Araw na ngayon ng party at nag-aayos na ako sa apartment ko. Hindi ko pa pala naitatanong kay Silas kung saan kami magkikita. Sa opisina ba o kung saan man? Lagi kong kasama si Rebecca at iyong driver ni Silas dahil kasama ko sila sa preparasyon ko para sa party. Dalawang linggo din ata iyon. Tinitigan ko iyong dress na susuutin ko ngayon. Kinakabahan ako. Maganda naman talaga iyon at elegante. Ang sabi pa ni Becca ay bagay sa akin, pero hindi ako confident sa pagdadala ko ng damit. Isa iyong black off-shoulder sequin bodycon dress. Nakaayos na rin ang mga alahas na binili namin na babagay sa dress at ganoon na rin sa sapatos. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na ang laki ng gasto ni Silas para lang sa mga gagamitin ko sa isang gabing party. Ganito ba talaga kapag mayaman? Siguro. K