Nagising ako kalagitnaan ng gabi. Hindi dahil nagkaroon ako ng pangit na panaginip, sadyang nagising lang ako kahit walang dahilan. Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko at tinangkang lumabas ng kwarto. Nanunuyo kasi ang aking lalamunan at mukhang kailangan kong uminom ng tubig. Bago tuluyang lumabas ng kwarto ay napatingin ako sa may bintana. Malakas ang ulan sa labas. Maingat kong binuksan ang pinto ng kwarto at tahimik na lumabas. Iniiwasan kong gumawa ng ingay dahil baka magising ko pa si Silas kahit mukhang malayo naman iyong mangyari. Madilim na ang kapaligiran ng condo ni Silas nang lumabas ako mula sa kwarto kaya nakakasigurado ako na baka tulog na nga siya. Nagtungo ako sa may kusina at kumuha ng baso bago magtungo kung nasaan ang kanyang refrigerator. “You’re awake.” Halos m