“Mr. Silvanus Benavidez speaking,” nang marinig ko iyon ay agad akong humugot ng malalim na paghinga upang magkaroon ng lakas ng loob. Dahil alam ko, sa oras na kausapin ko siya ay magsisimula na rin akong maghukay ng sarili kong libingan para sa dignidad at prinsipyo na mayroon ako.
Kapag pinasok ko at tinanggap ang trabahong alok niya ay papasukin ko rin ang ilegal nilang gawain. Labag man iyon sa lahat ng pinaniniwalaan ko ay alam ko ring hindi ako maaaring maging mapili. Beggars can’t be choosers.
“Can we talk today? I’m reconsidering your offer.” Kailangan ko lang talaga ng pera sa ngayon dahil kung mag-iinarte pa ako ay sa kalye ako pupulutin.
“Sure, I have free time today. Let’s talk about this over lunch?” pag-aaya niya sa akin. Bigla na naman akong nagdalawang-isip. Sa tuwing iniisip ko ang ilegal na parte ng trabaho nila ay parang gusto kong umatras. Ayokong mapahamak. Wala akong lakas ng loob para pumasok sa mga ganitong kalakaran. Ganoon pa man ay mas lalong ayokong matulog sa kalye at walang makain dahil lang sa pag-iinarte ko.
“Okay,” sagot ko sa kanya. Sinabihan niya ako na ipapasundo na lang daw niya ako sa driver niya kaya sabihin ko raw sa kanya kung saan ako nakatira ngunit agad ko iyong tinanggihan. Ayokong malaman niya kung saan ako nakatira. Mamaya ay pasabugin niya ang apartment ko kapag hindi kami nagkaayos sa mga terms. Sabi ko sa kanya na i-text niya na lang sa akin ang lugar kung saan kami magkikita.
Silvanus Benavidez:
Let’s meet at Diamond Hotel.
Nanlaki ang aking mga mata nang mabasa ko ang text niyang iyon. Diamond Hotel? Anong gagawin namin doon? Matutulog? Akala ko ba kakain ng lunch?
Me:
Anong gagawin natin sa Diamond Hotel?
Gusto ko lang malinawan. Para kasing naguluhan ako sa sinabi niya. Doon ba siya nakatira o something? Ewan, ayoko na mag-isip.
Silvanus Benavidez:
Lunch. Eat. I will wait.
Hindi ko man maintindihan kung bakit kailangan namin doon pa kumain ay hindi na ako nagtanong pa. Nag-ayos na ako para sa magiging lakad ko mamaya. Tiningnan ko kung may extra resume pa ako at mayroon naman. Dadalhin ko na rin ang ibang dokumentong sa tingin ko ay kakailangan ko.
“Miss Morga?” May lumapit sa aking isang lalaki nang makarating ako sa entrance ng Diamond Hotel. Tiningnan ko siya at magalang siyang tumango sa akin.
“Y-Yes?” Hindi ko siya kilala kaya’t nagtataka ako bakit niya ako nilapitan.
“Mr. Benavidez is waiting for you. This way, Ma’am.” sabi niya sa akin at iginaya ako papasok sa loob. Nagtataka man ay sumunod na lang ako sa kanya. Dinala niya ako sa tila restaurant ata ng hotel. Lumapit kami sa isang lalaki at doon ko napagtantong si Silas na pala iyon.
“Miss Morga, have a seat, please,” bati niya sa akin nang makita niya ako. Ginawa ko lang naman iyong sinabi niya at naupo sa katapat na upuan niya. Nakakahiyang kumilos dito dahil sumisigaw na mahal ang bawat gamit dito.
“Please, call me Hyacinth.” Parang nasabi ko na sa kanya na tawagin niya ako sa pangalan ko. Hindi talaga ako sanay na tinatawag ako sa apelyido ko. Marahan siyang tumawa at tumango.
“I ordered beforehand; I hope you don’t mind?” Umiling ako sa sinabi niya. Okay lang sa akin kung naka-order na siya. Pakiramdam ko naman kasi ay hindi ko rin alam kung anong oorderin ko kung sakaling tanungin niya ako.
Hindi matagal ang aming paghihintay at dinala na ang mga pagkain sa aming table. Napalunok ako nang makita ko ang eleganteng mga pagkain. Malunok ko kaya ito? Hindi naman kasi ako madalas nakakakain sa ganito. Minsan lang, dahil sa trabaho.
“So, you’ve decided to work for me?” iyon ang una niyang sinabi sa akin matapos naming kumain ng tanghalian. Naimis na rin ang pinagkainan namin at dinalhan na lang kami ng slice ng cake at inumin para sa dessert.
“I want to hear the whole details. Kung anong scope ng trabaho ko, magkano ang sweldo ko, at lahat. Gusto kong malaman kung ano ba talagang papasukin ko bukod sa may ilegal na parte ang inyong negosyo,” mahina ang pagkakasabi ko sa huling parte upang hindi marinig ng ibang tao na naririto. Tumaas ang isang kilay ni Silas dahil sa sinabi ko ngunit tumawa rin ito.
“You don’t have to mention the last part but okay, I will explain everything you need to know. But first, you need to sign this.” May iniabot siya sa aking papel. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko pa naman sinabing pipirma ako ng kontrata. “It’s a non-disclosure agreement.”
Sandali akong napatitig doon.
“You can sign that later, though, with the contract if you ever decided to really work for me,” nakangiting sabi ni Silas sa akin. Bahagya akong napangiwi sa kanya. Bakit ba pakiramdam ko ay ang sarkastiko niya talagang tao?
Ibinaba ko muna iyon at tumingin sa kanya. Papakinggan ko muna ang mga sasabihin niya kahit malaki na ang porsyento sa akin na tatanggapin ko ang inaalok niya.
“Let me start, like what I’d said to you, you’ll be handling the shipments of our company. Both legal and illegal imports. For the legal imports, you’re not going to be the only broker to handle it. You’ll be in a team. For the illegal imports, you will handle it alone.” Tumigil siya saglit at ipinatong ang kanyang baba sa likod ng kanyang palad. “The starting salary will be 100,000 Philippine pesos.”
Nanlaki ang aking mga mata dahil sa sinabi niya. Is he kidding me?
“Weh?” Hindi ko mapigilang pumuslit iyon sa aking bibig. Nakita ko naman ang pagngisi niya.
“I’m not joking, Hyacinth.” Para bang kinuryente ako sa pagtawag niya sa pangalan ko. Hindi ko akalain na ang marinig mula sa kanya ang pangalan ko ay maghahatid ng hindi ko kilalang pakiramdam sa katawan ko. Weird. “Anyway, that’s only your starting salary, monthly. Bukod pa roon ang signing fee na ibabayad sa’yo sa kada pirma mo ng entry.”
Halos lumuwa ang aking mga mata dahil sa sinabi niya. Ineexpect ko na malaki talaga ang magigng sweldo ko dahil may ilegal na parte iyon pero ganitong kalaki? Hindi ako makapaniwala.
“Your work will be Mondays to Fridays. 9:00 am – 5 pm. If you need overtime, you can. We will pay you for the overtime.”
Nanlaki ang mata ko. Hindi lahat ay willing magbayad ng overtime 'no. Sa rati kong trabaho ay pahirapan humingi ng bayad sa overtime.
“Okay!” pagpapatigil ko sa kanya. Hindi ako makahinga ng maayos nang marinig ko iyong sweldo. “Pero gusto kong malaman kung anong ilegal na ini-import niyo,” tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin at huminga nga malalim.
Gumalaw siya at pinagkrus ang kanyang binti. “Guns, drugs, and sometimes, machines and appurtenances for gambling. A lot.”
“And you import them by mis-declaring them?” tanong ko. Ayoko naman na mabigla ako kapag nagsimula na akong magtrabaho ‘no. Kailangan kong malaman lahat ngayon.
“Yes, but don’t get me wrong. We pay the proper duties and taxes. Hindi namin binababaan ang value ng mga pinapasok namin sa bansa. Hindi lang natin dine-declare ng tama kung ano ba talaga iyon. We’re not authorized to import such goods, to begin with, I bet you’re aware of that.” Tumango ako sa kanya. Kinakabahan man ako ngunit desidido na ako. Kailangan ko itong panghawakan dahil wala na akong ibang mapupuntahan pa kung palalagpasin ko ito ngayon.
“Okay, fine,” sabi ko at hinabol muli ang paghinga ko. “I accept all of that. I’m willing to work for you, but I need you to accept my one condition,” matapang kong sabi sa kanya.
Tumaas ang isang kilay niya habang nakatingin sa akin. Muli naman akong humugot nang malalim na paghinga.
“Kapag nagkahulihan, dapat ay hindi ako makukulong or I will be proven innocent. Alam ko ang papasukin ko ngunit hindi ako handang makulong kapag nahuli kayo lalo na’t alam kong malaki ang chance na ako ang idiin dahil pangalan ko bilang broker ang gamit niyo,” sabi ko sa kanya. Gusto ko lang maging ligtas.
Nakita ko ang pagkagat niya sa kanyang labi. Napalunok ako.
“We don’t usually enter such agreement with our broker but okay. I’ll accept that. I will revise the contract for you. We should meet again. Maybe tomorrow, in my office,” wika niya sa akin. Agad naman akong sumang-ayon sa kanya.
Matapos iyon ay nagpaalam na ako sa kanya. Inalok niya pa akong ihahatid niya na ako ngunit agad akong tumanggi at sinabi na ayokong maabala pa siya. Agad akong sumakay ng jeep para makauwi. Napatingin ako sa bitbit kong folder. Hindi naman pala ito kakailanganin.
Kahit papaano ay nakahinga na ako nang maluwag. Bukas ay magpipirmahan na kami ng kontrata tapos ay aalamin ko na kung kailan ako magsisimula. Siguro naman ay may sweldo pa rin ako sa katapusan kahit na kalagitnaan na ako ng buwan nagsimula, hindi ba? May pangbayad na ako sa mga utang ko.
Kinuha ko iyong maliit na notebook kung saan ko mino-monitor ang mga utang ko. Kahit papaano ay hindi na ako mamomroblema sa pagbabayad ng mga ito. Napangiti ako. Alam ko naman na hindi tama ang papasukin ko, na gagawa ako ng ilegal, ngunit ito lang ang naiisip kong paraan para magkaroon ng sapat na pera pambayad sa mga utang ko.
Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog iyon. Kinuha ko ito at nakita ko ang pangalan ni Owen, boyfriend ko. Agad ko naman iyong sinagot.
“Hey,” bati niya sa akin nang sagutin ko ang tawag. Ngumiti ako at binati rin siya.
“Hi.” Nawala agad ang ngiti ko nang maalala kong wala pa siyang kaalam-alam na wala na akong trabaho at nasisante ako kanina. Ni hindi niya nga alam ang nangyari kagabi dahil wala pa akong sinasabihan.
“Sorry, are you busy? Okay lang bang tumawag ako sa’yo ngayon? Baka marami kang ginagawa sa trabaho mo,” paninigurado niya. Huminga naman ako nang malalim, inihahanda ang sarili ko para magsalita tungkol sa pagkakasisante ko.
“It’s fine. I’m not busy,” sagot ko sa kanya. Kinagat ko ang labi ko, hindi pa rin alam kung paano sisimulan na wala na akong trabaho sa ngayon.
“I see. Gusto lang kitang kumustahin, kasi hindi tayo nakapag-usap kagabi. Are you okay? Parang walang gana ang boses mo?” Matagal na kaming nasa relasyon ni Owen. Simula ata college. Naging kaklase ko siya sa isang minor subject at doon na nagsimula ang lahat. IT kasi ang naging course niya at nagta-trabaho siya ngayon sa isang kompanya sa Quezon City.
“Okay lang ako.” Hindi ako okay. Hindi ko alam kung paano bubuksan sa kanya ang tungkol sa pagkakasisante ko. “Actually Owen, may sasabihin ako sayo.” Kinakabahan ako. Pakiramdam ko ay madidismaya siya sa akin.
Sa totoo lang ay kaya lang din naman ako nagtitiyaga sa dati kong trabaho kahit na hindi kataasan ang sweldo at hindi ganoong maganda ang benefits ay dahil bukod sa mga utang na dapat kong bayaran at iba pang pangangailangan ay dahil din kay Owen. Ang sabi niya sa akin ay okay na raw magtiyaga sa trabahong mayroon ako ngayon kaysa naman walang trabaho at hindi kumikita ng pera.
I get his point. Kaya nga nagtiyaga ako sa trabaho kong iyon kahit may mga oras na gusto ko nang mag-resign. Bukod sa hindi patas ang sweldo at ang gawain sa trabaho ay may pagka-toxic pa. Hindi man sa department namin ngunit sa ibang department.
Iyon din ang pinaniwalaan ko, not until nakilala ko si Silas, at sinabi ang magiging sahod ko. Doon ko napagtanto na may mas maraming magagandang opportunity sa labas kaysa ang magtiis ka sa ganoon.
Alam ko rin naman na hindi madalas ang ganoong offer pero kung mayroon, bakit mo pa pakakawalan? The job offer is magnificent minus the illegal parts, of course.
“Hmm, ano iyon? Huwag mong sabihing nag-iisip ka na namang mag-resign?” Natawa pa siya nang sabihin niya iyon. Napapikit ako ng mata at hindi nagsalita. Nawala ang pagtawa niya at muling nagsalita. “Don’t tell me you did resign?” Nag iba na rin ang tono ng pananalita niya. Lalo tuloy akong nakaramdam ng kaba.
“No,” matipid kong panimula. Muli akong humugot nang malalim na paghinga bago magsalita. “I got fired.” Ipinikit ko ang mga mata ko dahil sa kaba. Alam ko na hindi niya ikatutuwa ang balitang iyon. Sinong matutuwa sa balitang natanggalan ka ng trabaho.
Matagal ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Ayoko munang magsalita. Gusto ko munang marinig kung ano mang gustong sabihin ni Owen bago ako muling magpaliwanag.
“Ganoon mo na ba kaayaw sa trabaho mo? Na gagawa ka ng paraan para matanggal ka?” Nanlaki ang aking mga mata dahil sa sinabi niya. Inaasahan ko na magagalit siya pero hindi ko inaasahan na isisisi niya sa akin iyon na para bang sinadya kong matanggalan ng trabaho.
“Ha? Hindi—”
“I got to go. Mamaya na tayo mag-usap. Bye.” Hindi na niya ako hinintay pang makapagsalita ulit at binabaan na ako ng tawag. Mariin akong napapikit ng mata at napakagat sa aking labi bago bitiwan ang cellphone ko sa gilid ng kama ko.
Natapos ang araw na iyon na hindi na ulit kami nakapag-usap ni Owen. Natulog ako na may sama ng loob sa kanya dahil ako pa ang sinisisi niya sa pagkakasisante ko.
Kinabukasan ay maaga akong nag-ayos dahil pupunta ako sa opisina ni Silas. Kailangan kong malaman agad kung kailan ako magsisimula. Kailangan ko na agad makapagtrabaho para kahit kalahati ng sweldo ko ay makuha ko sa katapusan.
Puting blouse na lang ang pinili kong isuot at slacks pants para mukha naman akong propesyonal. Nagdala na rin ako ng ID at dinala iyong iba ko pang maaaring kailanganin. Nagpadala ng mensahe sa akin si Silas na mga alas-nwebe raw kami magpirmahan ng kontrata dahil paalis siya ng opisina niya mamaya.
Nang matapos ako sa pag-aayos ay sinilip kong muli ang cellphone ko upang makita kung may text man lang ba ni Owen ngunit wala. Dismayado man na walang nakuhang mensahe sa kanya ay nagtext pa rin ako.
Me:
Good morning. I’m sorry about yesterday. Don’t worry, I have a job interview today. Take care.
Iyon na lang ang i-tinext ko sa kanya bago ako tuluyang lumabas ng apartment ko at naghintay ng bus papuntang Makati. Dahil nadala niya na ako sa opisina niya ay alam ko na kung paano ako pupunta roon. Sumakay muna ako ng bus bago sumakay ng jeep nang nasa Makati na ako para makarating sa kompanya nila.
Maayos naman akong nakarating doon. Maaga pa nga sa oras na napag-usapan namin. Nang makapasok ay agad akong kumuha ng visitor’s pass. Hindi agad ako pinapasok ng nasa front desk dahil naghihintay pa sila ng instruksyon mula ata kay Silas kaya’t naupo muna ako sa sa may waiting area.
“Miss Morga?” pagtawag sa akin ng isang babae. Agad akong tumayo at tumingin sa kanya. “Pwede na po kayong pumasok. 25th floor po.” Tumango ako at agad na pumunta sa elevator. Mabilis naman na nagbukas iyon kaya’t pumasok na ako at pinindot ang 25th floor.
Nang makarating ako roon ay muli akong pinatigil sa may pintuan. “Saan po sila, Miss?” pagtatanong sa akin ng front staff. Lumapit ako roon sa isang babae.
“I have a contract signing with Mr. Benavidez,” sagot ko roon. Tumingin siya sa kanyang desktop computer at may tiningnan.
“Miss Hyacinth Morga?” pagkukumpirma niya. Tumango ako. Ngumiti siya sa akin at iginaya ako papasok. “This way, Ma’am.” Ipinakita niya na sa akin ang daan papunta roon sa kung nasaan siguro si Silas.
Tumigil kami sa tapat ng opisina nito. Kumatok muna ang babae at binuksan ang pintuan bago sumilip.
“Sir, Miss Morga is here to see you,” anunsyo niya. Narinig kong sumagot si Silas kaya’t tiningnan na ako ng babae at sinabing maaari na akong pumasok. Ngumiti rin naman ako sa kanya at pumasok na sa loob.
Naabutan ko si Silas na nakatalikod at nakaharap sa babasagin o kristal niyang bintana na tanaw ang abalang kalye ng Makati. Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya. Agad naman siyang lumingon sa akin.
“You came early than I expected,” saad niya sa akin at itinuro ang isang upuan na nasa harapan ng lamesa niya. “Please, have a seat.”
Tumango ako at lumapit doon upang makaupo.
Iniabot niya sa akin ang kontrata na pipirmahan ko. May pirma na niya sa bawat dulo ng kontrata. “We revised it yesterday and included your condition. Please review the contract before signing it so that we can avoid any problems in the future,” pagbibigay instruksyon ni Silas. Mabilis akong tumingin sa kanya bago pagtuunan ang kontratang binigay niya sa akin.
Binasa ko ang bawat detalye na naandito. Kasunod ng kontrata ay ang pahina ng non-disclosure agreement na kinakailangan ko ring pirmahan.
Tahimik lang kaming dalawa nang biglang may kumatok sa pintuan ng kanyang opisina. Maging ako ay napatingin dito.
“Sir, Mr. Giovanni Benavidez is here to see you,” kinakabahang anunsyo ng sa tingin ko ay sekretarya niya. Hmm, another Benavidez? Is that the older Benavidez? His father, I guess?