Hindi n'ya maiwasan ang manginig at kabahan habang nakaupo katapat ang lalake na kanina pa titig na titig sa kanya. Nanginginig ang mga kamay na dinampot ang baso ng tubig. Niyaya s'ya ng lalaki sa isang coffee shop sa loob ng condo para mag-usap, nais man n'yang tumanggi para makaiwas ay hindi n'ya nagawa. Kaya kahit takot na takot ay sumama na s'ya.
"Obviously may idea ka na about Bernard Titular," sabi ng lalaki sa kanya.
"I- I don't- know- him," sinubukan n'yang mag deny kahit nanginginig ang tinig.
"Liar," agad na sagot ng lalaki sa kanya.
"I know who you are Bianca and I know kung ano ang relasyon mo kay Bernard!" Mariing akusa nito, sa galit na tinig.
Nakakasigurado na s'yang alam ng lalaking ito kung sino s'ya, at hindi ito ang tamang panahon para mabunyag ang lihim ng ama sa asawa nito, lalo na't magkakaanak na ang mga ito.
"I don't know what are you talking about Mr.," Sabi n'ya sa pilit pinatatatag ang boses.
Akmang tatayo na s'ya para makaiwas ng biglang hawakan ng mahigpit ng lalaki ang kamay n'yang nasa mesa, para pigilan s'ya sa pag-alis
"Stay!" Mariing utos nito sa kanya.
Napalunok s'ya at napasulyap sa kamay n'yang mahigpit na hawak ng lalaki. Agad naman 'yong binitiwan ng lalaki ng mapansing hindi na s'ya aalis.
"We need to talk Ms. Tuazon, marami kang dapat ipaliwanag," sabi ng lalaki at inilapag ang brown envelope na bibit nito. Napatingin s'ya sa envelope. Kumunot ang noo n'ya.
"Anong ibig mong sabihin?" Kunot noong tanong n'ya at aaminin n'yang nakakaramdam na s'ya ng takot sa gwapong kaharap. Na i-intimidate s'ya rito.
"See for yourself," sabi nito at iniusog sa harapan n'ya ang envelope.
Matagal n'yang tinitigan ang envelope at sinulyapan ang lalaking kaharap, nahuli n'ya itong nakatitig sa kanya. Doble-doble tuloy ang kabog ng dibdib n'ya. Takot sa laman ng envelope at kaba sa gwapong lalaking kaharap.
"Open it," utos nito sa kanya at hinila ang basong nasa tabi nito.
"Ano ba to?" Tanong n'ya na hindi magawang hawakan ang envelope. Ewan n'ya pero nakaramdam s'ya ng takot at panganib sa kung ano man ang nasa loob ng envelope.
"Bakit hindi mo buksan at ng malaman mo," sagot nito sa kanya.
"Sino ka ba?"
"I am Liam Villanueva," confident na sagot nito. Nagpakilala na ito kanina. Villanueva ang apelido ni Asena, posible kayang ang kaharap n'ya ngayon ay ang kapatid ni Asena?
"Buksan mo na," muling utos nito sa kanya habang hindi inaalis ang mga mata nito sa kanya.
Ewan n'ya pero hindi n'ya mapigilan ang panginginig ng mga kamay, nais man n'yang mag relax ay patuloy pa rin ang panginnginig ng mga kamay n'ya. At alam n'yang nakikita ng lalaking kaharap ang panginginig n'ya.
Dinampot n'ya ang envelope at kinapa ang laman non sa loob. Kumunot ang noo n'ya ng mahawakan ang tila mga photo paper, posibleng larawan ang laman ng envelope. Anong klasing larawan naman kaya? Sinulyapan n'ya ang lalaki na naghihintay sa kanya.
Kinuha n'ya ang isa at inilabas. Nanlaki ang mga mata n'ya ng makitang s'ya ang nasa larawan at ang Daddy n'ya. Kuha ang larawan sa condo building n'ya. Papasok silang mag ama sa loob. Nanginginig ang mga kamay na nabitawan n'ya ang larawan.
Sinulyapan ang lalaking kaharap na nakatiim bagang habang masuri s'yang tinitignan. Masamang tingin ang pinupukol nito sa kanya.
"Tigna mo lahat!" Mariing utos ng lalaki. Naptuptop n'ya ang sariling bibig at iniling ang ulo.
Alam na kaya ng lalaking ito ang relasyon nilang mag-ama? Ito marahil ang kapatid na lalaki ni Asena na nabanggit ng kanyang ama. Pero anong ginagawa nito? Pinasusundan ba nito ang Daddy n'ya? Hindi ito ang tamang panahon para lumantad s'ya at makilala ni Asena. Nagdadalang tao si Asena at baka makasama rito pag nalaman ang tungkol sa pagkakaroon ng anak ng pinakasalan nito.
"Tignan mo lahat!" Pigil galit na muling utos ng lalaki at hinila ang brown envelope at inisa-isa nitong inilabas ang mga larawan sa harapan n'ya.
"Tignan mo!" Mariing sabi nito.
Natigalgal s'ya sa mga nakitang larawan. Halatang pinasusundan ng lalaki ang Daddy n'ya. Maraming kuha sa condo, papasok at palabas silang mag ama. May mga kuha sa Unibersidad kung saan palihim s'yang sinusundo ng ama. Pati ang palihim na pagkikita nila sa San Sebastian ay may kuha ng larawan.
"Don't even try na mag deny pa, for sure kilala mo ang lalaking kasama mo sa mga larawan," matigas na sabi ng lalaki sa kanya.
Hindi s'ya sumagot, wala s'yang dapat sabihin sa lalaking ito, masisira ang pamilyang binubuo ng ama. S'ya ok lang kahit mag-isa na lang matapos magka pamilya ang ama. Kaya naman n'ya ang sarili, sanay s'yang mag-isa. Huwag lang sana ang kanyang ama na ngayon pa lang nakakaramdam ng kaligayaan sa buhay. S'ya bata pa s'ya kaya pa n'yang ayusin ang buhay n'ya. Pero ang kanyang ama hindi pabata kaya nga masaya s'ya ng makilala nito si Asena. Kwento kasi ng mga tiyahin n'yang nag-aalaga sa kanya mula daw ng mamatay ang kanyang Mommy sa panganganak sa kanya ay wala ng ibang babaeng kinasama ang Daddy n'ya, until Asena, kaya alam n'yang mahal ng Daddy n'ya si Asena, at ayaw n'yang s'ya ang maging dahilan sa pagkasira ng samahan ng mag-asawa. Handa nga s'yang maglahong parang bula para lang lumigaya ang kanyang ama.
"Sinusundan- mo- ba kami?" Garalgal na tanong n'ya.
"Obviously, yes!"
"Bakit?" Galit na tanong n'ya sa lalaki.
"Sino ka para pasundan kami?!" Galit na tanong n'ya.
Nagulat s'ya ng hilahin ng lalaki ang kamay n'ya sa mesa, mahigpit ang pagkakahawak ng lalaki roon, at nasasaktan s'ya.
"Lower you voice," banta nito. Napalakas kasi ang boses n'ya sa pinaghalong takot at kabang nararamdaman.
"Kung ikaw sanay ka sa eskandalo, huwag mo kaming idamay," patuloy nito.
"I am Liam, at kapatid ko ang asawa ng lalaking kasama mo sa larawan. Kaya may karapatan akong alamin kung ano ang relasyon n'yong dalawa ng bayaw ko!" Sagot nito na pigil ang boses, halatang ayaw nitong may makarinig na iba sa pinag-uusapan nila.
"Bitiwan mo ko!" Mariing sabi n'ya at pilit hinihila ang kamay, pero hindi 'yon pinakawalan ng lalaki.
"Tell me, Ms. Bianca Tuazon are you Bernard's Mistress?"