Angelika's POV
"Good morning!!!" Sigaw ko pagka-gising na pagka-gising ko. Humikab muna ako at nag inat bago umupo sa kama.
Natulala ako. First day in the last year of our Senior High. Hay. I don't know what to feel.
Tumayo na ako at pumasok sa banyo. I did my daily routine. Toothbrush. Ligo. And many more! Marami kasi akong ginagawa sa cr. Nagbababad sa bath thub. Naglalaro ng rubber ducky. Minsan nga kumakanta pa ako gamit ang hand shower. Lakas ng trip ko eh.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay lumabas na ako. Gigisingin ko pa yung mga 'yun. Pa special kasi.
Una kong pinuntahan ay si Angela.
"Gel, gising na." Sabi ko sabay yugyog ng balikat niya pero...
" .. "
No comment. Snobber Queen, Angela Bordones. Pero isa pa nga.
"ANGELAAAAAAAAAAAAAAA!" Ayan! Mabingi ka sanang tulog mantika ka.
"Ay aswang!" sigaw niya sabay tayo. Wow, ang ganda niya. Buhaghag ang buhok na akala mo ay dinaanan ng ipo-ipo, may mga muta pa sa mata at higit sa lahat, may panis na laway. Like, ew!
"Yuck, Gel. Ang pangit mo! Maligo ka kaya muna bago mo ako sabihan na aswang. Mas mukha ka pa ngang aswang kesa sakin eh." sabay irap ko.
"Oh edi sorry. Psh." sagot naman niya sabay tayo.
"Maligo ka na, may pasok na tayo." sabi ko habang papalabas na ng kwarto niya.
"May pasok na tayo?" tanong pa niya. Napahinto ako sa paglalakad at nilingon siya.
"Oo, kaya bilis na magluluto pa ako." sagot ko at tuluyan na sanang lalabas ng napahinto na naman!
"Ikaw mgaluluto?!" sigaw niya na nagpasakit ng eardrums ko. Kinuyom ko ang kamao ko at pumikit bago ko siya hinarap ulit.
"Oo! Bilisan mo na! Anong oras na! 7:30 pasok natin." sabi ko na parang nagmamadali.
"Ha?! 7:30?!" Ulit na naman niya.
Naiirita na talaga ako. "Lintek naman! Kanina mo pa inuulit yung nga sinasabi ko ah! Unli ka ba te?"
"Hehehe joke lang!" sabay peace sign niya.
Tawa-tawa pa siya. Parang timang. "Sige na. Gigisingin ko pa sila. Labas na 'ko." sabi ko nag lakad na naman palabas.
"Haaa?! Labas ka na?" at nahinto na naman ako. Naglakad ako pabalik sakanya at binatukan na siya.
"Hehehe joke ulit. Peace na tayo." Sabay takbo papasok sa banyo. Parang tanga talaga.
Sunod kong pinuntahan ay ang kwaro ni Zey.
Wala siya. Asan na 'yun?
Nakapasok na kasi ako sa room niya. Eh, hindi naman yan nag lo-lock ng pinto. Sa pinto na lang muna ako tumayo.
Biglang bumukas ang cr ng kwarto ni Hazey at nakita ko siyang lumabas.
"Oh, Lika. Andyan ka pala. Anong ginagawa mo dyan?" Ngiting-ngiti pa siya nyan ah.
"Eto, nags-swimming. Ansaya nga eh. Sarap lumangoy." Sarcastic na sagot ko. "Like duh? Zey, malamang nakatayo. Ang aga pa, natanga ka na." sabi ko sabay irap.
"Eto naman! Ang aga-aga. Nambabara." sabi niya habang papunta sa walk in closet niya.
"Di ka pa ba nasasanay? Sige na, I'll wake Yssa up." sabi ko at naglakad na palabas.
"Ay! Kanina pa 'yun gising. Nakapagluto na nga 'yon. She's just waiting for us downstairs. Tapos na rin siyang maligo!" Sigaw niya habang nasa loob ng walk in closet niya.
"Ganun ba? Sayang ako pa sana ang magluluto." Sabay tawa ko.
"Ikaw? Magluluto? Hahahaha nagpapatawa ka ba?" at tumawa siya ng malakas.
"Ang bad mo Zey. Oo na! Ako na ang hindi marunong. Hmps." Sabay walk out ko.
Bumaba na lang ako at nakita ko si Yssa sa sala na nakaupo.
"Gising ka na?" Tanong niya.
Napairap na naman ako. Hindi ko alam kung ika ilan ko ng irap ito.
BAKIT BA ANG TATANGA NANG MGA TAO? YUNG TOTOO? GAGUHAN TAYO DITO?!
"Ay naku, Yssa. Tulog pa po ako. Namamalik mata ka lang." Pambabara ko. "Yung totoo magkapatid kayo ni Zey? Pareho kayong tanga." sabi ko habang papalapit sa kanya.
"Kapatid ka dyan! Mas maganda ako sa kanya." sagot naman niya.
Ang fe-feeler ng mga tao ngayon noh? Taas ng tingin sa sarili. Di gumaya sakin. Char.
"Oh edi wow!" sagot ko at dumiretso na lang sa kusina. Sumunod naman siya. Hahaha bahala siya kung tingin niya sa sarili niya maganda. Basta ako, ang alam ko, ako ang pinakamaganda sa lahat.
Sabi ko nga ang humble ko talaga.
Maya-maya pa ay bumaba na din ang dalawa. Nagsimula na kaming kumain. Walang pansinan. Galit kami sa pagkain.
-
Andito ako ngayon sa sasakyan ko at nagd-drive papuntang Stardom. Kinakabahan ako sa first day. I just want to end my last year in high school as peaceful as it can be. Ayoko ng complications. As much as possible, kahit sina Yssa ang may-ari nito, we want to have a low profile.
Pagka-park namin ay dumiretso na kami sa classroom namin. Pero di pa kami nakakaalis sa parking area ng makita ko... siya.
Why is he here? Anong kailangan niya?
Tiningnan ko ang tatlo at naggkaintindihan naman kami.
Nagdire-diretso lang ako ng lakad habang ang tatlo ay nasa likod ko.
Pero napatigil ako nung hawakan niya ang kamay ko.
"I need to talk to you Angel." sabi niya
Hindi ko siya tinitingnan dahil nakatalikod ako sa kanya.
Biglang pinaghiwalay ni Yssa ang mga kamay namin.
"Umalis ka na Nathan. Wala na kayong dapat pag-usapan. You chose to end your relationship. What more do you want?" mahinahong sabi ni Yssa sa kanya.
"Please Angel. I need to talk to you. Just call me when you're ready. Please." Sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko at tumalikod na.
Angel... I am his Angel. Siya lang ang tumatawag saakin niyan. Ganyan niya ako kamahal. Or so I thought.
Gustong kumawala ng luha ko pero pinigilan ko 'yon. Kakasimula pa lang ng araw. Sira na agad 'yung akin.
Naglakad na lang ulit ako at sumunod naman silang tatlo. Hay! It will be a loooong day.
Yssa's POV
First day of school at eto, badtrip si Lika. Eh sino ba naman ang hindi mababadtrip kung umagang-umaga eh yung Nathan na yun ang makikita niya?
Alam namin na nasasaktan si Lika. She is acting tough, which she always do. But we know as her bestfriends na nasasaktan siya. That she keep it all to herself. We really want to help her. But it seems that she doesn't want any help.
Kung nagtataka kayo bakit Angel at Nate ang tawag nila sa isa't isa, well that's their term of endearment. Lika is not a fan of Baby, Loves, Honey, Sweetheart or whatever. Kuntento na daw siya sa pangalan na silang dalawa lang ang tumatawag sa isa't isa.
And here we are. Nakatayo sa harap ng bulletin na kanina ay maraming nagtutulakan at ngayon ay wala na. Nagtataka nga ako, bakit wala na ang mga estudyante na kani-kanina lang ay parang mga bubuyog sa sobrang ingay.
Pagtingin namin sa likod ay may nakita kaming apat na lalaki na naglalakad sa gitna. Ano 'to? Mga nag fe-feeling heartthrobs?
Psh. Di naman mga kagwapuhan. Akala mo kung sino.
"Tabi nga!" Sigaw nung lalaki na mukhang seryoso at... okay fine! Gwapo na.
Pero ano daw?
Bigla akong napatingin sa kanilang tatlo. Kay Zey na nakakunot ang noo, kay Angela na busy pa din sa pagtingin sa bulletin board at kay Lika na mukhang uusok na ang ilong sa sobrang pagka badtrip.
"At bakit naman kami tatabi aber?!" Sagot ni Lika sa kanya.
"Dahil titingin kami ng section namin. Kaya tumabi na kayo miss." Sabi naman nung lalaking mukhang... PLAYBOY! Kung makangiti akala mo model ng toothpaste.
"Hindi niyo ba nakikita na tumitingin din kami?! We got here first!" Uh-oh. I smell war. Wag niyo nang dagdagan ang pagka badtrip ni Lika. Please lang po.
"Lika, stop. Ayaw natin ng away diba? Tara na. 12-A tayo." Awat ni Angela na di pala tumigil sa kakahanap ng mga pangalan namin.
"Eh ang yabang kasi eh! Sino ba kayo ha?!" Sigaw ni Lika. Nameywang pa ang gaga.
"Kami lang naman ang nasa first 4 highest position ng Student Council." sagot nung mukhang seryoso.
"So?" pagtataray ni Lika sa kanila. na hindi pa din inaalis ang kamay sa bewang niya.
"Eh kayo? Sino ba kayo? Bago kayo dito? Bakit ang susuplada niyo?" Tanong nung mukhang playboy.
"Ako? Ako ang may-ari ng lupang inaapakan mo ngayon." Sabi ko sabay alis. Sumunod naman silang tatlo. Pero may pahabol pa si Lika.
"Bye losers!" sabay lagay ng kamay sa noo na naka-L. Napailing na lang ako. She can be a badass and childish at the same time. But more stress on the BADASS.
Habang naglalakad ay panay ang reklamo ni Lika tungkol sa pagkasira ng araw niya. Andami niyang sinasabi at reklamo.
"Tama na 'yan. Hayaan na natin 'yung mga 'yon." Sabi ko ng nakarating na kami sa room. "Dun na tayo umupo sa dulo."
Umupo kami sa pinakalikod na mga upuan. Malapit kami sa fire exit.
Nung dumating ang aming teacher ay nagpapasalamat ako na hindi namin kaklase yung mga 'yun pero...
"Ay puta-." Rinig kong sabi ni Lika sabay takip ng bibig niya. Tumingin siya saamin at nagkibit-balikat na lang ako.
"Okay class, good morning to you all. As I've noticed walang vacant chairs so this means walang absent. All you have to do for now is to introduce yourselves. And let's start with the four new students. Please come here in front."
Pumunta kami sa harap at isa-isang nagpakilala.
"Good morning to you all. I'm Kylie Yssa Guerrero. 17 years of age."
"Angelika Salazar, 17." 'Yan lang ang sinabi ni Lika. Very well said.
"Hi!" Energetic na sabi ni Angela. "Angela Bordones here! 17 years old."
"Hello guys!" All smile na sabi ni Zey. "Hazey Fernandez." Sabay wink.
"Okay girls. Thank you. So now, we will start here in front."
Bumalik na kami sa upuan ng biglang may sinabi ang teacher.
"And class, by the way, Ms. Guerrero is the daughter of the owner of this school."
"Oh!" Sabay na sabi ng mga kaklase namin.
At nung napadaan kami sa apat na lalaki...
"Akala ko joke lang 'yung kanina. Totoo pala." Sabi nung mukhang playboy.
"Psh." Sabat naman nung seryosong lalaki. Sungit! Madapa ka sana mamaya.
-
Angela's POV
Natapos na ang lahat at nahuli ang apat na lalaki.
"Kirby Louise Concepcion."
"Gian Abueva here!"
"Kevin Montero." Sabay bow at smile.
"Kyaaaah!" Sigaw nung mga babae. Napataas ang kilay ko. Ano naman ang nakakasigaw dun?
"James Reyes."
Pagkatapos nun ay nagklase na ang teacher about sa History ng Stardom. Seriously? Ganito talaga? Alam na namin ang history nito. Natural kina Yssa 'to.
Boring. Boring. Boring.
Wala namang nakikinig sa aming apat. Puro nakatunganga. Kaya ang ginawa ni Lika ay sumandal sa bintana at pumikit. Si Yssa sinandal ang ulo sa sandalan at natulog. Si Zey ay yumuko. Ako naman? Sumandal at naglagay ng libro sa mukha.
Vacant time na. Naglalakad kaming apat papuntang cafeteria ng may nakabangga akong babae. At natapunan niya ako ng juice. Napatanga ako bago naka react. Sasabihan ko na sana yung babae na mag-iingat sa susunod kaso umalis na siya. WITHOUT EVEN SAYING SORRY!!!
Pinabayaan ko na lang. Wala naman na akong magagawa. Kaya dumiretso na lang ako sa CR to clean myself up.Hinintay naman ako nina Lika.
Pagkatapos kong mag-ayos ay dumiretso na kami sa cafeteria. Bumili kami ng food at naghanap ng vacant table para kumain.
Kumakain lang kami ng tahimik ng biglang may nagsalita.
"Girls, 'nu gawa nyo?"
Napaangat ang ulo ni Lika. "Kumakanta. Duh? Bulag ka ba? Kita mo nang kumakain nagtatanong pa. Uso ba talaga ang mga tanga dito?" Masungit na sabi nya.
"Bakit ba ang sungit mo?" Tanong ni... GIAN! Yung mukhang playboy.
"Eh bakit ba ang feeling close mo?" Tanong naman ni Lika. Kaming mga babae ay nanonood lang. Sanay na kami dyan kay Lika. 'Yung tatlong lalaki naman, natatawa na ewan. Hahaha.
"Mag-aapologize lang naman sana kami tungkol sa nangyari kanina. Pero wag na lang pala. Masama pala ugali mo." sagot ni Gian sabay alis.
Nalaglag ang panga ni Lika sa pagka-bigla at hindi na nakasagot.
Hazey's POV
Buti naman at uwian na. Makakapag relax na kami nito. Badtrip ang araw na 'to.
Una dahil kay Nathan. Pangalawa, 'yung apat na lalaking 'yun. Akala mo kay ga-gwapo. Sus. Oo nga, gwapo. Si Lika naman mas lalong na badtrip doon kay Gian. Hindi siya tumingin kahit isang beses kay Gian pagkatapos nung nangyari sa cafeteria.
At ngayon, kami ay naglalakad na papunta sa parking lot nang...
"WHAT THE HELL?! Argggh!" sigaw ni Lika. Paanong hindi siya sisigaw eh flat ang gulong ng sasakyan niya.
"Need help girls?" tanong ni Gian na bigla-bigla na lang sumusulpot.
"Need help mo mukha mo!" sigaw ni Lika sa kanya.
"Ikaw na nga ang tinutulungan, ikaw pa ang masungit!" Sagot naman ni Gian.
"Bakit? Hinihingi ko ba ang tulong mo?" sabat ni Lika pabalik.
"Tama na nga yan. Gian, alis na tayo. Yaan mo na sila dyan." awat sa kanila ni sino nga? Aah! Si Kirby.
At ayun, umalis na sila. Umalis na rin kami. Si Lika, sa akin na sumabay. Nakaupo siya sa front seat at walang tigil pa rin sa pagra-rant.
"Argghh! Kainis! Bakit ba ang malas ko ngayon?" sabi ni Lika.
"Yaan mo na. Paayos mo na lang ang sasakyan mo." sabi ko.
"Hindi lang naman yun eh! Si ... si ..." hindi niya ma tapos-tapos ang sasabihin niya.
"Nathan? Alam mo, kalimutan mo na lang siya. Alam ko never pa akong na inlove, pero I think, that's the right thing to do." sabi ko sa kanya habang nagmamaneho. Although I know it's not easy. Wala na rin naman akong masabi eh.
"Thanks Zey! pero bwisit talaga yung Gian na yun eh!" at nagsimula na naman siyang murahin si Gian.