Palabas na s'ya ng university ng makita ang ama sa may kabilang kalsada, nakasakay ito sa kotse. Kumaway ito sa kanya. Ngumiti s'ya sa ama at kumaway din, saka tumawid ng kalsada, para puntahan ang ama.
Agad s'yang sumakay sa passenger seat at mabilis na pinaandar ng ama ang sasakyan. Iniiwasan pa rin nilang may makapuna sa kanila.
"Kumusta ang pag-aaral mo?" Tanong ng ama sa kanya.
"Ok naman po Dad, nasasanay na po ako sa mga bago kong kaklase, pati na sa unibersidad," sagot n'ya habang nakatingin sa labas ng bintana. Pinagsasawa ang mga mata sa magandang kapaligiran ng San Miguel.
"Mabuti naman, maaga natapos ang trabaho ko sa hardware kaya may oras tayo para kumain muna sa labas,"
"Kumusta po si Tita Asena?"
"She's fine and actually may good news ako kaya sinundo kita para kumain sa labas,"
"Ano po 'yon?" Excited na tanong n'ya sa ama.
"Doon ko na sasabihin sa iyo," nakangiting sagot ng ama.
"Sige po,"
Halatang masaya at kontento na ang ama sa bagong buhay nito. Deserved naman ng ama kung nasaan ito ngayon. Isa pa hindi naman nagkukulang sa kanya ang ama, kaya wala s'yang dapat ikatampo. Ginagawa naman lahat ng ama para sa kanya.
Nakarating sila ng ama sa karatig bayan sa San Sebastian. Hindi kasi sila basta-basta pwedeng kumain sa kung saan-saan, baka may makakilala sa ama.
Pumasok sila sa isang kilalang restaurant, may mga iilang tao sa loob at nakakasigurado s'yang walang nakakakilala sa ama sa loob, kaya ligtas para sa kanila ang kumain sa loob.
"Ano po 'yung good news Dad?" Excited na tanong sa ama habang kumakain.
"Excited ka ah," biro ng ama at nagpunas ng bibig. Uminom muna ito bago muling nagsalita. Nag-abang naman s'ya rito.
"Buntis ang Tita Asena mo, magkaka anak na kami," masigla balita ng ama.
Hindi s'ya agad nakasagot, nanatili s'yang nakatingin sa ama. Magkakaanak ang ama sa asawa nito, mabubuo na ang pamilya nito. Hindi n'ya alam kung ano ang isasagot at kung ano ang mararamdaman.
"Magkakaroon ka na ng kapatid Bianca," masiglang patuloy ng ama.
"Wow," sagot n'ya at pilit na ngumiti.
"Congratulation po Dad, sa inyo ni Tita Asena," sabi n'ya sa pinasiglang tinig.
Hindi kasi s'ya ngayon sigurado kung masaya nga ba s'ya para sa ama, ngayong mabubuo na ang pamilya nito. Bigla s'yang nakaramdam ng pag-aalala para sa sarili. Kung anong mangyayari sa kanya pag dumating na ang anak ng ama sa asawa nito. Napatingin s'ya sa ama na maganang kumakain. Halata n'yang masaya ang ama. At sana s'ya man ay maging masaya para sa ama.
Nag taxi s'ya pauwi ng Tragora Condominium. Hindi kasi s'ya pwedeng ihatid ng ama roon, baka may makakita sa kanila. Bago sila naghiwalay ng ama nagsabi na ito na kailangan nila ng doble ingat ngayon, dahil mas lalong hindi pa daw ngayon ang tamang panahon para ipakilala s'ya kay Asena. Alam naman n'ya 'yon, ayaw n'yang makaapekto s'ya sa pagdadalang tao ng asawa ng ama.
"Excuse me,"
Tinig ng lalaki ang nagpahinto sa kanya sa may lobby ng condo. Sinulyapan n'ya ang lalaking nakatingin sa kanya. Kumunot ang noo n'ya habang nakatingin sa gwapong lalaki. Oo gwapo ito, at may malakas na appeal 'yan ang unang napansin n'ya sa kaharap. Tila namukhaan n'ya ang lalaki. Ito yata ang nakasabunggo n'ya sa entrance ng building noong isang araw. Oo ito nga 'yong lalaki. Hindi basta-basta nakakalimutan ang ganito kagwapong mukha pag nakasalubong mo.
Matangkad ang lalaki, may pagka tan ang kulay ng balat. Gwapo as in gwapo mga 100% or more. Appeal same sa kagwupuhan nito. Manipis ang mga labi, matangos ang ilong at ang mga mata nito ay titig na titig sa kanya. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang obvious na pagsuri nito sa kanya. Maganda naman ang suot n'ya, uso ang ganitong pormahan sa San Miguel University. Tight skinny jeans and loose croptop na sumisilip ang flat n'yang t'yan. Isa pa maganda s'ya yan ang pagkakaalam n'ya.
"Do I know you?" Tanong n'ya sa lalaki kanina pa kasi s'ya sinusuri nito at masyado itong obvious. Ewan n'ya pero kumabog ang dibdib n'ya, bigla s'yang kinabahan sa gwapong kaharap.
Humakbang ang lalaki palapit sa kanya. Naamoy tuloy n'ya kung gaano ito kabango, amoy mayaman ito. Mukha naman itong mayaman sa tindig pa lang at pananamit nito. Mukhang hindi naman nalalayo ang edad n'ya sa edad nito. He is attractive to be honest.
"No," sagot nito na walang emosyon. At tinitigan s'ya muli sa mga mata. Pakiramdam n'ya hihimatayin yata s'ya sa mga titig nito. Hindi n'ya first time makakita ng gwapo, pero ito ang unang beses na may tumitig sa kanyang gwapo.
"I'm Liam Villanueva," pakilala ng lalaki sa pormal na tinig.
Lumalim ang kunot sa noo n'ya at napatitig sa gwapong kaharap na ilang hakbang lang ang layo sa kanya.
"Can I talk to you?" Tanong nito.
"About what?"
"About, Bernard."
Bernard?" Kunot noong tanong n'ya. Kasabay ang pagkabog ng dibdib n'ya ng marinig ang pangalan ng ama.
"Bernard Titular," patuloy ng lalaki. Nanlaki ang mga mata n'ya ng marinig ang pangalan ng ama.
"You are Bianca Tuazon right?" Tanong nito sa kanya.
Tuazon ang apelidong dala n'ya apelido ng kanyang ina, dahil 'yon ang narehistro sa ospital at dahil hindi naman kasal ang Daddy n'ya sa Mommy n'ya ay hindi na napalitan pa ang apelidong dala n'ya.
Napalunok s'ya at napatitig sa lalaki. Bigla n'yang naalala ang pangalang sinabi nito, Liam Villanueva. Villanueva ang apelido ni Asena ang asawa ng Daddy n'ya. Na kwento ng ama noon na may kapatid na lalaki si Asena. Hindi kaya ang lalaking kaharap n'ya ay kapatid ng asawa ng kanyang ama?
Muli n'yang tinignan ang lalaking kaharap, at pakiramdam n'ya hindi s'ya makahinga sa tensyon habang nakatingin sa mga mata nito. Nakita n'yang napatiim bagang ang lalaki at dumilim ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Napalunok s'ya at wala sa sariling napaatras ng isang hakbang. Maaari bang ang lalaking kaharap n'ya ngayon ay ang kapatid ng asawa ng Daddy n'ya? At bakit galit ang mga mata nitong nakatingin sa kanya? Kilala ba s'ya ng lalaki bilang anak ng asawa ng kapatid nito? Hindi ba't naging maingat naman sila ng ama para walang makatuklas dito sa San Miguel sa tunay nilang relasyon? Eh bakit nasa harapan n'ya ngayon si Liam Villanueva na tila may galit kung tignan s'ya?