yssa, sa akin ka na sumabay. " sabi ni Kirby sabay higit kay Yssa papasok ng kotse niya.
"Guys, una na kami." sabi ni Kirby sa amin at umalis na.
"Hazey, sa akin ka na sumabay." sabi naman ni James.
Kusa namang sumama si Zey. " bye, guys! " sigaw niya bago pumasok sa sasakyan.
"Angela, sa akin ka na sumabay." sabi ni Kevin kay Angela.
Yumuko pa ang kaibigan ko na parang nahihiya. "Ah. Sige." feel ko type niyansi Kevin. Feel ko lang naman. Di ako sure.
"Oh paano ba yan? tayong dalawa na lang. Mag taxi ka na lang." sabi ni Gian. Sinamaan ko siya ng tingin. "Joke lang, eto naman!" natatawang sabi niya. Naglakad siya papunta sa kotse niya at sumunod ako.
"Nakakatawa 'yon?" sarkastikong tanong ko.
Hindi na niya pinansin 'yung sinabi ko "sakay na!" at pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse.
"Thanks." sabi ko with a smile. He's not that bad after all. Siguro mali lang yung unang pagkakakilala namin. And the next encounters. Pero ngayon, I can say na maloko lang talaga siyang tao.
Sinabi ko 'yung name ng subdivision namin. Alam naman niya 'yung way papunta doon.
"May boyfriend ka?" tanong niya out of the blue. Napatingin ako sa kanya.
"Wala. Bakit?" tanong ko naman sa kanya.
"Hindi nga?" parang hindi pa siya makapaniwala.
" Wala nga talaga." pagpipilit ko naman.
"Sige na nga. Maniniwala na ako." sabi niya. "Ex? Meron?" tanong niya ulit.
Natahimik ako at hindi na nakasagot.
Hindi na din naman niya pinilit. He must have sensed that it was a sensitive topic for me.
"I was fooled by someone who I thought loved me." biglang sabi ko. Wala naman na siyang sinabi. Hindi din niya siguro ako narinig.
Tumingin na lang ako sa labas ng bintana hanggang sa nakarating kami sa bahay.
Nakita kong binuksan ni Hazey ang gate.
Napatingin si Gian sa akin. "Oh? Iisa lang bahay niyo?" takang tanong niya.
"Yup. Kaming apat lang ang nakatira dito." sabi ko sakanya sabay ngiti. I feel bad for not talking to him during the ride.
Ngumiti lang siya saakin pabalik. "You okay?"
"Oo naman!" tinanggal ko ang seat belt ko "Thanks for the ride." sabi ko sakanya at bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"Don't worry. Hindi ko gagawin sa'yo 'yung ginawa niya." ngumiti siya bago niya binitawan ang kamay ko. Ngumiti ako pabalik at lumabas na.
Hindi ko maintindihan ang sinabi niya. Ano ang ibig niyang sabihin?
Ay! Bahala na nga.