Kabanata 28 Bigla namang bumukas ang kabilang pinto kung saan nagkokonekta sa office ng lalaki. Iniluwa nito si Laurenzo. "Follow me," wika nito at pumasok ulit sa loob. Nag-aalangan man pero no choice pa rin siya at sumunod dito. Nang nasa loob na siya ng office nito ay naabutan niyang nakaupo na si Laurenzo sa swivel chair nito. "Coffee?" alok pa nito. "Puwede ba?" sagot naman niya. Siyempre kailangan niyang kapalan ang mukha niya paminsan-minsan. Lalo na ngayon na kabado siya. Kailangan niya ng kape para gumaan ang pakiramdam niya. "Go on," sagot naman nito. Agad din naman siyang tumalima at lumapit sa mini kitchen nito. "Do you know how to use that coffee machine?" bigla naman nitong tanong. Binalingan niya ito. Agad siyang umiling. Tumayo ito at lumapit sa kanya. It