Tulala ako matapos ang lunchbreak. Iniisip iyong sinabi ni Silas sa text niya. Fit to be tied, huh? Tanga ba ako para hindi malaman ang ibig sabihin nito? Nag-type ako sa aking desktop at sinearch sa google kung anong ibig sabihin ng salitang iyon at napasinghap ako nang makita ko. Very angry. Anong ibig niyang sabihin doon? Wala naman akong ginawang mali para ikagalit niya. Tama lang naman na dumistansya ako sa kanya at ang tanggihan ang mga alok niyang sa tingin ko ay hindi patas sa ibang empleyado niya. Ayokong magkaroon ng kung anong kaisipan sa ibang tao sa relasyon naming dalawa, lalo na’t wala naman talaga kaming ibang relasyon kung hindi ang pagiging empleyado ko at siya ay boss ko. Inalis ko na lang iyon sa aking isipan at nagtrabaho na. Hindi na nga pumasok si Venice kahit na