Angela's POV
Nag-aayos na kami papunta sa bar. Sama-sama na kami papunta doon. Ang van ni Lika ang gamit namin.
"Tara na! 5:30 na oh!" sigaw ni Yssa sa amin.
"Wait lang! I'm coming " sagot ni Lika ng pasigaw dahil nasa taas pa siya.
Maya-maya pa ay nasa baba na ang lahat. Sumakay na kam ng van. Sa front seat si Lika, at kaming tatlo sa likod. Ang gamit namin andun na sa bar. May isang tagong room kasi doon na para talaga sa mga instruments namin.
Maya-maya pa, nakarating na rin kami. Nakita namin sa labas sina Kirby. Ang bar kasi nina Lika, para rin sa mga teenager from 15 years old and above dahil monitored naman lahat ng pumapasok dito. Para talaga 'to sa mga teenagers na ang gusto lang ay mag-enjoy at makinig sa mga tumutugtog dito.
Pagkababa namin, sinalubong agad kami nila Kirby at sabay-sabay na kaming pumasok sa loob.
We are just in time kasi kami na ang kakanta.
"Guys, upo na muna kayo. Aakyat na muna kami. See you later!" sabi ni Hazey sa kanila. Ngumiti naman sila at ag 'goodluck' sa amin.
Acoustic guitar muna kami ngayong lahat at kakanta ng Passenger Seat.
"Good evening everyone! The Fire Exit is here to sing for you . The song is Hindi Na Nga. So, sit back and relax. Enjoy the night everyone." sabi ni Lika at ngumiti siya sa mga tao.
Binigay naman sa amin ang aming mga gitara. at nag simula na kaming tumugtog.
Yssa:
Ang lahat ay nagbabago
Ganu'n din ang puso ko
'Di alam kung pa'no aamin
Kung dapat bang sabihin 'to
Angela:
Ngunit kailangan nang tapangan
At sabihin ang nararapat na
Hindi na nga
Hindi na nga
Lika:
Alam kong mali na
Pero 'di ko kayang bumitaw
At ika'y masasaktan
Dahil pangako ko'y walang iwanan
Alam kong huli na
Alam kong hindi na nga mahal
Hazey:
Oh ilang beses ding sinubukan
Pinilit ang nararamdaman
Pero kulang may kulang
Natatakot na malaman
Natatakot na inyong husgahan na
Hindi na nga, hindi na nga
Lika:
Alam kong mali na
Pero 'di ko kayang bumitaw
At ika'y masasaktan
Dahil pangako ko'y walang iwanan
Alam kong huli na
Alam kong hindi na nga mahal
All:
Alam kong mali na
Alam kong mali na
Alam kong mali na
Alam kong mali na
Lika:
Alam kong mali na
Pero 'di ko kayang bumitaw
At ika'y masasaktan
Dahil pangako ko'y walang iwanan
Alam kong huli na
Alam kong hindi na nga mahal
Hazey & Angela:
Hindi na nga mahal
Hindi ka na mahal
Yssa:
Ang lahat ay nagbabago
Ganu'n din ang puso ko
Nagpalakpakan ang lahat nung natapos kaming kumanta.
Tumayo na si Lika at nagsalita. "Thank you guys! Have a happy night! " bumaba na kami. pagkatapos at
sinalubong naman kami nung apat.
"You were so good! Bilib na talaga ako." sabi ni Gian na pumapalakpak papalapit sa amin.
"Isa pa nga! Isang sample pa." request naman ni Kevin.
"Sample niyo mukha niyo!" sigaw ni Lika. "De joke lang. Wala na. Sa susunod naman. Tama na. Reserve na 'yung iba sa next na punta niyo dito."
"Hey! Gian, is that you?" sabi nung babaeng lumapit sabay turo kay Gian.
"Uhh yeah? Do I know you?" tanong naman ni Gian na nakakunot ang noo.
"Oh come on. Gian, it's me. Your ex! " sabi naman nung babae na parang napahiya pero nakangiti pa din. In fairness maganda siya.
"Okay? If you say so. but honestly, I don't know your name." honest na sagot ni Gian.
"It's me, Therese. your ex way back 2nd year highschool." pilit nung babae.
Napatayo si Gian. "Oh okay. Nice to see you again." sabi niya sabay ngiti.
"Yeah, same. So, I'll go ahead na. Bye! " sabi nung babae at humalik pa sa cheeks ni Gian bago umalis.
Napaupo ulit si Gian at napasandal sa couch.
"Grabe ka pre. Pati ex mo hindi mo na matandaan?" pang-aasar naman ni Kevin sa kanya.
"Oh you shut up. Hindi ko talaga siya matandaan. Hayaan niyo na 'yun." sabi ni Gian na parang wala lang.
Napatingin ako sa mga kasama namin and I caught Lika throwing dagger looks at Gian. Hmmm.
Lika's POV
What the hell? Bakit ba ako naiirita dito? Hindi ko din alam kung paano nagsimula basta nairita na lang ako.
" Lika, samahan mo nga ako sa CR. Please? " sabi ni Angela na naka puppy-eyes pa. Muntanga.
"Okay! Guys, comfort room lang." paalam ko sa kanila. Pero hindi ko tinitignan si Gian. Wala lang. Hindi ko lang feel.
Pagpasok sa cr, I was about to enter the toilet ng may sinabi si Angela.
"Mind to tell me something." sabi niya ng naka pamewang pa. Luh? Anong problema nito?
"What? Ano namang sasabihin ko sayo?" tanong ko rin sa kanya.
" Come on, Lika. Bakit nakakunot ang noo mo, 'nung hinalikan ng babae si Gian?"
Ano? Anong pinagsasabi nito? Hindi naman kay Gian nakakunot ang noo ko ah!
"Ewan!" na lang ang nasabi ko.
" Anong ewan? May nangyari ba sa inyo kanina?" tanong pa niya.
Naiistress na ako dito ha. "Anong 'anong nangyari?' Wala ah!" maang ko.
"Lika. magkadikit na bituka natin. Spill it!" Niyugyog pa niya ako.
Winaksi ko ang kamay niya "Okay, fine. Siguro, naiinis ako, dahil..." Hindi ko masabi pero pinilit ko pa din. "Sinabi niya na... hindi niya ako... ahhh..."
"Ano ba! Pabitin ka naman eh! " bigla niyang singit niya. Sampalin ko kaya 'to? Joke lang.
Huminga ako ng malalim. "Oo na! kasi sabi niya... hindi niya ako lolokohin. Ganun. Kaya siguro ako naiinis. sana hindi niya na lang sinabi yun!" explain ko sakanya na hindi ko din maamin noong una pero nasabi ko na talaga.
"Yun naman pala eh! Tara na, balik na tayo." sabi niya at hinigit niya na ako palabas.
Ano? Ganun lang yun? Nagpasama siya sakin para lang tanungin 'yun?
"'Yun lang? Akala ko gusto mo mag cr?" takang tanong ko sakanya.
"Oo, yun lang. Kaya tara na." at dire-diretso lang ang lakad niya.
"Uhmm guys, una na ako. Girls, pasundo ko na lang kayo kay manong. Masama kasi pakiramdam ko eh. " sabi ko sa kanila.
" Lika, hatid na lang kita para hindi hassle kay manong na bumalik pa dito. " alok ni Gian.
Mabilis ko siyang tinanggihan. " Wag na. Kaya naman na ni manong eh. Girls, una na ko. Bye!" paalam ko sa kanila at umalis na.
Bahala siya dyan. Gusto ko ng matulog.
Papalabas na ako ng makita ko si Nathan sa pinto ng bar. Sa labas. Mukhang may hinihintay na naman! Not now. I'm not in the mood.
Umatras ako at bumalik na lang sa table.
"Oh ba't bumalik ka?" tanong ni Gian.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit? Bawal?" sabi ko naman sa kanya. Anong akala niya?
"Oh Lika, ano na namang problema mo? Bakit parang nalukot na naman ang noo mo?" tanong ni Hazey.
Hindi ko na sinabi. Tinuro ko na lang ang pinto gamit ang nguso ko. Na gets naman nila at napatingin.
"Anong ginagawa niya dito?!" pasigaw na tanong ni Yssa.
" Bakit? Anong problema?" tanong ni Kirby.
"Ah, wala!" sabi ko na lang.
Biglang tumayo si Yssa na sinundan naman ng dalawa. Naman! Ayaw ko pa siyang makita eh!
"San sila pupunta?" tanong ni Gian.
"None of your business." sabi ko sabay irap at tumayo na para sundan ang tatlo.
Tumayo din silang apat at sumunod.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Yssa sa kanya.
Hindi pinansin ni Nate si Yssa. Tumingin siya sa akin at nagsalita. "Ah, Angel, pwede ba kitang maka-usap? Kahit sandali lang." pag mamakaawa niya.
"Diba sinabi na niya sayo na tama na Nathan? Ano pa ba ang hindi mo maintindihan?" tanong naman ni Hazey sa kanya.
"Angel, please naman oh! Kahit ngayon lang. Hindi na kita kukulitin pa." sabi niya at hinawakan pa ako sa kamay.
"Dude, get your filthy hands off her." sabi ni Gian sabay tabig ng kamay ni Nate.
" Wag mo 'kong i-dude. Hindi kita kilala at hindi ikaw ang kausap ko. Sino ka ba, ha?" sabi ni Nate kay Gian.
"Ako? Ako ang boyfriend niya, bakit?" maangas na sabi ni Gian at pumunta pa sa gitna namin ni Nate.
Napatanga naman ako at hindi nakaimik.
"Angel, totoo ba?" tanong ni Nate sa akin.
Hinarang na naman ni Gian katawan niya sa gitna namin. "Bakit? May problema ka ba? " nanghahamon na tanong ni Gian at umakbay pa talaga sa akin.
"Nope!" sabi ko sabay kuha ng kamay ni Gian na nakaakbay sa akin. "He's not my Boyfriend " and I rolled my eyes.
Natahimik ang lahat. I took that opportunity na umalis.
"Sige guys! Alis na ako. Bye girls, boys! Girls, pasundo ko na lang kayo mamaya." sabi ko at umalis na.
Yssa's POV
Naka-uwi na rin kami. Pagka alis kasi ni Lika, sina Kirby na lang ang naghatid sa amin. Si Gian, nagpaiwan pa. Gustong pa daw niyang uminom. Ikaw ba naman ang ipahiya. Lalo pa at kilalang casanova pa.
Pagdating, naligo agad kami. Pagkatapos ay napagpasyahan naming tatlo na puntahan si Lika kaya sa kwarto na niya kami dumiretso.
Kumatok si Zey at hinintay ang sagot ni Lika.
"Pasok!" sigaw ni Lika mula sa loob kaya pinihit na ni Zey ang doorknob.
"Oh? Anong kailangan niyo?" tanong niya sa amin habang nakaupo sa kama, nagce-cellphone at nakasandal sa headboard.
Tumabi kami sa kanya. "Okay ka lang?" tanong ko sa kanya.
Napatigil naman siya. "Oo naman! bakit?" takang tanong niya pa.
"Ah, wala naman." sabi ko at nagkibit balikat na lang.
" Girls, may gusto sana akong itanong." biglang singit ni Angela.
"Oh? Ano na naman yan?" tanong ni Zey.
"Uhm, paano kung may nag sabi sa'yong isang lalaki na gusto ka niya, anong sasabihin mo?" tanong niya.
Napatigil naman kamin lahat.
Ako ang unang nakahanap ng salitang sasabihin. "Bakit? Sino bang nagsabi?" tanong ko.
" Basta! Sagutin niyo na lang!" sagot naman niya.
"In my opinion lang ha, be honest with yourself na lang. Sabihin mo din kung ano ang nararamdaman mo. Bakit? Sino ba ang nagsabi?" sabi naman ni Lika.
"si ano..." hindi niya matapos ang sasabihin niya. "Si... uhmmm.... si..."
"Sige! Matatapos talaga tayo sa uhmmm.. si.... uhm.... si... mo na yan Angela!" sigaw ni Hazey sa kanya.
"Oo na. Si ano..." tiningnan namin siya ng masama. "si... Kevin " sagot niya sa wakas ng nakayuko.
"Oh?! Talaga?!" sabay naming tanong.
"Oo nga!" sigaw din niya sa amin.
"So, anong nangyari?" tanong ko
"Oo na. Mag ku-kwento na." sabi niya at nagsimula'[- nang magkwento.
Angela's POV
-Flashback
Tahimik lang sa loob ng sasakyan ni Kevin. Siya daw kasi ang maghahatid sa akin. Oo na lang ako.
" Ah, Angela?" tawag niya sa akin habang nag d-drive.
Nilingon ko siya "Bakit?" tanong ko.
"I like you." bigla niyang sabi
Natigilan ako. Feeling ko ang pula na ng mukha ko.
"Bakit?" 'yun lang nasabi ko.
"Gel, may tanong ako." sabi naman niya.
"Ano?" tanong ko habang nakayuko.
"Pwedeng manligaw?" tanong niya.
Napaangat agad ang tingin ko sa kanya. Ano ba namang tanong yan? Naman! Hindi ko alam ang isasagot ko!
"Wag mo nang sagutin. Kahit pa hindi ka pumayag, liligawan pa rin kita." nakangiting sabi niya.
Sa labas ng bintana na lang ako tumingin. Tuluyan na akong hindi nakasagot. Maya-maya pa, nakarating na kami at bago pa ko makababa, he kissed me on my cheek! Hala ka! Mas pula pa siguro ako sa kamatis ngayon.
"Bye, Gel!" nakangiti siyang kumaway.
"Ah, sige bye!" 'yun na lang nasabi ko at bumaba na.
End of Flashback //
Yssa's POV
"So ayun nga ang nangyari. Ano nang gagawin ko? Ni hindi pa nga ako nagkaka boyfriend." reklamo ni Angela.
"Eh ano bang nararamdaman mo?" maingat na tanong ni Lika sa kanya.
"I think ..."
"You think what?! " sigaw ni Zey. Hindi halatang excited sa lapad ng ngiting pinapakita niya.
"I think... I feel the same." nakangiting sabi ni Angela.