Kabanata 26 "Sir? Ayos lang po ba si sir Laurenzo?" tanong niya nang nasa files room na sila. "Yes. He just got dizzy but everything's fine. Just don't mind if your hear a weird noise." "Sige po." Pagkatapos niyon ay iniwan na siya nito. Isinirado niya ang pinto. Wala naman siyang ibang gagawin kaya umupo na lang siya sa sofa at inilabas iyong cellphone na bigay sa kanya. Kinalikot niya ito at saktong konektado ito sa WiFi ng office. Since gusto niyang hindi ma-bore kaya nanood na lamang siya ng mga palabas sa isang website. HANGGANG sa nakailang palabas na siya nang maramdaman niyang bumibigat na ang kanyang mga talukap sa mata. Sa huli ay hindi niya na napigilan ang kanyang antok at nakatulog na sa sofa. NAGISING siya nang may marinig siyang malakas na kalabog. Dali-dali tu