Mabilis akong tumingala sa itaas ng puno. Kung aakyat ako rito ay tiyak na lalo akong makikita ng mga demonyong ‘to. Peste ano’ng gagawin ko? Muli akong sumilip at nakita kong mabilis silang kumilos para hanapin ako. Hindi ako puwedeng magtagal dito sa likod ng puno tiyak na makikita ka agad ako rito.
Kaya naman maingat akong gumapang papalayo sa kanila. Ngunit muli akong napahinto sa pag-gapang ko nang marinig kong nagsalita ang lalaking humahanting sa amin ni Itay.
“Sige lang, magtago ka lang at kung sino ka man. Ngunit huwag na huwag kang magpapakita sa akin. Dahil ako mismo ang papatay sa ‘yo!” malakas na sigaw ng lalaking demonyo. Magkakasunod tuloy akong napalunok. Lalo ring kumabog ng malakas ang dibdib ko. Pero hindi pa rin ako gumawa ng ano mang ingay.
“Nakaalis na siya. Ngunit kailangan ninyong bantayan ang lalaking iyan. Baka isa sa mga kasamahan niya ang nagmamasid sa atin. Maging alerto kayo sa nangyayari!” galit na sabi ng lalaki. Dahan-dahan akong sumilip at nakita kong umalis na ang demonyong lalaki. Kaya ang natira na ay ang mga tauhan ng lalaki. Kailangan kong iligtas ang driver na natumulong sa amin. Ngunit paano ko gagawin ‘yun? Pero hindi ko ito puwedeng pabayaan.
Kaya naman muli akong gumapang papunta sa puno na kung saan ako nagtatago kanina. Kailangan ko lang maghintay ng pagkakataon o tamang oras. Kailangan ko ring makalapit sa puno na ‘yun na kung saan naroon ang kawawang driver. Bahala na nga! Ang mahalaga ay makaalis ito rito baka patayin din ito ng demonyo na ‘yun.
Muli akong tumingin sa tatlong tao na nag-uusap. Nakatalikod sila kaya puwede akong makalapit sa kaibigan ng Itay ko. Kahit kabado ay nagmamadali akong lumapit sa likod ng pino. Agad akong sumandal sa likod ng puno.
“Manong, natatandaan mo ba ako? Ako ‘yung anak ni Tirso Vee…” bulong ko.
“Ano’ng ginagawa mo rito? Hindi ka ba nag-iisip na oras na makita ka ay puwede kang patayin ng mga tauhan ng Mafia na ‘yun! Umalis ka na rito…” bulong na pagtataboy sa akin ng lalaki.
“Hindi po kita kayang iwan dito. Kailangan ninyong makaalis dito. Baka patayin ka rin nila katulad ng mga kasamahan ng aking Ama…”
“Ano’ng gagawin mo? Kaya mo ba akong ialis dito? Hindi mo ba nakikita na may bantay ako? Umalis ka na rito bago ka pa makita nila. Hayaan mo na ako rito…”
HINDI ako nagsalita ngunit sinamantala ako ang pagkakataon para lang maalis ko ang tali sa katawan ng kaibigan ni Itay. Busy pa naman ang mga tauhan ng lalaking demonyo. Kahit ano’ng pigil sa akin ng kaibigan ni Itay ay patuloy pa rin ako sa aking ginagawa. Hanggang sa tuluyan kong maalis ang tali.
“Kailangan na po nating umalis dito habang hindi ka pa nakikita nila…” Wala akong narinig na salita mula sa lalaki. Ngunit nagulat ako nang mabilis itong nakalapit sa akin at agad akong hinila papunta sa malalagong damo.
“Bumalik ka na sa pinanggalingan mo ineng. Maraming salamat sa tulong mo. Ngunit hindi na kita maihahatid dahil tatawid ako ng mataas na pader. Alam kong magagamit ninyo iyan ng kapatid mo.” Sabay kuha ng aking kamay. Nagulat ako nang may ilagay ito sa aking kamay.
“Sige na umalis ka na. Dahil nakakatiyak akong mamaya lang ay makikita na nila ako na nawawala.” Mabilis itong umalis sa aking harapan at kitang-kita ko na walang kahirap-hirap nitong tumalon sa mataas na pader. Kahit nabugbog na ang katawan ay mabilis pa rin ang kilos ni Manong. Iiling-iling na tumakbo na lamang ako ng mabilis para makauwi sa bahay ko. Ngunit narinig ko pa ang sigaw ng mga tauhan ng lalaking demonyo na nakatakas daw ang bihag nila. Tiyak na malalagot sila sa master nila.
Nakahinga lamang ako ng maluwag nang tuluyan akong makatawid sa alambre at makapasok sa loob ng aking kwarto. Agad kong sinindihan ang gasira upang kahit papaano ay magkaroon ng liwanag sa aking maliit na kwarto. Agad kong tiningnan ang ibinigay sa akin ng kaibigan ni Itay.
Biglang nanlalaki ang aking mga mata nang makita kong pera ito at nakatali pa ng rubber band. Gulat na gulat ako sa pera na hawak-hawak ko. Kahit medyo kabado ay agad ko itong binilang upang alamin kung magkano. Mas lalo akong na-shock nang malaman kong nasa 100 thousands ang perang binigay sa akin ng kaibigan ni Itay.
Kailangan ko itong itago. Hindi ko muna ito gagastusin. Kahit nanginginig ang aking kamay ay agad kong kinuha ang isang pantalon ko at agad kong inilagay sa bulsa ang pera. Itinago ko rin ang pantalon ko upang walang makakita.
Muli akong lumabas ng aking kwarto para pumunta sa loob ng banyo. Kailangan kong maglinis ng buong katawan ko dahil gumapang ako sa lupa at sa mga damo kanina. May ngiti sa aking labi nang makaligo ako. Makakatulog ako ng maayos niyo.
Kahit kabado pa rin ay nakatulog naman ako. Pagdating ng kinabukasan ay maaga pa rin akong nagising. Ngunit mas maagang nagising si Carmela lalo at may pasok na siya ngayon araw. Paglabas ko nang munting silid ay nakita kong nakaluto na si Carmela kaya sabay-sabay na kaming kumain. Si Tiyang Nenang ang kasama nito papunta sa school na kung saan ito mag-aaral. Lalo’t siya ang nag-aasikaso sa amin. Malaking tulong din sa aming magkapatid si tiyang Nenang. Kahit medyo masungit ito ay inaasikaso pa rin kami.
“Trish, pilitin mong baguhin ang itsura mo upang hindi ka makilala ng ibang tao lalo na ang tao’ng humahanting sa ‘yo,” bilin sa akin ni Tiyang Nenang bago lumabas ng bahay. Hindi tuloy ako makapagsalita. Paano ko babaguhin, eh, hindi naman ako marunong mag-ayos. Hindi katulad ni Carmela na marunong ‘yun maglagay ng lipstick. Bigla ko tuloy nahila ang aking buhok. Para tuloy akong tanga. Ngunit kailangan kong sundin ang gusto ni Tiyang upang hindi kami mahuli. Ano’ng gagawin ko? Hmmm! Gagawin ko bang mangkukulam ang mukha ko?