This chapter is unedited. I'll be revising this just like the previous chapters. Thank you for understanding!
-
Hazey's POV
Saturday Today!
Andito kami ngayon sa Mall. Shopping nanaman! si Lika kasi eh! nag-aya na bumili ng mga damit. eh? hello?! ang dami na niya kayang damit!
" eto? maganda ba? " tanong ni Lika. andito kami ngayon sa favorite boutique niya.
" Lika, lahat naman maganda para sayo eh. ikaw na lang pumili. at bilisan mo. nagugutom na kami " sabi ni Yssa sa kanya.
" ok, sorry naman. sandali lang. babayaran ko lang 'to " sabi noya sabay pakita ng MGA damit na kinuha niya.
pagkatapos niyang magbayad, lumabas na kami at next stop, JOLLIBEE! yeah, Jollibee favorite namin.
" oh, ako na ang mag oorder. maghanap na kayo ng upuan. " sabi ni Angela.
kaya naghanap na kami. grabe! ang daming tao ngayon. saturday kasi.
" ayun! may bakante pa sa dulo. bilisan niyo, baka maunahan pa tayo. " sabi ko at binilisan naman nila ang lakad.
at nung malapit na kami. may umupong tatlong lalaki. teka! kilala ko to ah? wait.
" KAYO?! " sabay na sigaw naming tatlo at napatingin naman sa amin ang ibang kumakain
" Sorry! " sabay naman kaming tatlo
" oh? andito pala kayo. " sabi ni Gian
" ay wala! nakita mo diba? wala kami dito. " pambabara sa kanya ni Lika
" anong ginagawa niyo dito? " tanong naman ni Kirby
" mag sw-swimming! sama ka? " sagot naman ulit ni Lika. ano ba naman ang babaeng to. naman!
" oh, tama na yan Lika. kakain kami dito. kayo? bat kayo andito? " tanong naman ni Yssa sakanila
" malamang naman Yssa. edi kakain! psh " sagot ni Lika sa kanya. ay ang babaeng to talaga naman!
" oh? san kayo uupo? " tanong ni Gian
" sa sahig! try mo! psh " si Lika yan . haayy!
" oh eto pala, tapos nanaman sila, Kevin, paki isod ng mesa at upuan dito. para sabay na tayo. " sabi ni Kirby
" asan si James? " tanong ko
" aah, nag order pa siya, eh asan si Angela? " tanong naman ni Kevin
" Ehem! nag order din. oh! yan na pala sila eh " sabi ko. sabay pa sila haa. sige, hayaan na nga.
uyy! may sasabihin ako sa inyo, pero wag niyong sasabihin sa kanila ah? lalo na kay James, haha .
Crush ko kasi siya eh. uyy! wag kayong maingay ah? secret lang natin to.
" oh kain na tayo! " sabi ni Angela pagka upo. ag posisyon namin?
KIRBY JAMES YSSA AKO
/////////////////MESA\\\\
KEVIN GIAN ANGELA LIKA
kumain na kami.
ang tahimik naman. di ako sanay. kapagka kasi kaming apat ang kumakain, as in. sabog ang Jollibee. pano ba naman. ang ingay kaya namin kumain. at minsan nga kapag na tripan namin, nilalagyan namin ang isa't isa ng Ketchup o di kaya ng sundae . pero ngayon, naman! ok, it's time for me to break the ice
" Lika, uuwi na ba tayo pagkatapos nito? " tanong ko kay Lika since siya ang may contact kay manong driver. wala pa kasi ang sasakyan namin. pinaayos pa. hindi pa nahahatid sa bahay.
" yeah, nawalan na kasi ako ng ganang maglibot. at wala na akong ganang kumain. so if you'll excuse me, I'll go to CR. " at tumayo na siya at umalis.
pero bago pa siya umalis, tumingin muna siya kay Gian. oh? may problema ba sila?
maya-maya pa, natapos na kaming kumain at di pa nakabalik si Lika
* BeepBeep *
oh, may nag text. sino kaya to? buksan ko nga, ay! si Lika lang pala.
-- From: Lika
Girls, andito na ako sa kotse. kung tapos na kayong kumain at gusto niyo ng umuwi punta lang kayo dito. kung gusto niyo pang mamasyal, text niyo na lang ako. ok?
-- End --
" Guys, we need to go. " sabi ko sa mga lalaki. actually, sabi pala naming tatlo.
" aah, ganon ba? sige. ingat kayo. bye! " at ayun, umalis na kami
pagdating sa carpark, andun na si Lika sa loob ng van.
at sumakay na kami at umalis
Kirby's POV
umalis na sila.
" bakit kaya hindi ako kinakausap ni Angela? naman oh! " reklamo ni Kevin
" oh? bat ka walang kibo diyan? haa? Gian? " tanong ko naman kay Gian
" wala. tss " walang ganang sagot niya
" ayy! bahala nga kayo diyan. uuwi na ako. sige una na ako sa inyo! " sabi ni James at umalis na.
" uwi na rin ako. sige, una na ako. " paalam naman ni Gian
" sige, ingat. " sabi ko.
" oh? nasabi mo na ba kay Angela? " tanong ko kay Kevin. hindi pa niya kasi na kwento sa amin ang nangyari sa plano ko. Oo, yun ang plano ko. Effective kaya yun?
" oo, nasabi ko na. "
" oh, anong sabi? " tanong ko ulit
" wala. " sabi niya.
" wala? bakit wala? "
" eh sa wala talagang sinabi eh! pero sabi ko naman na liligawan ko parin siya kahit di siya pumayag. " sabi niya.
buti naman! dumadamoves na ang loko. pero sa tingin ko, may pag-asa naman 'to kay Angela eh.
James' POV
andito ako ngayon, naglalakad sa Park. wala lang. trip ko lang. angal? de joke lang.
dito ako dumiretso mula sa mall.
umupo na muna ako sa bench dito. kapagod kaya maglakad. Park ito sa loob ng High Mountains Subd. nagandahan kasi ako sa park na ito eh. nung hinatid ko si Hazey. nakita ko ang park na 'to.
nakinig na lang ako ng music. inilagay ko na ang headset sa tenga ko at pumikit.
pagdilat ko ...
siya ba itong nakikita ko?
kumakain ng Ice cream sa park?
teka nga tawagin ko.
" HAZEEEEEEEYYYY! " sigaw ko at lumingon naman. siya nga! tama ako. sabi na eh!
tumakbo siya papalapit sa akin.
" oh? anong ginagawa no dito James? " tanong niya nung makalapit siya.
" aah, wala. nakita ko kasi ang prk na to nung hinatid kita kahapon. ganda kasi eh. ang sarap sa mata. ma try ko nga i-drawing to. " sabi ko .
" aah. magaling ka ba mag drawing? " tanong niya.
" aah hindi naman. marunong lang. " sagot ko sa kanya
" asus! pa-humble pa! haha. de joke lang. ikaw lang mag-isa? " tanong niya.
" oo, ako lang. eh ikaw? wala kang kasama? " tanong ko naman
" wala. pwera na lang kung may nakikita ka na hindi ko nakikita. hahaha. Joke! ^____^V " sabi niya at nag peace sign pa.
Katahimikan ...
Silence ...
( katahimikan at silence, iisa lang yan James. )
-- alam ko miss author, kaya wag kang magulo diyan
( edi wag. psh. suplado )
-- siyempre joke lang miss author. labs kaya kita.
( haha . Labyootu James )
-- joke lang yun Miss author.
( aah ganun? psh. alam kong joke lang yan. o siya. proceed ka na sa POV mo. )
-- thankyou miss author
" gusto mo maglibot sa subd? " tanong ni Hazey.
" oo bah! tara, rent tayo ng bike. " sabi ko at hinila siya sa rentahan ng bike
"manong, pa rent nga. dalawa. " sabi ko kay manong.
at ayun, binigay na sa amin ang bike.
Nilibot namin ang buong subd. ang daldal pala nitong si Hazey. marami na rin akong alam sa kanya. kwento kasi siya ng kwento habang nag b-bike kami.
only child lang pala siya. actually sina Yssa, Angela at Lika mga only child din. ang family pala ni Hazey ay may sariling company. mahilig s
rin pala siya mag drawing, specifically mag Doodle. favorite colors niya ay black and yellow.
maya-maya pa, binalik na namin ang bike. dumidilim na din kasi. nagpaalam na siya.
" sige James, uwi na ako. thank you sa time. until next time, bye! " sabi niya at aalis na sana, pero hinawakan ko ang kamay niya.
" Thank you. " sabi ko at niyakap ko siya.
" sige, uwi ka na. alis na rin ako. thank you ulit . I had a great time. " sabi ko at bumitiw na sa yakap.
" sige bye! " sabi niya at umalis na.
kaya umuwi na rin ako