“Maiwan ko na kayong dalawa, okay? Hmm! Ang gwapo mo,” wika ng aking landlady at nakangiting umalis na. Muli akong napatingin kay Silas. Naguguluhan sa dahilan niya kung bakit siya naririto. “Sorry for visiting without any prior notice. I heard that these foods are good to help you overcome your trauma. I just want to give this to you. Maybe it can help.” Napansin ko nga ang dala niyang pagkain. Tinanggap ko iyon. Nagdadalawang-isip pa ako kung dapat bang papasukin ko siya o huwag na lang. “P-Pasok ka sa loob, Sir,” pag-aaya ko sa kanya para pumasok siya sa loob. Napansin ko ang pagkagulat niya sa sinabi ko pero tumango rin naman at pumasok sa loob ng apartment ko. Maayos naman ang apartment ko kaya sa tingin ko ay wala akong dapat ikahiya sa kanya. Hindi rin naman nakakalat ang mga ga