CHAPTER 8: PARTY

2556 Words
Ibinigay ko na ulit sa mga messenger iyong folder bago ako lumapit sa mga processor. “Sino ang sa NAIA?” pagtatanong ko sa kanila. Naabutan ko pa na ang ilan sa kanila ay nag-aasikaso na ng mga dokumento. “Sina Cris po, Ma’am,” magalang na sagot sa akin ng isang processor. Tumayo naman iyong tatlo at lumapit sa akin. “May papa-process ako ngayon. Mga tatlong entry. Ilo-lodge ko pa lang naman.” Tumango sila sa akin. Nang akala ko’y wala na kaming problema ay biglang nagtanong iyong isa. “Ano pong warehouse, Ma’am?” tanong sa akin ni Cris. “PSI at Paircargo.” Tumango silang muli at umalis na ako. Kailangan ko nang maayos iyon. Nang mapirmahan ni Silas iyong mga dokumento ay pinirmahan ko na rin. Natatakot at kinakabahan ako. Unang beses kong pipirma sa entry. Matapos iyon ay ibigay ko na sa mga processor para maayos na nila. Sana po walang maging problema. Natapos akong mag-monitor ng mga shipments. Halos parating pa lang ng bansa ang mga iyon kaya wala akong masyadong ginawa nang mga oras na iyon. Sina Chad at Venice naman ay may mga tina-type lang computer nila. Sa tingin ko ay tapos na rin sila sa mga shipments nila. Nilalaro ko iyong ballpen ko at inilalagay pa minsan sa pagitan ng aking ilong at ng aking labi habang pinapaikot ikot ang sarili gamit iyong swivel chair na inuupuan ko. Natatawa na lang si Venice sa akin pero hinayaan lang nila ako. Hindi ako makapaniwalang ang gaan ng trabaho ko ngayon kaysa sa dating kompanya na halos lahat ata ay kami ang gumagawa. Kulang na lang ata ay sa opisina na ako tumira. “Hyacinth!” Pakiramdam ko ay tinatawag ako nila Venice pero baka guni-guni ko lamang iyon. Nakaharap ako ngayon sa glass wall ng opisina at pinagmamasdan ang magandang tanawin ng Makati. Iikot pa sana akong muli gamit iyong upuang inuupuan ko nang biglang may tumikhim sa may likod ko. Napalingon ako roon at laking gulat ko nang makita ko si Silas. Nahulog iyong ballpen na nilalaro ko at napatalon ako sa kinauupuan ko. Awtomatiko akong napatayo at binati siya. “Sir!” Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ang tumungo ba o magpaliwanag sa bakit wala akong ginagawa. “Did I disturb you?” he asked, sarcastically. Agad akong napikon sa sinabi niya. Alam ko na iniinis niya ako dahil sa nahuli niyang ginagawa ko. This guy. He’s full of mockery! “H-Hindi naman po, Sir. May kailangan kayo?” Bakit ba nanginginig ang boses ko? Napansin ko magkahalong natatawa at kinakabahan sina Chad at Venice sa akin. Napapikit naman ako bago muling tumingin kay Silas. May inihagis siyang maliit na envelope sa lamesa ko. Napatingin naman ako roon. Pamilyar sa akin ang envelope na iyon. Ipinatong niya ang kamay niya sa lamesa ko bago lumapit sa akin. “You’ll come with me to the party. I won’t accept no for an answer.” Matapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya ng opisina namin, leaving me dumbfounded. Napatingin sa akin sina Chad at Venice habang ibinubuka nila ang kanilang mga bibig na tila ba sinasabing “what was that?”, hindi naman ako nakasagot dahil maging ako ay hindi ko alam at naiintindihan ang nangyari. Hindi nila napansin iyong envelope kaya’t hindi nila iyon inusisa. Palihim kong kinuha iyon at binasa sa ilalim ng table ko. That’s right! Ito iyong imbitasyon sa party ng pamilya ata ni Silas. Ito iyong ibinigay ni Gio kay Silas noon. Pero bakit niya ako isasama rito? Dahil sa napuno ng katanungan ang aking isip ay tumayo na ako sa kinauupuan ko at nagdesisyong puntahan siya. Napatingin pa sa akin sina Venice, nagtataka siguro kung saan ako pupunta. “Saan ang punta mo?” tanong sa akin ni Chad. Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Sinabi ko na may kailangan lang ako kausapin at muling nagmartsa papalabas ng opisina. Nagtungo ako sa elevator at naghintay lamang na tumigil iyon sa floor namin. Sumakay ako roon. Nagulat pa ako dahil may elevator operator na roon. “Saang floor, Ma’am?” Sinabi ko naman na sa 25th floor. Nasa kamay ko pa rin iyong invitation na iniwan niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa. Pinagtitripan niya ba ako o ano? “Rebecca, busy ba si Sir?” Hindi na ako nagpaligoy-ligoy sa pagtatanong. Kung busy siya ay babalik na lang ako mamaya, kung hindi ay kakausapin ko siya ngayon. “Hindi naman,” sagot ni Rebecca matapos niyang tingnan iyong schedule ni Sir. “Nasa office lang siya.” Tumango ako at nagpaalam kung pwedeng pumunta sa opisina ni Sir. Tumango naman siya at hinayaan na lang ako. May mga empleyado na naandito sa floor na ito ang tumitingin sa akin ngunit wala akong oras sa kanila. Siguro ay iniisip nila bakit ako laging nasa opisina ng boss namin. Well, that’s an easy question. Because he keeps getting on my nerves. Char! Kumatok muna ako sa pinto ng opisina bago iyon buksan at dumungaw. Nakita kong nakatingin siya sa akin, gulat pa sa presensya ko. “May I come in?” itinanong ko man iyon pero pumasok na naman ako sa loob ng opisina niya. Ngumisi siya dahil sa ginawa ko pero tumango pa rin naman. Huminga ako nang malalim bago magdesisyon na lumapit sa may lamesa niya. Gusto ko mang ibato iyong invitation ay ayokong makalimutan na boss ko siya. Marahan kong ipinatong sa kanyang lamesa ang invitation. Tiningnan niya iyon bago ibalik ang tingin sa akin. “Bakit mo iyan iniwan sa table ko, Sir?” Pinagdidiinan ko talaga iyong salitang Sir dahil gusto ko siyang mapikon sa akin lalo na’t sinabi niya na maaari ko naman siyang tawagin na lang sa pangalan niya kapag kaming dalawa lang. Nakita kong nawala ang ngisi niya dahil sa sinabi ko. Gusto ko mang ako naman ang ngumisi sa kanya ay hindi ko ginawa. Baka masisante ako nang wala sa oras. Kinuha niya iyong invitation at pinagmasdan bago laro-laruin sa kanyang kamay. “Hindi mo ba narinig ang sinabi ko sa’yo kanina? Masyado bang malayo ang naging distansya ko sa’yo nang bumulong ako?” Napalunok ako sa sinabi niya. Alam kong nagiging sarkastiko na naman siya dahil sa totoo lang ay sobrang lapit niya sa akin kanina. Malinaw din ang sinabi niya ngunit ang hindi ko maintindihan ay bakit ako ang isasama? “Bakit ako?” wala sa sarili kong sabi sa kanya. Huli na nang mapagtanto ko na parang walang galang ang pagkakatanong ko nito. Tumaas ang isang kilay ni Silas dahil doon. “Dahil gusto ko?” He tilted his head to one side while raising one eyebrow. Bakit ba punung-puno ng satirical remarks ang lalaking ito? Lahat sa kanya at ang lalabas sa bibig niya ay sumisigaw ng pagiging sarkastiko. “Hindi ba dapat ay sekretarya mo ang dalhin mo roon or maybe your girlfriend?” Nang mapansin ko naman ang pagtaas ng isang kilay niya ay mabilis na naman akong nagsalita. “Something along the line. Nakakapagtaka na isasama mo ako sa isang family gathering when you just met me and I’m your employee.” Para akong hinapo sa pagsasalita kong iyon. Sumandal si Silas at kinuha iyong tasa ng kape bago iyon inumin. Pinanood ko lang naman siyang gawin iyon, naghihintay sa susunod niyang sasabihin. “Majority of the members of the Benavidez family, if not all, are involved in the illegal activities that we’re doing, the illegal importation, that is. It is, of course, just natural for them to be curious about the new broker who will handle our goods. Not that they want to actually meet you but I’m too tired and lazy to answer all their questions about you, so might as well bring you to the party to meet them personally, and so that they can be at ease that our shipments are in good hands and will be taken care properly. Kaya kita isasama. Get it?” Ipinatong ni Silas ang kanyang baba sa magkasalikop niyang kamay habang taas noong nakatingin sa akin. Natameme ako sa sinabi niya. Okay…I was carried away. Parang masyado atang tumaas ang hangin sa utak ko kaya nag-isip ako ng ibang ibig sabihin sa kagustuhan niyang isama ako sa party ng pamilya niya. “I know that I said that you can’t say no but if you don’t want to come, I won’t force you.” Itinago na niya iyong invitation sa drawer bago muling tumingin sa akin. “You don’t have to answer right away. You can give me your answer until tonight, Hyacinth.” Tulala ako hanggang sa makabalik sa opisina. Magkahalong hiya at para bang may nagawa akong mali dahil sa mga sinabi kong iyon kay Silas. Take note, he’s my f*****g boss and I did raise my voice at him, asking him why he was inviting me to a party! Kahit na ang intensyon lang pala niya ay ipakilala ako dahil nagtatanong ang pamilya niya tungkol sa akin. Mahina kong sinampal ang sarili ko para bumalik sa lupa ang isipan ko. Nag-focus na lang ako sa trabahong nasa harapan ko. Kinamusta ko ang mga processors na nagpa-process ng shipments sa NAIA. “Kuya, kailangan mailabas iyan ngayon o bukas. Baka lumaki ang storage na babayaran. Green lane naman iyan, eh. Magkaka-p*****t na iyan mamaya. Auto-debit ang kompanya natin, hindi ba?” Nang masabi sa akin ng mga processor na baka mamaya o bukas ay mailabas na ang shipments ay nakahinga ako nang maluwag. Buti naman at hindi pa ako nakaka-engkwentro ng problema ngayong araw. Napatingin ako sa orasan ko upang silipin kung anong oras. Napansin kong maga-ala-singko na pala. Tumawag na rin ulit sa akin ang mga processor na tumawag na sila ng truck at sabihan ko sila kapag paid na iyong shipments namin ngayon. Ginawa ko naman iyon nang makita ko sa system na nagpaid na. Nag-iisip pa rin ako hanggang ngayon kung sasama ba ako kay Silas sa party o hindi. Hindi ko alam kung anong nagbibigay sa akin ng dahilan para magdalawang-isip pero may parte talaga sa akin na ayaw sumama kay Silas sa party but at the same time ay gusto ko rin naman. Napapasabunot na ako sa sarili ko sa kakaisip hanggang dumating ang ala-singko. Napatingin ako kina Venice at tumayo na sila. Mukhang tapos na sila sa mga trabaho nila at sadyang naghihitay na lang ng oras. Tiningnan nila ako at sinenyasan na uuwi na kami. Tumango naman ako at inayos na din ang gamit ko. Sasama ba ako o hindi? I have his number so I can call him if ever I choose to go with him pero…nalilito ako! Sumakay na kami sa elevator at hindi iyon punuan. Sa sobrang lalim ng aking iniisip ay hindi ko namalayan na nasa ground floor na kami. Parang ang bilis. “Okay ka lang ba, Hyacinth? Girl, kanina ka pa tulala at parang wala sa sarili. Buti at walang kang entry ngayon or else, nako baka nagkamali ka na,” pagbibiro ni Venice na tinawanan naman ni Chad. Nakitawa na lang din ako kahit na lumilipad sa ibang bagay ang isip ko. Nang palabas na kami ng building ay bigla akong napatigil. Napansin agad iyon ng dalawang kasama ko kaya’t nilingon nila ako. “Hyacinth?” pagtawag sa akin ni Chad. Huminga ako nang malalim at tumingin sa kanila. Ngumiti muli ako at umatras ng kaunti. “Mauna na pala kayong umuwi ngayon. Hindi ako makakasabay. May naalala akong kailangan ko pa pa lang gawin.” pagpapaalam ko at dali-dali akong tumakbo papunta sa elevator. Naghintay akong makarating sa 25th floor. Okay, I’ve decided. Wala naman sigurong masama kung sasama ako. Isa pa, natural lang naman siguro na makilala nila ako. Dahil itanggi ko man o hindi, damay na ako sa ilegal na gawain nila. Dumaan muna ako kay Rebecca upang itanong kung naandiyan pa si Silas at nang tumango siya ay agad akong dumiretso sa kanyang opisina. Kumatok muli ako at binuksan ang pintuan ng opisina niya. Napatingin siya sa akin ngunit hindi na nagsalita pa. Tumikhim ako at pumasok sa loob ng opisina. “Sir,” panimula ko. Saglit niya akong tiningnan bago bumalik sa kanyang ginagawang pagbabasa ng mga dokumento sa kanyang lamesa. “I’ve decided to accompany you to the party. I believe that it’s natural for me to personally introduce myself to your family since I’m handling such important goods for you and for them.” Kailangan kong bawiin ang sarili ko sa matinding pagkakapahiya kanina. Talaga bang inisip ko na may ibang ibig sabihin ang kanyang pagyayaya? “Are you sure?” Tumingin siya sa akin at tumigil sa pagpirma ng mga dokumento. “Ayokong marinig na sasabihin mong impulsive decision na naman iyan at bawiin din mamaya.” Ngumisi siyang muli. Ang tinutukoy niya ata ay iyong pagpayag ko sa trabahong inaalok niya sa akin at biglang tanggi din kalaunan nang una kaming magkakilala. Umiling ako. “No, Sir. I’m sure.” Binitawan niya ang ballpen na hawak niya at tumingin muli sa akin. Inobserbahan niya ako mula ulo hanggang paa. “Okay. The party will be next Saturday. Rebecca and my driver will accompany you.” Kinuha niya iyong telepono niya at sa tingin ko ay tinawagan niya si Rebecca. May ilang bagay siyang sinabi rito bago ibaba ang telepono. Anong ibig niyang sabihin sa sasamahan ako ng sekretarya niya at driver? Saan kami pupunta? “If you’re not busy later, sasamahan ka nina Rebecca at ng driver ko sa isang designer na kakilala ng pamilya ko. She will be the one to design a dress for you. You’re free to give suggestions dahil ikaw naman ang magsusuot nito. Don’t worry, the bill is on me. You have nothing to worry about. I told Becca everything that she needs to know. She will escort and help you from your dress-picking to choosing jewelry, and to shoes. Everything,” saad ni Silas. Napakurap-kurap naman ako. Kailangan niya ba talagang gawin ito? Kaya ko namang bumili ng damit o manghirap na lang. Isang beses lang namang susuutin. “One more thing, the party will be next Saturday, right? So, make sure that you’re free on that day. We will leave Manila on the afternoon of the same day.” paglilinaw niya. Now that he mentioned it, hindi ko pala nakita kung saan gaganapin ang party. “Saan gaganapin ang party?” tanong ko sa kanya. “Laguna. Sta. Rosa to be exact.” Tumango-tango na lang ako. Alam ko iyon dahil taga Laguna rin naman ako. Speaking of Laguna, matagal na akong hindi nakakauwi. Sabagay, wala na rin naman akong uuwian. “Any more questions?” Umiling ako. Nagpaalam na ako sa kanya at agad na nagtungo kay Rebecca. Mukha ngang alam na niya ang gagawin dahil hinihintay na niya ako. Hopefully, I don’t mess up at the party.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD