Kabanata 29 HALOS inabot din sila ng limang oras dahil nga sa matagal naman talaga magpa-rebond ng buhok. Hindi naman siya nagutom dahil marami rin namang pagkaing ibinigay sa kanya. At ito pa dahil hindi lang din basta rebond ang ginawa sa kanya dahil nilagyan din siya ng manipis na make up sa mukha. Nang mag-face reveal na ay halos hindi niya makilala ang kanyang sarili. Ngayon niya lang yata na-appreciate ang ganda niya at aminado siyang guilty dahil alam niyang kulang lang talaga sa kanya ang mag-ayos. Aminado rin siyang napabayaan niya ang sarili niya pero ngayon, masaya siya sa naging resulta. "You look so beautiful, dear!" bulalas naman ni Ma'am Delaila sa kanya. "Salamat po," nahihiya niya pang sagot dahil sa tanang buhay niya, ngayon lang din naman siya nakapag-ayos ng g