Hindi ko alam bakit kailangan kong makaramdam ng kaba nang makita ko ang pangalan ni Owen sa screen ng aking cellphone. Hindi naman sa may ginagawa akong masama pero alam ko na hindi niya magugustuhan kapag nalaman niya na sa ibang bahay ako nakatigil ngayon. Kahit siguro ipaliwanag ko sa kanya ay hindi niya iyon matatanggap. Huminga ako nang malalim. Calm down, Hyacinth. Wala ka namang ginagawang masama kaya hindi mo kailangang makaramdam ng guilt o ang makonsensya. “Hello?” Binuo ko ang aking loob para hindi mahalata ang kaba sa aking boses, “Hyacinth, how are you? May bagyo, ah? May pagkain ka ba sa apartment mo? Baka hindi ka na makalabas ng apartment para makabili.” Napangiti ako sa narinig ko mula sa kanya. Halata ang pag-aalala sa boses ni Owen na siyang nakakatuwang marinig. “O