“Dad.” Napakurap-kurap ang aking mata habang pinagpapabalik-balik ko ang tingin ko kay Silas at sa kanyang ama. Para silang pinagbiyak na mangga. Magkamukhang-magkamukha sila. “Good. You’re here. Buti naman at nagbago ang isip mo? Ang sabi ng mga pinsan mo ay wala kang balak magpakita…na naman,” sabi ng kanyang ama nang makalapit sa kinaroroonan namin. Bumigat ang pakiramdam ko. Nakakaramdam ako ng tensyon sa paligid, tensyon mula sa mag-ama. Hindi naman na nagsalita si Silas at nanatili lamang na nakatingin sa kanyang ama. Napatingin sa akin ang tatay ni Silas kaya bahagya ako napaigtad sa gulat. “And this woman is?” pagtatanong niya kay Silas. Napatingin sa akin si Silas bago magsalita. “This is Hyacinth Auset Morga. She’s the new broker,” pagpapakilala ni Silas sa akin at kagaya n