Papatayin Mo Rin Ba Ako?

1565 Words
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Kailangan kong mag-isip ng tama. . . Bahala na nga! Basta ang mahalaga ay mabago ko ang aking mukha. Kaya naman muli akong pumasok sa loob ng aking kwarto. Kinuha ko ang tuwalya upang maligo muna ako. Pagkatapos maligo ay muli akong bumalik sa aking kwarto. Nag-iisip ako ng paraan upang mabago ang aking mukha. Hanggang sa kuhanin ko ang mahabang palda ko, ganoon din ang malaking t-shirt na kulay itim. Ito ang aking susuotin. Lumapit ako sa ‘di kalakihang salamin. Dinampot ko rin ang isang salamin sa mga mata at agad ko itong isinuot. Siguro’y hindi ko na lang ipupusod ang aking buhok. Upang matakpan ang kabilang pinsngi ko. Ito lang ang tangi kong magagawa. Nagsuot din ako ng jacket na may hood. Hanggang sa muli akong lumabas ng bahay. Saktong labas ko’y siyang dating naman ni Tiyang Nenang. Tumingin ito sa akin. “Hindi ka ba naiinitan sa suot mong ‘yan, Trish? Okay naman siguro kung hindi ka na magsuot ng jacket?” “Okay na po ‘to, Tiyang Nenang. Saka para rin makatiyak ako na hindi ako makikilala ng tao’ng humahanting kay Itay. Baka ako ang gawin niyang pain upang mapalabas si Itay sa pinagtataguan niya ---” malungkot na sabi ko kay Tiyang Nenang. Nakita kong tumango-tango naman ang aking tiyahin. Hanggang sa yayain na ako nito na umalis para pumunta sa bahay na kung saan kami maglalaba ngayon araw. Ilang hakbang ay nakarating na kami sa tapat ng gate. Talaga ngang magkapitbahay lamang kami ng Mafia na ‘yun. Ang malas naman ng kapalaran ko. Marahas tuloy akong napahinga. Nang magdoor bell ang tiyahin ko ay agad na bumukas ang gate. Mabait naman kaming pinapasok ng security guard. Narinig kong ihahatid daw kami sa laundry room. Ngunit ang sabi ng mayordoma na kausap ni Tiyang Nenang ay kailangan daw naming kusutin ang mga panlakad na damit ng Master nila. Panay naman ang tango ng tiyahin ko. Hanggang sa makarating kami sa laundry room na sinasabi ng babae. Nakita kong nandito na ang mga lalabhan namin. Kaya naman agad na kaming nagsimula ni Tiyang. Inako ko na ang paglalaba sa mga damit na panlakad. Mano-manong kusot ang aking gagawin, kaya ko naman ito dahil sanay akong maglaba na ang gamit lang ay kamay. Habang panay ang kusot ko ng damit ay panay rin ang tingin ko kay Tiyang Nenang. Parang pinagpapawisan ito ng malapot at tila namumutla rin siya. “Tiyang Nenang, ayos ka lang ba?” tanong ko at may pag-aalala sa tono ng boses ko. “Biglang sumakit ang aking ulo, Trish.” Dali-dali naman akong tumayo para lumapit dito. Kinuha ko ang isang upuan para makaupo ito. “Magpahinga ka na po Tiyang. Ako na po muna ang bahala sa mga labahin.” Hinawakan ko rin ang noo nito at doon ko nakumpermana na may lagnat ito. Nakaramdam naman ako ng pag-aalala sa matanda. Agad akong nagpaalam para bumili muna ng gamot nito. Ngunit nasalubong ko ang mayordoma na kausap namin kanina. “Manang, lalabas lang po ako para bumili ng gamot. May lagnat po pala si Tiyang Nenang.” Bigla akong napayuko dahil nahihiya ako. “May gamot ako rito. Halika sumunod ka sa akin,” pagyaya ng matanda. Panay naman ang pasasalamat ko rito. Mabuti na lang at mabait ang matandang babae. Pagpasok namin sa loob ng kusina ay pinaupo muna ako ng matanda, kukuha lang daw ito ng gamot. Nang umalis ang matanda ay ako na lang ang naiwan dito. Medyo kabado ako at baka kasi biglang sumulpot sa harap ko si Mr. Mafia. “Who are you?!” Parang nanigas ang buong katawan ko nang marinig ko ang boses ng tao’ng pinagtataguan namin nina Itay. Magkakasunod tuloy-tuloy akong napalunok. Iniisip ko pa lang ang Mafia na ito bigla naman agad sumulpot sa harap ko. “Are you deaf? Bakit ayaw mong tumingin sa akin? Nandiyan ba ako sa sahig, huh?!” masungit na tanong ng lalaki sa akin. Lalo tuloy akong nawalan ng boses at nagpakatungo-tungo pa. “Master, gising ka na po pala,” biglang anas ng mayordoma at agad na lumapit sa akin. “Who is that girl, Manang Osing?” “Master, pamangkin po siya ng bagong labandera natin. Dinala ko siya rito upang bigyan ng gamot may lagnat ang tiyahin niya.” Agad na lumapit sa akin ang matanda para ibigay ang gamot at tubig. Agad na rin niya akong pinaalis para mapainom ko na raw ng gamot ang tiyahin ko. “Salamat po,” anas ko na lang at lalong nagpakatungo-tungo. Dali-dali akong lumabas ng kusina upang balikan ang tiyahin ko. Nakita kong nakapikit ang mga mata nito. Muli kong hinawakan ang noo. Ramdam kong mainit pa rin ito. “Tiya, uminom ka muna ng gamot. Tapos ihahatid muna kita sa bahay upang makapagpahinga ka na…” bulong ko rito. Agad naman itong uminom ng gamot. Agad ko itong inalalayan para lumabas ng laundry room. Nagpaalam muna ako sa mayordoma ng bahay na ito para ihatid si Tiyang Nenang. Pagdating sa kwarto nito ay maingat ko itong hiniga sa papag. Kinuha ko ang kumot para lagyan ang katawan nito lalo at lamig na lamig ito. Kumuha rin ako ng basang towel para ilagay sa noo ng tiyahin ko. “Iwan mo na ako rito Trish. Kaya ko na ang sarili ko. Itutulog ko lang ito. Saka nakakahiya naman sa Amo natin kung hindi natin matatapos ang ating labahin. Sige na hija, umalis ka na---” pagtataboy sa akin ni Tiya. Isang buntonghininga ang aking pinakawalan. Hanggang sa magdesisyon na akong umalis sa bahay upang simulan ang aking paglalaba. Ngunit habang papasok ako sa loob ng bahay na kung saan ako naglalabandera ay muli na naman akong binalot ng kaba sa aking dibdib. Malalaki tuloy ang aking hakbang papunta sa laundry room. Doon ay hindi ako basta makikita ng lalaking demonyo. Pagpasok sa loob ay agad kong sinimulan ang aking mga labahin. Halos may apat oras na akong nandito at malapit na akong matapos nang marinig ko ang sunod-sunod na putok na ‘yun. Alam kong baril ‘yun. Napahinto tuloy ako sa ginawa ko. Sunod-sunod din ang kabog ng aking dibdib. Para malaman ko kung ano’ng nangyayari sa labas ay maingat akong humakbang para alamin ang nangyayari. Baka pinasok na kami ng mga magnanakaw. Inayos mo muna ang suot kong salamin sa aming mga mata. At baka nakita ako ng Mafia na ‘yun. Hindi ko pa nakikita ang nangyayari ay naririnig ko na ang mga daing ng mga tao at para bang hirap na hirap sila dahil sa labis na sakit. “Hindi talaga kayo nadadala. Akala ninyo ba ay pagbibigyan pa rin kayo ni Master ngayon. Una pa lang ay binalaan na niya kayo. Ngunit patuloy pa rin ninyong pinagnanakawan si Master. Hindi ko na kayo maipagtatangol oras na patayin kayo ni Master!” narinig kong anas ng isang lalaki. Mabilis tuloy akong sumandal sa pader at maingat na similip upang makita ang mga nangyayari. Ngunit bigla kong natakpan ang aking bibig dahil nakikita kong duguan ang apat na lalaki. Nakaluhod din sila at para bang nagmamakaawa sa Master na tinatawag nila. Hanggang sa nalipat ang aking mga mata sa Master nila. Nakaupo ito sa isang mamahaling upuan. Habang panay ang hithit ng sigarilyo. Ang isang kamay rin nito ay may hawak na baril. Siguro ang isang lalaking nagsasalita kanina ay ito ang pinagkakatiwalaan nito. “Master Elron, patawarin mo kami. Pangako, hindi na kami magnanakaw sa mga palay mo. Sana’y bigyan mo pa kami ng isang pagkakataon---” anas ng lalaki. At halos lumuhod ito sa lupa. TUMINGIN ako sa Master na tinatawag nila. Wala akong mababakas na awa rito. Hanggang sa tumayo ito at humakbang papalapit sa lalaking nakaluhod, panay pa rin ang hithit ng sigarilyo. Ramdam ko naman ang takot ng lalaking nakaluhod. Ngunit nagulat ako nang basta na lang nitong inilapit ang dulo ng sigarilyo sa mukha ng lalaki, dahilan kaya dumaing ito sa sakit lalo at nagbabago pa ang dulo ng sigarilyo. Panay rin ang pagmamakaawa ng lalaki ngunit tila bingi ang Master nila. “No More second chances!” Sabay lapat ng dulo ng baril nito sa noo ng lalaki. Kitang-kita kong nanlalaki ang mga mata ng kawawang nilalang. Mabilis kong ipinikit ang aking mga mata dahil nakikita kong tutuluyan niya ang lalaki. Mayamaya pa’y sunod-sunod na putok ng baril ang aking narinig. Halos manginig ang buong kalamnan ko ng mga oras na ito. Labis akong natatakot. Gusto kong magtatakbo papauwi sa amin ngunit may mga labahin pa ako at hindi pa natatapos. Mayamaya pa’y naramdaman kong may malamig na bagay ang lumapat sa aking noo. Dahan-dahan ko tuloy iminulat ang aking mga mata. Ngunit halos lumuwa ang aking mga mata nang makita kong nasa harapan ko na si Master Elron, habang nakatutok sa aking noo ang dulo ng baril nito. “Alam mo ba kung ano’ng ayaw ko sa lahat, babae?!” Magkakasunod akong napalunok. Hindi ko alam kong paano ko ililigtas ang aking sarili. Lalo at nakikita kong patay na rin ang apat na lalaki. “Pa-Papatayin mo rin po ba ako?” kabadong tanong ko sa lalaki. “Yes!” mariing sagot ng lalaki sa akin. At dahil sa tinuran nito ay talagang natakot ako at tuloy-tuloy na nagdalim ang aking paningin at nawalan ako ng malay tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD