CHAPTER 5: ARGUMENT

2999 Words
“Gio?” pagtatanong ni Silas. Napatingin din ako roon. Kinain agad ako ng kuryosidad ko kung sino iyong Benavidez na tinutukoy nila. “Yes Sir, sinabihan ko na po siya na may kausap pa kayo pero kailangan daw po niya kayong makausap agad,” pagpapaliwanag ng sekretarya niya, halatang kinakabahan. Napabuntong hininga si Silas kaya’t napatingin ako sa kanya. “Let him in.” Tumango iyong sekretarya at agad na naglakad papalayo. Hindi naman nagtagal matapos umalis ng sekretarya niyang iyon ay may isang lalaking pumasok na ng opisina ni Silas. “Silas,” pagbati niya. Napatingin siya sa akin at napakurap-kurap. Halatang hindi niya inaasahan na may iba pang tao rito bukod kay Silas. “Akala ko ay nagdadahilan lang iyong sekretarya mo na may iba kang kausap. So, it was true.” Napangisi siya, para bang natatawa sa nangyari. Base sa obserbasyon ko, masasabi kong magkasing-edad lang sila ni Silas. Around late 20's?  Pareho rin silang may magandang pangangatawan. Tambay ata sa gym. “Anong kailangan mo, Gio?” Para bang hindi siya masaya na naandito ang lalaki, parang naubos iyong pasensya niya. Doon lamang nag-iwas ng tingin ang lalaki sa akin at natatawang tumingin kay Silas. “Come on, dude. Don’t act like you’re not happy to see me. But anyway, who is she?” Itinuro ako ng lalaki, hindi nililiban ng pilyong ngiti ang kanyang labi. Gusto ko mang mag-iwas dahil pakiramdam ko ay may kahulugan ang pagngiti niya ay hindi ko ginawa. I find him attractive. Pareho sila ni Silas na may magandang features and physiques. Hindi na rin ako magtataka, siguro’y maganda talaga ang genes ng pamilya nila. “Our new broker,” tamad na sagot ni Silas. “Oh yeah! I heard what happened to our former broker. Serves him right.” Tumawa pa ito, na parang wala lang na pinatay ni Silas iyong dati nilang broker. Naglakad siya papalapit sa akin bago i-abot ang kanyang kamay. “Giovanni Benavidez, Silas’ cousin. And you are?” Tumayo ako at agad na tinanggap ang kamay niya. “Hyacinth Morga." “Stop flirting with my employee, Gio. What brings you here?” Halata ang pagkairita sa kanyang boses. Napasinghap naman ako at bumalik na lang sa pagkakaupo. Parang ngayon ko lang siya nakitang ganito—hindi, ganito rin si Silas nang una ko siyang makilala. “I’m here to give you this.” At may iniabot siyang maliit ngunit eleganteng envelope. Kung hindi ako nagkakamali ay invitation iyon. “There will be a party next month and will be hosted by Tito Javier. Your father ordered me to give you the invitation and persuade you to attend.” Napatingin sa akin si Silas kaya’t agad akong nagpanggap na binabasa iyong kontrata. Ayokong isipin niya na nakikinig ako kahit ganoon naman talaga ang ginagawa ko. “Why is he hosting a party?” malamig na tanong ni Silas. “We can talk about the details later. Are you free tonight? Wala ring gagawin sina Avion at Hati. Tara?” pag-aaya ni Gio at nilapitan ang pinsan. “Ipapaliwanag namin ang detalye mamaya. Sa ngayon ay nagmamadali ako dahil may pupuntahan pa ako. The party will be next month so you still have a month to reconsider it. Ara wants to see her older brother, too.” Matapos sabihin iyon ni Gio ay nagpaalam na siya at umalis. Bumuntong hininga naman si Silas bago itago ang envelope sa isang drawer niya at maupo muli sa office chair niya. “I’m done reading the contract,” pambabasag ko sa katahimikan sa loob ng opisinang ito matapos umalis ni Giovanni. Tumingin siya sa akin at tumango. He handed me a ballpen so that I can sign. “Do you agree with every term?” pangungumpirma niya. Tumango naman ako. Sa tingin ko ay hindi na ako dehado roon. Nang magkasundo kami ay pinirmahan ko na iyong kontrata at iniabot sa kanya. Tiningnan niya pa iyon muli bago kunin ang telepono at may tawagan. “Rebecca, kindly tell Atty. Bautista to be here at my office,” pag-uutos niya sa nasa kabilang linya. Hindi rin naman nagtagal ay may isang babae ang pumasok sa loob. Tumayo si Silas at iniabot iyong kontratang pinirmahan ko. May iniabot din siya sa akin na sa tingin ko ay kopya ko. May pinag-usapan lang sila saglit bago muling maupo si Silas at umalis iyong attorney. “Kailan ako magsisimula?” paglalakas ko ng loob na magtanong sa kanya. Napatingin sa akin si Silas. Bahagyang tumaas ang kanyang kilay. “You can start next month,” sagot niya. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa sinabi niya. Next month? Kailangan ko nang magtrabaho ngayon. Kailangan ko ng pera! “N-Next month?” Hindi ko mapigilang ulitin ang mga salitang iyon sa kanya. Tumingin siya sa akin at tinaasan ako ng isang kilay. “S-Sorry, but can I start immediately?” Nagba-baka sakali lamang ako na mapagbigyan niya ako. “Why are you in a hurry? That can’t do. We still need to take care of your accreditation.” May kinuha siyang papel sa kanyang drawer at iniabot sa akin. “Iyan ang mga requirements na ka-kailangan para sa accreditation mo. We need that as soon as possible so we can process it at the BOC,” sabi ni Silas sa akin. Napakagat ako sa aking labi habang pinagmamasdan iyong papel na iniabot niya sa akin. “Next month pa ba talaga?” paninigurado ko, umaasa na magbabago ang isip niya. “Bakit parang nagmamadali ka, Miss Morga?” Huminga ako nang malalim at saglit na itinikom ang aking bibig. “I need to work immediately. I need the money.” Walang paligoy-ligoy kong sabi sa kanya. “You need the money for?” pagtatanong niya. Nagdadalawang-isip naman akong sumagot. Kailangan ba talagang malaman niya ang detalye? Kailangan ko ba talagang sabihin sa kanya na marami akong utang na babayaran kaya’t kailangan ko ng pera sa lalong madaling panahon? Ipinikit ko saglit ang aking mga mata bago magsalita, naghahanap ng lakas ng loob. “May mga ka-kailanganin akong bayaran kaya kailangan ko ng pera. So, if I can start as early as now, I can do that.” Hindi agad siya nagsalita. Agad akong nahiya dahil sa pagsasabi sa kanya na marami akong utang. I sounded so desperate pero ano naman? Desperada na talaga ako ngayon! “How much do you need?” Napatingin akong muli sa kanya. Napakurap-kurap pa ako, pinoproseso ang sinabi niya. “Around 45,000 pesos,” sabi ko sa kanya. Hindi lang naman isang utang ang dapat kong bayaran para ngayong buwan. Bukod sa utang sa apartment at upa ay may iba pa akong utang na kailangang mabayaran dahil kung hindi ay baka kung anong mangyari sa akin. Tumango siya at huminga nang malalim bago muling kunin iyong telepono niya at may tawagan. “Rebecca, can you tell Jane to come to my office. Tell her to bring my cheques,” maawtoridad na sambit ni Silas sa kanyang tinawagan. Napatingin nalang ako sa pintuan nang may kumatok mula rito. Pumasok iyong isang babae na sa tingin ko ay nasa mid-40s na ang edad. “Sir, pinapatawag niyo raw ako?” tanong nito kay Silas. Tumango si Silas at sinenyasan siyang pumasok. Napatingin siya sa akin bago ibalik kay Silas ang mga titig. “My cheques?” Sabay lahad ni Silas ng kanyang isang kamay. Iniabot naman agad iyon ng babae sa kanya. Kinuha iyon ni Silas at agad na nagsulat. “By the way, this is Jane, the manager of the accounting department. Jane this is Hyacinth, our new broker,” pagpapakilala sa akin ni Silas. Magalang naman akong tumango at ganoon din naman siya sa akin. Matapos niyang makapagsulat sa cheque ay ibinalik niya iyon kay Ma’am Jane, nagpaalam na naman si Ma’am Jane at umalis na. Iniabot na sa akin ni Silas iyong cheque. Kinuha ko iyon at tinitigan. “Think about the cheque as my compensation for what happened the other day and for pointing a gun on your head. You can have it. Your work will start next month,” he said with finality. Nanatili naman ang aking mga mata sa cheque. Hindi pa rin makapaniwala na may hawak akong apat na put limang libong piso. “Totoo ba ito?” hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya. Nagkibit balikat lang si Silas at ngumisi na para bang natatawa siya sa reaksyon ko. Agad naman akong nagpaslamat sa kanya. “If there’s nothing else you need or want to ask, you can go now. The HR will call you to inform you the exact date of when will you start working.” Tumango ako sa sinabi niya at tumayo na sa pagkakaupo. Muli akong nagpasalamat at nagpaalam na. Sa sobrang lutang ko nang araw na iyon dahil sa cheque na ibinigay sa akin ni Silas ay halos makalimutan kong balikan iyong ID ko at maiuwi itong visitor’s pass. Pumunta agad ako sa bangko para papalitan iyong cheque. Wala naman masyadong tao kaya’t mabilis lamang ang naging proseso. Bumili na rin ako ng makakain bago umuwi. Nang makauwi sa apartment ay tiningnan ko kung naandoon ba ang landlady ko at nang makitang naandoon siya ay agad akong nagbayad ng utang ko sa kanya. “Ayan na po, ha. Pati iyong bayad ko sa buwan na ito,” nakangiting sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin at nagpasalamat. “Swelduhan na ba ngayon?” tanong ng landlady ko. Umiling naman ako at natawa pa. “Hindi pa po. Bago po kasi iyong trabaho ko. Parang bonus po iyan,” pagdadahilan ko na lang. Matapos kong mabayaran ang landlady ay pumunta na ako sa kwarto ko. Nakahinga ako nang maayos dahil wala na akong iisipin kung paano ako makakakuha ng pambayad sa mga utang ko ngayong buwan. Mukhang makakatulog ako ng maayos ngayon. Napansin ko na bukas iyong pintuan ng apartment ko kaya’t kinabahan ako. May magnanakaw ba? Wala naman silang makukuha sa loob ng silid ko dahil wala naman akong mahahalagang gamit diyan. Wala rin naman akong pera. Huminga ako nang malalim bago lakas loob na binuksan pa ang aking pintuan. Kapag may nakita akong kahina-hinala ay sisigaw agad ako para sa tulong. Nang maiawang ko nang mabuti ang pinto ng aking apartment ay handa na sana akong sumigaw nang tumambad sa akin si Owen. Nag-aayos siya ng lamesa at may mga pagkaing dala. Bumagsak ang aking balikat dahil sa nakita ko. Akala ko talaga ay may magnanakaw. “Hi,” bati niya sa akin at lumapit. Hinalikan ako ni Owen sa aking pisngi at iginaya papasok ng apartment ko. “Naisipan kong dumalaw sayo. I know you’re feeling down now that you don’t have a job,” anas niya sa akin at hinila iyong isang upuan. Pinaupo niya ako roon at ginawa ko naman. Sinundan ko lang siya ng tingin, naguguluhan pa rin sa kung anong ginagawa niya rito. “Bakit ka naandito? Wala ka bang trabaho?” nagtatakang tanong ko sa kanya nang makaupo siya sa tapat ko. Tumingin siya sa akin bago magsimulang lagyan ng pagkain ang pinggan sa harapan ko. “Off ko ngayon. Nasa ibang bansa ang mga managers kaya’t wala kaming masyadong gagawin. Naisipan ko na kunin ang araw na ito para makapag-off at makita ka.” Ngumiti si Owen sa akin. Tumango na lang ako kahit hindi ako makapaniwala na nag-off siya. Siya kasi iyong tipo ng tao na parang laging may hinahabol na oras. Gusto niya ay marami na siyang nagawa at nakamit na achievements sa murang edad. Kaya parang hindi ko maproseso na nag-off siya para makita ako. “Alam ko na may kasalanan ako sayo dahil sa mga nasabi ko kahapon. Nagulat lang talaga ako. Hindi ko man lang naitanong sa’yo kung ano bang nangyari bakit ka nasisante. That was so selfish of me.” Hindi ako nagsalita at pinakinggan lamang ang mga sinasabi niya sa akin. Wala rin naman akong sasabihin. Magsisinungaling ako kung sasabihin ko na hindi ako nasaktan sa mga sinabi niya at mga binitawan niyang salita. Ngunit alam ko naman na nadala lang siya ng emosyon niya. “Sana ay hindi ka galit sa akin dahil doon?” Napatingin ako sa kamay ko nang hawakan niya iyon. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakita ko ang ngiti niya. Huminga ako nang malalim at ngumiti na lang din sa kanya. “Hindi naman ako galit,” matipid na sabi ko sa kanya. Iniisip ko kung sasabihin ko ba sa kanya na nakahanap na ako ng bagong trabaho kaya lang ay magtatanong siya. Kapag nagtanong siya, hindi ko alam kung matatanggap niya ba iyon. Binitawan na niya ang kamay ko at nagsimula nang kumain. Habang kumakain kami ay may mga bagay pa rin siyang itinatanong sa akin. “Kailan mo balak maghanap ng trabaho? Paano mo babayaran ang mga utang mo ngayong buwan?” pagtatanog niya sa kalagitnaan ng pagkain namin. Napatingin naman ako sa kanya at nag-iisip ng isasagot. Hindi pa rin buo ang desisyon ko kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi. “Naghahanap na ako ng trabaho. Sa mga utang ko ay humingi ako nang karagdagang araw para mabayaran ang mga iyon. Sa apartment naman ay nakabayad na ako.” Hindi. Nakapagdesisyon na ako na hindi ko na muna sasabihin sa kanya. Alam ko na magtatanong lang siya at hindi ako handa sa maaari niyang itanong sa akin na hindi ko naman kayang sagutin ngayon. “That’s good. Do you need some money? I can lend you some.” Agad akong umiling sa alok niya. May utang pa nga ako sa kanya at hindi ko pa iyon nababayaran kaya’t ayokong madagdagan pa iyon. Isa pa, may pera pa naman ako mula sa ibinigay ni Silas sa akin kanina. Makakaya ko pang magtiis bago ako magsimula ng trabaho ko sa susunod na buwan. “Basta kung kailangan mo ng pera, you can ask me. May savings naman ako, pwede kong ipahiram sayo,” aniya. Huminga ako nang malalim bago tumingin sa kanya. “Hindi mo kailangang galawin ang savings mo para lang mapahiram ako ng pera. Kaya ko na ito.” Muli akong napatingin sa kamay ko nang hawakan niya iyon. Marahan niya iyong pinisil. “Hindi mo kailangang mahiya sa akin, Hyacinth. You’re my girlfriend and I can lend you all the money you need, hangga’t kaya ko. Though, baka mabawasan din iyong pag-iipon ko para sa kasal.” Natulala ako sa sinabing iyon ni Owen. Natawa naman siya sa akin dahil doon. Wait, what did he say? May mali ba akong narinig mula sa kanya? “Kasal?” Binanggit niya ba talaga ang salitang iyon sa akin o mali lang ako ng pagkakarinig? “Oo. Syempre nagpa-plano na ako para sa kasal natin ‘no. We’re at the right age to get married. Once I’m stable and you have a proper job, I’ll propose,” pagbibitaw niya ng mga salitang nagpakaba at nagpatulala sa akin. Hindi naman sa maling sabihin niya iyon lalo na’t matagal na kaming may relasyon ngunit hindi pa iyon sumasagi sa isip ko dahil na rin sa kalagayan ng buhay na mayroon ako. Bukod pa sa magulong takbo ng buhay ko ngayon ay hindi ko pa talaga naiisip ang magpakasal. “Don’t you think it’s too early to think about marriage?” Hindi ako mapalagay dahil sa pagbanggit niya ng tungkol sa kasal. Bigla akong kinabahan sa ideya lamang na iyon. “Early? Bukod sa matagal na tayong magkasintahan, don’t you think we’re at the right age to settle down and have our own family? Ayaw mo ba no’n?” Halata ang pagbabago sa tono ng kanyang pananalita. Huminga ako nang malalim. As much as I don’t want us to argue with this matter, ayoko rin naman siyang bigyan ng maling pag-asa. Sa ngayon ay hindi pa talaga ako handa. “Yes. It’s early. Maybe not for you but for me. Hindi ko pa nga alam saan ako dadalhin ng buhay kong ito. Marami pa akong gustong abuting pangarap. Hindi pa ako handang magpakasal.” Pinilit ko ang sarili na magsalita ng kalmado. Napansin ko naman ang biglaang pagdilim ng ekspresyon niya. “Ayaw mong magpakasal sa akin?” Alam kong galit na siya dahil sa mga pinagsasasabi ko pero pinipilit niya pa ring huwag magpadala sa emosyon niya. “Hindi iyon ang punto ko. Magpapakasal ako sayo, pero hindi muna sa ngayon. Maybe after 3-4 years from now? I don’t know. Kapag maluwag na ang buhay ko ay roon ko sana gustong magpakasal. Para wala na akong iniisip na utang,” saad ko sa kanya. At sa magiging trabaho ko naman ay sa tingin ko mangyayari iyon. “Kapag nagpakasal na tayo, tutulong ako sa pagbabayad ng mga utang mo at ng pamilya mo—” “Owen, ayokong idamay ka sa utang ko. Utang ko iyon, utang ng pamilya ko kaya hayaan mong ako ang magbayad nito. Kapag maayos na ang buhay ko, baka pwede na tayong magpakasal.” Sa ngayon lang talaga ay hindi ko pa makita ang sarili ko na magpakasal at bubuo ng sarili pamilya. Umiling si Owen, napapikit naman ang mata ko. “Let’s not talk about this. Ayokong mag-away tayo dahil dito.” Nagpatuloy na siya sa pagkain at hindi na ako muling kinausap pa. Hirap akong lumunok dahil sa nararamdaman kong bigat ng dibdib. Hindi ako makapaniwala na hindi niya magawang irespeto iyong desisyon ko. Hindi naman sa sinabi ko na hindi ako magpapakasal sa kanya, ang sa akin lang, hindi pa lang ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD