Mabilis na nakipaglaban si Master Elron gamit ang hawak nito na baril sa mga gagong nakasunod sa amin. Nang sabihin din nitong yumuko ako ay agad kong sinunod ang utos ng lalaki. Napatingin din ako sa kinuha nito at walang iba kundi granada. Ganiyan kasi ang nakikita ko sa tv na itsura ng granada. Mayamaya pa’y binuksan nito ang bintana ang agad na hinagis papalabas ang hawak nitong granada. Dinig na dinig ko ang malakas na pagsabog ng granada na ibinato nito. Mabilis din nitong pinaikot-ikot ang sasakyan niya. Hanggang sa biglang nanlalaki ang mga mata ko dahil sa isang kotse na sasalubungin namin. Ngunit mabilis na inilabas ni Master Elron ang kamay niya na may hawak na baril at sunod-sunod na pinapuputukan ang kotseng nasa unahan namin. Mabilis na nagpreno ang lalaki dahil sa bigl