“Louie told me everything. You misclassified one item in one our shipments, Ms. Evangelista,” paunang mga salita ni Atty. Bautista kay Venice. Napatingin ako kay Venice, halata naman na kinakabahan siya. “I checked the entry at ang nakalagay nga rito na description ay iba sa kung anong description ang dapat at ang nakalagay sa bill of lading,” dagdag pa ni Atty. Bautista. “Alam ko po. Hindi ko po kasi napansin agad dahil sa taranta na baka maabandona ang shipment kapag hindi ko agad nai-lodge.” Napahawak si Venice sa kamay ko dahil sa kaba sigurong nararamdaman. “That’s not an excuse. Kapag tinanong tayo ni Customs, anong sasabihin natin? Na nataranta ka?” Tumataas na ang tono ng pananalita ni Atty. Hindi ko masasabing kinakampihan ko si Venice dahil alam ko naman na mali siya pero sa ti