Pabalik na ako sa ginagawa ko nang mapansin ko na nakatingin sa akin iyong ibang naandito na nasaksihan at narinig ang pangyayari. Tinitingnan ako ng mga ito na para bang gusto nilang magtanong kung bakit ginawa iyon ng boss namin. “Sana all ina-adjust ng boss ang posisyon ng aircon para hindi lamigin.” Napatingin ako sa nagsalita. Tumatawa ito at halatang inaasar ako ngunit nang mapansin niya na hindi ako natutuwa sa sinabi niya ay nag-iwas na siya ng tingin at bumalik sa ginagawa niya. Bakit nila nilalagyan iyon ng ibig sabihin? Bakit kailangang may malisya para sa kanila? Natapos na ako sa pagpi-print at ang kailangan ko na lang gawin ngayon ay papirmahan ito kay Silas, ngunit dahil sa nangyari kanina ay para bang ayokong pumasok sa kanyang opisina. Pakiramdam ko ay lalagyan na nama