Halos hindi ako humihinga ng mga oras na ito. Baka kasi pati paghinga ko ay marinig lalaking humahanting sa amin nina Itay at Carmela. Tudo dasal din ako na huwag sana akong mahuli ng lalaking demonyo na ‘to at tiyak na tapos ang maliligayang araw ko sa mundong ibabaw. Hindi pa ako handa para iwan ang aking kapatid.
“Master, paano po ninyo nalaman na may mga nawawalang kalabasa at mga talbos ng kamote?”
“Nagpunta ako rito kanina upang tingnan ang lahat ng mga tanim na nandito. At nakita ko pa ‘yung kalabasa kanina, nakita ko rin na wala pang mga putol ang mga talbos ng kamote. May pumunta ba rito na mga kasamahan mo para kumuha ng mga gulay?!” galit na tanong ng lalaki s kausap nito.
“Hindi ko po alam, Master. Hayaan ninyo po at aalamin ko kung sino sa mga kasamahan ko ang kumuha ng mga gulay mo---”
“Tiyakin mo lang na malalaman mo ka agad kung sino ang mga kumuha ng mga gulay ko. Alam ninyong ayaw ko ng mga tauhan na magnanakaw! Alam mo agad---!” galit na sigaw ng lalaking demonyo.
Narinig kong umalis na sila. Medyo sumilip ako at nakita ko ang likod ng lalaking humahanting sa amin. Nang tuluyang mawala sila sa aking paningin ay dali-dali na akong umalis sa pinagtataguan ko. Halos gumapang ako upang hindi makita.
Nakahinga lamang ako ng maluwag nang tuluyan akong makatawid sa alambre. Tuloy-tuloy akong pumasok sa loob ng bahay at pumunta sa kusina.
“Trish, saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap, ah?” sunod-sunod na tanong sa akin ni Tiyang Nenang.
“Diyan lang po sa tabi-tabi, may nakita akong nagbebenta ng gulay kaya bumili na po ako---” pagsisinungaling ko at sana lang ay maniwala si Tiyang Nenang.
“Mabuti at bumili ka ng gulay. Akin na ang hawak mong talbos ng kamote at isasama natin sa noodles na aking binili para naman may gulay tayong kakainin. Bukas natin gugulayin ang kalabasa na dala-dala mo.”
Agad kong binigay kay Tiyang Nenang ang hawak kong gulay. Nagpaalam muna ako rito para pumasok sa aking kwarto. Agad kong ini-lock ang pinto. Nanghihina akong sumandal sa likod ng pinto. Naisip ko rin ang nangyari kanina. Muntik na akong mahuli. Diyos ko po! May isa pa akong problema ngayon ang sinasabi ni Tiyang Nenang na tungkol sa pag-aaply ko bukas bilang labandera. Ano’ng gagawin ko? Hindi ako puwedeng makita? Baka oras na makita ako ay ‘yun na rin ang katapusan ng buhay ko.
Siguro’y sasabihin ko na lamang kay Tiyang Nenang na ang kapitbahay namin ay ang tao’ng humahanting sa amin.
Kaya naman agad akong lumabas ng silid ko para pumunta kay Tiyang Nenang. Pagdating sa kusina ay si Carmela ang aking nakita at wala si Tiyang Nenang.
“Carmela, nasaan si Tiyang Nenang? Umalis ba siya?”
“May sumundo rito na isang babae, Ate Trish. Pinapupunta raw siya sa malaking bahay tungkol doon sa paglalabandera at kailangan na raw kausapin ng may-ari ng bahay na ‘yun lalo at aalis daw ‘yun bukas para pumunta sa Maynila. Sana nga ay matanggap ka agad si Tiyang Nenang dahil malaking tulong ‘yun sa atin,” anas ni Carmela.
Ako naman ay parang nanghihina at nawalan ng lakas ang mga tuhod ko anong gagawin ko? Pero teka nga muna. Ako lang naman ang nakita ng lalaking ‘yun at hindi sina Tiyang Nenang at Carmela. Bahala na, kakausapin ko na lamang si Tiyang Nenang mamaya kapag dumating.
“Ate Trish, may problema po ba?” sunod-sunod na tanong sa akin ng kapatid ko.
“Mamaya ko na sasabihin kapag dumating na si Tiyang Nenang…” bulong ko sa aking kapatid. Tumingin ako sa harap ng malesa at nakita kong nakahain na pala si Carmela.
“Carmela, Trish!” narinig ko agad ang boses ni Tiyang Nenang at mukang nagmamadali ito. Hanggang sa tuluyan itong sumulpot dito sa kusina
“Natanggap na tayo sa trabaho. Bukas ay puwede na tayong magsimula---” tuloy-tuloy na litanya ng Tiyang Nenang.
Lalo akong kinabahan. Kaya agad akong tumingin kay Tiyang Nenang.
“Tiya, may problema tayo---” agad kong simula. Biglang kumunot ang noon ni Tiyang. Napansin kong nakikita nito na para akong kinakabahan.
“Problema, Trish? Ano ‘yun?”
“T-Tiyang Nenang, ‘yung may-ari ng malaking bahay at lupain at magiging amo natin ay siya ‘yung tao na humahanting kay Itay. Nakita ko siya kanina na naglilibot sa lupain niya. Kaya nga ako natagalang dahil nagtago ako at baka makita ako. Baka patayin din tayo katulad ng mga kasamahan ni Itay,” walang paligoy-ligoy na anas ko.
Nakita kong napahilamos sa mukha si Tiyang Nenang. Mukang na-stress ito sa aking sinabi.
“Ikaw lang naman ang nakita ng tao’ng humahanting sa tatay mo. At kami ni Carmela ay hindi. Saka ang sabi naman ng mayordoma na aking nakausap ay minsan lang daw ‘yung kung umuwi rito sa Sta. Barbaryo Saka hindi raw ‘yun basta nakikipag-usap sa mga kasambahay niya. Siguro ay huwag ka na lang magpapakita roon. Saka sayang din ang makukuha natin doon. Tingnan mo nagpauna na sa akin ng isang libo. Mas malaki siyang magbayad sa paglalaba. Ang kailangan mo na lang gawin at itago ang mukha mo, Trish. Hindi tayo puwedeng tago nang tago. Mamamatay tayong dilat ang mga mata. Saka, bukas ay may pasok na rin si Carmela. Nakausap ko na ang magiging teacher niya at ang sabi ay puwede na raw siyang pumasok bukas,” mahabang litanya ni Tiyang Nenang.
Hindi ka agad ako nakapagsalita. Tama naman ito. Hindi kami puwedeng magtago nang magtago. Kawawa naman si Carmela oras na umalis na naman kami rito. Lalo at naayos na rin ni Itay ang paglipat nito. Bahala na lang si Batman kung ano’ng mangyayari sa akin. Basta huwag lang masaktan ang pamilya ako ayos lang na ako ang masaktan.
“Hindi na lang po ako magpapakita sa tao’ng humahanting kay Itay. Tama ka po. Hindi tayo puwedeng magtago na lamang habang buhay.”
“Tama, hayaan mo’t bukas na bukas ay babaguhin natin ang ‘yung sarili upang hindi ka makilala. Hala, sige na at kumain na tayo,” agad na pagyaya ni Tiyang Nenang sa amin ni Carmela. Agad kaming dumulog sa harap ng lumang lamesa. Kahit simple lang ang ulam namin ay nabusog naman kaming tatlo.
Nang matapos kumain si Tiyang Nenang ay agad itong nagpaalam sa amin para pumunta sa kwarto nito. Inaantok na raw ito. Kaya mauuna na raw itong matulog. Inako naman ni Carmela ang naghuhugas ng plato. Sinabi nitong maligo na raw ako. Dahil ito ay nakaligo na rin kanina pa.
Marahan lamang akong tumango sa aking kapatid. Agad akong pumasok sa lumang banyo. Nag-igib muna ako ng tubig. Mabuti na lang at may poso rito at hindi ko na kailangan mag-igib sa malayo. Nang malagyan ko tubig ang lahat ng timba ay nagmamadali na akong naligo. Agad namang na-preskohan ang buong katawan ko nang matapos akong maligo.
Isang maikling short at black na damit ang aking suot. Ngunit hindi pa ako dinadalaw ng antok. Kaya naman habang nagsusuklay ako ay nagdesisyon akong lumabas ng bahay. Alam kong pumasok na rin sa kanyang silid si Carmela para magpahinga dahil may pasok pa ito bukas. Magpapahangin lamang ako rito sa likod bahay. Medyo malinawag ang sikat ng buwan kaya hindi masyadong nakakatakot.
Tumingin ako sa malawak na lupain na pagmamay-ari ng tao’ng humahanting kay Itay. Kung hindi ako nagkakamali ay sobrang yaman nito. Ngunit sobrang nakakatakot ang lalaki at para bang papatay ng tao.
Ngunit biglang kumunot ang aking noo nang makita ko ang malaking apoy sa lupain ng lalaking demonyo. Ano kayang nangyayari roon? Pero may nag-uutosa sa akin na alamin ko kung ano ang nangyayari roon. Hindi naman siguro ako makikita lalo at gabi na rin. Kaya naman agad akong tumawid sa alambre. Payuko-yuko ako habang naglalakad upang makarating lamang sa malaking apoy na ‘yun.
Nang makalapit ako ay mabilis akong nagtago sa likod ng malaking puno. Dahil nakita ko ang mga lalaking mag hawak ng baril. May narinig din akong dumadaing sa sakit. Hanggang sa mapatingin ako sa kaliwang daan. Kitang-kita ko ang isang lalaking papalapit. Sa tindig at paglalakad nito ay kitang-kita talaga na ito ay isang hari sa lugar na ito. Magkakasunod tuloy akong napalunok.
“Master, ayaw pong magsalita ng kaibigan ni Tirso. Tama nga ang hinala mong pinagtataguan ka na ng hayop na Tirso at kasama ang mga anak niya!”
“Pahirapan ninyo hanggang sa umamin. Hindi nila ako puwedeng pagtaguan habang buhay. I will kill them!” galit na sabi ng lalaki. Bigla kong natakpan ang aking bibig nang makita kong buong lakas nitong sinuntok ang lalaking nakagapos sa malaking puno. Punong-puno ng dugo ang katawan nito at mukha. Biglang kumunot ang aking noo nang makilala ko ang lalaki at ito lang naman ang driver ng truck na naghatid sa amin. Diyos ko po!
“Mukhang may dalawang paris ng mga mata ang nanonood sa ating ginagawa. Alamin ninyo kung sino ‘yun! At dahil sa aking harapan at ako mismo ang papatay sa kanya!” galit na sabi ng lalaking demonyo.
Halos lumuwa ang mga mata ko dahil sa sinabi ng lalaking demonyo.
Hindi puwede ‘to! Kailangan kong makaalis dito. Baka madamay pa ako at tuluyang mamatay ng wala sa oras.