September 25, nakatanggap ako ng mensahe mula sa hindi ko kilalang numero. Nagpakilala ito bilang sekretarya ni Silas Benavidez at sinabi sa akin na maaari na raw akong magsimula sa trabaho sa buwan ng Oktubre na siya namang ikinagalak ko. Tapos na raw ang pagpo-proseso sa aking accreditation kaya makakapirma na ako ng mga dokumentong gagamitin sa pagpo-proseso ng mga imported goods nila.
Maaga akong gumising sa unang araw ng Oktubre. Magkahalong excitement at kaba ang aking nararamdaman. Excited ako dahil sa bagong trabaho ko at kinakabahan dahil alam kong delikado itong papasukin ko. Ganoon pa man ay alam kong kailangan ko nang masanay at tigasan ang loob ko.
Ang sabi naman ng sekretarya ni Silas ay hindi naman daw sila ganoong mahigpit sa dress code as long na pormal o propesyonal ang dating mo. Jeans aren’t allowed, and t-shirts, too, kaya wala akong choice kung hindi ang mag-business formal na damit.
Isang pencil-cut skirt ang sinuot ko. Hindi iyon kahabaan kaya maganda ang sukat sa akin. For the top, I wear a long-sleeve button-down polo at dinala ko na ring iyong blazer para kung sakali mang kailangan ko. Nagsandals ako ngunit hindi kataasan ang heels dahil natatakot ako na baka mahirapan ako lalo na’t nagko-commute lamang ako.
Maaga akong umalis ng apartment dahil natatakot ako na mahirapan ako sa sasakyan ko papunta sa opisina. Hindi naman kasi iyon kalapitan sa apartment ko. Isa pa, baka punuuan ang mga bus at jeep ngayon. Ayokong ma-late sa unang araw ng trabaho ko.
Hindi man ganoon kadali ang naging byahe ko ngunit hindi naman ako nahuli. Dahil unang araw ko pa lang ay wala pa akong ID. Nagbabalak palang sana akong mag-iwan ng ID sa lobby ngunit nang banggitin ko na bagong empleyado ako ay pinalista na lang nila ang pangalan ko at hinayaan na akong pumasok sa loob.
Pinindot ko iyong 25th floor. Ang instruksyon sa akin ng sekretarya ni Silas ay pumunta raw muna ako roon.
“Hi,” bati ko sa babaeng nasa front desk. Agad siyang tumayo nang makilala ako.
“Miss Morga, right?” Tanong niya sa akin. Tumango naman ako. Ngumiti siya sa akin at naglahad ng kamay. “I’m Rebecca but you can call me Becca, I’m Mr. Benavidez’s secretary. I will now show you your office, Ma’am,” pormal na sabi niya sa akin. Tumango lang naman ako at sumunod sa kanya.
Binuksan niya ang elevator at sabay kaming sumakay doon. Pinindot niya ang 20th floor.
“Sa 20th floor ang office ng logistics namin. Naandoon din ang mga broker na nagha-handle ng iba pang shipments. Iyong mga malalaking shipments namin ay ikaw ang maghahawak. Madalas na hawak ng ibang brokers namin ay iyong mga LCL shipments. Pag-FCL, as head broker namin, ikaw ang magde-declare.” Tumango ako dahil naiintindihan ko naman ang sinasabi niya.
“Ilang brokers ang kasama ko? Isa pa, nabanggit sa akin ni Mr. Benavidez na may isang firm na nagha-handle ng ibang shipments niyo nang mawala iyong broker na pinalitan ko?” Mr. Benavidez na ang itatawag ko kay Silas dahil naisip ko na boss ko na siya ngayon.
“Yes, may isa kaming broker na nagtayo ng firm. Sa kanya muna namin pinasa iyong mga shipments ng pinalitan mo. Tapos na ang kontrata namin sa kanya kaya sakto lang din ang pagdating mo para ikaw na ang magha-handle ng mga iyon. May dalawa pa kaming broker na nagha-handle ng ibang shipments,” pagpapaliwanag ni Becca. Tumango naman ako. Nilingon niya ako nang bumukas ang elevator. “I know that you are aware of the illegal part of our importation, Ma’am. I hope you don’t open it to anyone here. Hindi lahat ng empleyado ay alam ang tungkol doon.”
Matapos ang paalala niyang iyon sa akin ay lumabas na kami ng elevator. Pumasok kami sa isang opisina at nakita ko na medyo nagkakagulo ang ilang tao roon. Nagsisigawan at nag-aabutan ng mga entries at iba pang dokumento.
“Pagpasensyahan mo na sila. Minsan ganyan talaga rito. Since galing ka rin sa isang brokerage, sa tingin ko ay naiintindihan mo?” Ngumiti sa akin si Rebecca, tumango naman ako. Naiintindihan ko talaga. Malala pa nga kami noon lalo na kapag nagdatingan na ang mga shipments at kailangan agad ma-proseso.
Pumasok kami sa isang silid at nakita ko na may tatlong table doon. Ang pinakamalaking table ay walang nakaupo. Napatingin sa akin iyong dalawa. Isang babae at isang lalaki iyon na sa tingin ko ay iyong dalawang makakasama ko.
“Chad and Venice, sila iyong dalawa pa naming signing broker. This is Hyacinth Morga, siya iyong papalit kay Mr. Rico,” pagpapakilala ni Rebecca. Magalang naman akong tumango sa kanila. Nginitian naman nila ako at bumalik na muli sa trabaho. Pinaupo na ako ni Rebecca roon sa gitnang table.
“Inayos na namin ang lahat, we endorsed you to our supplier abroad at sa iba pang kailangang mong makausap regarding sa shipments. Naayos na rin namin ang email mo. Everything is completed. If you need anything, you can ask those two.” Turo niya sa dalawang broker na kasama ko. Tumango akong muli at nagpaalam na naman siya.
Binuksan ko iyong desktop. Hindi ito kagaya ng gamit kong computer dati kaya kinailangan ko pang magpatulong. Tinulungan naman ako ni Chad. Nagpasalamat ako sa kanya at nagsimula na sa trabaho ko.
Nagulat akong makitang may dalawang email address sa akin. Binuksan ko iyong isa at nakita ko na may email agad si Rebecca.
From: rebecca.fernandez@benavidezcorp.com
Good day, Ms. Morga,
This will be the private email address that you’ll be using in transacting for the illegal imports. The other one is for the legal one. If you have any questions, please email or call me.
Thank you.
Regards,
Rebecca
Doon ko napagtanto kung bakit dalawa ang email na mayroon ako. Tumango ako sa sarili ko at nagsimula na. Nagulantang ako nang makita ko ang email sa kabilang account. Ang dami nito na halos makalimutan kong huminga.
Binasa ko ang bawat email. Ang iba ay pagwe-welcome lamang sa akin mula sa mga taong pinag-endorse-an nina Rebecca sa akin at ang ilang ay tungkol sa shipments.
Agad akong kumuha ng mga envelope para sa shipments. Nagsimula na rin akong magmonitor at magprint ng mga dokumento at dahil sanay ako sa maraming shipments ay hindi ako nahirapan sa mga dokumentong bumaladra sa unang araw ko. Nahirapan lang ako ay sa paglalagay ng tariff at pagka-classify ng goods.
Kinuha ko iyong telepono at tinawagan si Rebecca. May gusto lang ako itanong. Ayoko na namang guluhin sina Chad at Venice dahil mukhang busy din sila sa mga shipments na hawak nila.
“Good morning, Mr. Benavidez’s office. How may I help you?” bati ni Rebecca nang sagutin niya ang tawag ko.
“Hi Becca, this si Hyacinth. I’m in the middle of classifying goods, there are items here that I am not familiar with. Who should I ask to provide brochures of the goods?” pagtatanong ko kay Rebecca.
“Oh okay, hold on. I’ll email you the supply chain department contacts. You can ask them and ask for brochures.” Matapos iyon ay nagpasalamat ako at ibinaba na ang tawag.
Naging maayos naman ang aking umaga roon. Hindi pa naman dumadating ang mga shipments ko. Chineck ko na lang kung kailan ang ETA nila para hindi ko makaligtaan o hindi ako magkamali.
“Hyacinth.” Napatingin ako nang tawagin ako ni Venice. Nginitian niya ako at sinenyasan na lumabas kami ng silid. “Lunch?”
Napatingin ako sa orasan ng silid at nagulat ako na lunchtime na pala talaga. Tumango ako at sinabing susunod na lang. Ngumiti sila sa akin ni Chad at sinabi kung saan ang canteen. Matapos iyon ay nauna na silang lumabas.
Tiningnan ko muna kung wala na ba akong nakakaligtaang shipments para mamaya, pagkatapos ng lunch ay magko-compute na ako. Tiningnan ko rin iyong isang email account at napansin ko na may bagong email doon. Mula ata ito iyon sa supplier sa ibang bansa
Binasa ko iyon at agad akong kinabahan. Uh-oh, my first illegal shipment is here.
Ilang sandali pa akong tulala roon bago ko maisipang mamaya ko na iyon aayusin pagkakain ng lunch. Lumabas na muna ako ng silid at binati naman ako ng ilang taong naroroon.
Patungo pa lang ako sa elevator nang bigla itong bumukas. Nagulat ako nang makita ko si Silas. Nagulat din siyang makita ako ngunit ngumiti rin agad. Magalang ko siyang binati dahil naalala kong boss ko na nga pala siya. Sumakay na ako ng elevator at hinintay na lang na makarating kami ng ground floor.
“So, how’s work?” tanong niya habang pareho kaming nasa elevator.
“Fine. Wala pang nadating sa mga shipments ko so monitoring and computation na lang muna ako sa mga possible na dumating within this week. And I received an email from—I guess you know about it. I saw your email in the CC.” Sumulyap ako sa kanya ngunit agad ding nag-iwas.
“Yes. I’m monitoring those shipments, too,” sambit ni Silas. Hindi na kami nakapag-usap pa dahil bumukas na ang elevator. Nagpaalam na ako sa kanya at naglakad na, patungo sana sa canteen kung nasaan ang ibang kasama.
“Miss Morga,” pagtawag sa akin ni Silas. Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa kanya. “Why don’t we eat lunch together. I need to talk to you regarding that,” ani Silas, emphasizing the word “that”. Wala na naman akong nagawa at tumango na lang sa kanya. Sumunod ako sa kanyang paglalakad at napagtantong hindi kami papunta sa canteen.
Nag-aabang ang kotse niya sa harapan ng building. Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa passenger’s seat. Nagtataka man ay pumasok na ako sa loob. Sumunod naman siya sa akin at naupo sa tabi ko.
Nagmaneho na iyong driver ni Silas at dinala kami sa isang mamahaling restaurant. Napatingin ako kay Silas dahil dito. Wala akong pambayad.
Iginaya ako ni Silas papasok sa loob ng restaurant. Kinakabahan naman akong pumasok. May sumalubong agad sa amin at binati si Silas. The staff of the restaurant accompanies us and guided us in a private room. Nanlaki ang mga mata ko. Ganito ba ka-big time itong si Silas at may sarili siyang kwarto sa bawat restaurant na kakainan niya?
Naupo na kami at umorder. Inorder ko na lang iyong mabilis bigkasin kahit hindi ako sigurado kung makakain ko ba at iyong mura para kung sakaling kailanganin kong magbayad ay hindi ako mapaghuhugas ng pinggan.
“Anyway, about that shipment. Have you read the details?” tanong niya nang makaalis na iyong waiter at maiwan kaming dalawa. Tumango naman ako sa kanya.
“Ammunitions, right?” pangungumpirma ko. Tumango naman siya. It’s restricted importation.
Ipinatong niya ang siko niya sa lamesa at pinasalikop ang kanyang mga daliri bago ipatong doon ang kanyang baba.
“At sa tingin ko alam mo nang hindi mo siya pwedeng i-declare na ammunitions or else, we’ll get in trouble. What are you planning to do?” tanong niya sa akin, para bang sinusubukan niya ako.
Huminga ako nang malalim. Kailangan kong kumalma. Hindi ako pwedeng kabahan at magpakain sa takot. Isang maling hakbang ay maaari kaming mapahamak. Nasa kontrata man na po-protektahan nila ako ngunit hindi ko masasabi kung hanggang saan o anong extent nila ako kayang protektahan.
“Yes. may ibang dokumentong ibinigay sa akin iyong supplier niyo. I think, it’s fraudulent documents, iyon ang mga dapat kong gamitin, tama?” Nakatingin lang si Silas sa akin, maya-maya pa’y tumango ito at ngumisi.
“Uh-huh. I’m expecting you to release it without problem, Miss Morga. I saw from your transcript of records that you graduated with Latin honors. c*m Laude, right?”
Nanlaki ang aking mga mata. Nahihiyang marinig iyon mula sa kanya. Tumango na lang ako sa kanya. Ayokong-ayokong pinag-uusapan ang tungkol doon. Wala naman akong napala sa honors ko nang college. Hindi naman ako yumaman dahil doon, hindi napadali ang buhay ko nang dahil mayroon akong honors. Paglabas mo ng college, pantay-pantay kayo sa field.
“It will arrive next month. I’ll monitor it kung mapapaaga pa at kung made-delay. Aayusin ko na ang mga kakailanganin para sa permit,” sabi ko sa kanya. Natigil ang aming pag-uusap dahil bumukas iyong pinto at pumasok ang mga waiters upang i-serve na sa amin ang pagkain namin. Nagpasalamat ako roon sa waiter at umalis na rin sila.
“Why do you need the permit?” nagtatakang tanong niya bago hinati iyong steak na inorder niya. Pinanood ko siyang gawin iyon. The way he cuts his steak is graceful. Halatang sanay na sanay.
“Iyong ide-declare na item instead of ammunition is regulated goods. We need a permit in order to release it without delay and without encountering problems,” pagpapaliwanag ko sa kanya at nagsimula na ring kumain. Tumango siya, may ngisi pa rin sa kanyang labi. Hindi ko alam kung nagiging sarkastiko lang ba siya o sadyang papuri ang ibig sabihin ng pagngisi niyang iyon. I don’t know. Hindi ko alam kung maiintindihan ko ba siya.
“You’re confident, Miss Morga. Aren’t you nervous since this is your first illegal shipment?” Napatigil ako sa pagkain dahil doon at napatingin sa kanya. Nakita ko ang makahulugang ekspresyon ng mukha niya.
“I am. But being nervous will not do me any good, so might as well just be confident and pretend that I’m not going to commit something illegal,” sagot ko sa kanya kahit na kinakain na ako ng kaba at takot ko. Sana lang talaga ay hindi kami mahuli.
Natapos na kaming kumain na dalawa. Muli kaming sumakay sa kanyang kotse upang makabalik na ng opisina. May oras pa naman para kahit papaano ay makapagpahinga ako bago muling bumalik sa trabaho.
Sumakay na kaming muli sa elevator. May ilan pa kaming nakasabay na agad namang binati si Silas nang makilala nila ito. Napatingin din sila sa akin, siguro ay nagtataka dahil magkasama kami ni Silas. Hindi ko na lang iyon pinansin at lumayo na lang kay Silas. Baka magka-issue pa. Ayoko namang maging laman ng balita ng mga chismosa. Ka-bago-bago ko rin ay magkaka-issue ako. Isa pa, may boyfriend ako. Hindi ko pati balak patulan itong si Silas ‘no, kahit na magandang lalaki siya.
Dumami lalo ang tao na papaakyat sa kanya-kanyang floor nila. Kada may papasok at lalabas ay binabati si Silas o ‘di kaya naman ay magpapaalam sa kanya. Napapansin ko naman na hindi niya pinapansin ang mga iyon. Hmm, ganito ba siya kadistansya sa mga tao? Parang hindi naman. Ang daldal niya kaya kapag nakakausap ko.
Tumunog ang elevator at bumukas iyon. May ilan akong nakasabay na dito rin sa floor na ito lalabas kaya sumabay na ako sa kanila.
“Goodbye, Hyacinth.”
Nanlaki ang mga mata ko at napalingon pang muli papatingin sa loob ng elevator ngunit hindi ko na siya nakita pang muli dahil sa pagsasara ng elevator. Napatulala ako roon sa gulat. Hindi ko akalain na magpapaalam siya sa akin ganoong hindi ko nga nagawang makapagpaalam sa kanya.
Maglalakad na sana ako papasok ng opisina nang mapansin ko iyong mga kasabay kong babae na nakatingin sa akin, halatang nagulat din sa ginawang pagbati ni Silas sa akin.
Oh, dear me. Sana ay hindi sila mag-isip ng kung ano at bigyan iyon ng kahulugan.