CHAPTER 23: SURPRISE IS NOT ALWAYS A GOOD IDEA

2329 Words

Napatakip ako sa aking bibig dahil sa takot at kabang nararamdaman ko. Nakarinig ako ng mga yabag ng paa sa labas ng kwarto ko. Naandito na sila sa loob ng apartment ko. Sa sobrang takot na nararamdaman ko ay wala na akong ibang nagawa kung hindi ang maiyak. Hangga’t maaari ay pinipigilan kong lumikha ng ingay upang hindi nila malaman na naandito lang ako sa kwarto. Napansin ko na may pumihit ng pintuan ng kwarto ko kaya’t ipinikit ko na lang ang mga mata ko, nagdadasal na may dadating na tulong o sana ay panaginip lamang ang lahat. “No! Please, no!” Agad akong nagsisigaw nang may humawak sa balikat ko. Pilit kong tinatanggal iyon at tinatabig ang kamay niya. Natatakot ako na baka may gawin siya sa aking hindi kanais-nais. “Hey, it’s me.” Napatigil ako sa pagwawala ko nang marinig ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD